Allison's POV
Umuwi ako ng maaga.Ang bigat kasi ng pakiramdam ko eh.Lalong sumakit pa ang ulo ko.
Gusto kong magpahinga.Gusto kong mawala lahat sa isipan ko ang nakita ko kanina.
Kahit anong pikit ng mata ko ay di ko pa rin magawa ang matulog.Kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa panunuod ng telebisyon dito sa sala.
Hanggang sumapit ang alas kwatro.
Bumukas ang pintu-an.Napansin ko agad si Zachary.Himala yata dahil maaga ito ngayon.Anong nakain nito?
Nagtama ang mga mata namin. Ngunit umiwas naman ako agad.
"Ang aga mo naman Zach." Kumento ko.Huli na ng maisip ko kung bakit naitanong ko yun.Pinilit kong ngumiti kahit naaalala ko pa rin ang eksenang yun.
"Bakit,wala na ba akong karapatan umuwi ng maaga?Ayaw mo ba na umuwi ako ng maaga?Bakit,may hinihintay ka bang iba?" Tuluy-tuloy ang tanong niya.
"A-ah wala naman Zach." Nag-aalangan na sagot ko.Hindi na siya sumagot.Napansin kong matamlay siya.
"May sakit ka ba Zach?" Nag-aalalang tanong ko.Kahit ganito siya sa akin,di ko pa rin maiwasan ang mag-alala sa kanya.At isa pa,di na ako sanay na makita siyang matamlay.Gusto kong kapain ang leeg niya. Baka kasi mainit siya at may lagnat. Pero naunahan ako ng takot.Takot na baka magalit siya.
"Wala.I'm fine." Mahinang sagot niya. Himala yata, di ako sinigawan.
Dumiretso na siya sa kwarto niya.
Alas 8 na pero di pa rin lumabas si Zach para maghapunan.Napagod yata.Napagod sa pakikipaglandian.Hell!Gusto kong mainis at magalit sa kanya. Gusto kong sumbatan siya. Pero anong karapatan ko para gawin yan?
Nang mga 15 minutes pa ang nakaraan na di pa rin siya lumalabas ng kwarto niya ay napagpasyahan ko na katukin na lang siya.
"Zach!" Tawag ko sa pangalan niya kasabay ng pagkatok.Wala pa ring sumasagot.
Inulit ko ulit ang pagkatok.Pero wala pa ring sumasagot.
Nakailang ulit na akong kumatok pero ganun pa rin, walang sumasagot.Bigla akong kinabahan.
Inisip ko na baka nasa banyo lang siya. Pinihit ko ang doorknob. Mabuti naman dahil di ito naka-lock.Pumasok ako ng dahan-dahan. "Zach." Tawag ko ulit.
"Zach!" Biglang sigaw ko.Tumakbo ako palapit sa kanya. Nanginginig siya.Kinapa ko siya. Napakainit ng katawan niya.Inaapoy siya ng lagnat.
"A-alli?" Mahinang banggit niya sa pangalan ko.
"Wait here Zach." At mabilis akong tumakbo papuntang kusina para kumuha ng water with ice.Kumuha na rin ako ng gamot sa medicine cabinet at alcohol na ilalagay sa tubig na may yelo.Dinala ko rin ang thermometer.
Bumalik ako ng kwarto.Nanginginig pa rin siya.
"Take this Zach." Isinubo ko sa kanya ang gamot.Ngumanga naman siya.
Pagkatapos ko siyang painumin ng gamot ay pinunasan ko siya ng bimpo na malamig.40°c kasi ang fever niya.
Maya't-maya pa ay nawala na ang panginginig niya.
Nakapikit na siya. Kanina habang pinupunasan ko siya ay nakatitig lang siya sa akin.Kaya naiilang ako.Hindi siya nagsasalita.Nataranta ako ng sobra kanina.Binihisan ko na rin siya.
Lumabas ako ng kwarto niya dahil magluluto ako ng soup.Di pa kasi siya nakapag-hapunan eh.
Bumalik na ako ng kwarto niya pagkaluto ng chicken noodles soup.
"Zach,wake-up first.You need to eat." Tinapik ko siya ng marahan.Unti-unti namang dumilat ang mga singkit niyang mata. Ang mga singkit niyang mata na gustung-gusto ko titigan.
Tinulungan ko siyang makasandal sa headboard ng kama niya.
"Thanks." Sabi niya. Ngumiti pa siya ng kaunti.Gusto kong magdiwang dahil sa pag-ngiti niya. Ang saya ko.
"Welcome." Tipid kong sagot na pinipigilan ang mapangiti.Bumaba na ang lagnat niya.
"Ahh!" Pinapanganga ko siya habang sinusubuan.
"Ako na." Aagawin niya sana ang kutsara ngunit mabilis kong iniwas ito.
"Let me Zach.Let me do this to you.Obligasyon ko to bilang asawa mo." Sabi ko.Nakita kong umiba ang expression niya.Di ko mabasa kung nagalit ba ito. Hindi na siya nagsalita.Pumayag na lang siya na ako ang susubo sa kanya.I love this.Gusto ko to na ako ang aasikaso sa kanya.
Habang sinusubu-an ko siya, nakatitig lang siya sa akin.At kapag nagtatama ang mga mata namin, agad siyang umiiwas.
***********************
Zachary's POV
Habang sinusubuan niya ako,tinititigan ko lang siya.At kapag tumatama ang mga mata naman ay agad ko itong iniiwas.Parang nahihiya kasi ako sa kanya. O sabihin kong nakokonsensiya ako dahil sa kabila ng lahat ng ginawa ko sa kanya,pero heto pa rin siya,natataranta sa kaka-alaga sa akin.Ang babaeng ito na pinangarap kong maging asawa dati. Nun pa,nakikita ko na sa kanya na magiging maaalagaing asawa siya at mapagmahal.Perfect wife.Kaso,sinira niya ang lahat ng yun. Ang nararamdaman kong pag-ibig sa kanya dati ay napalitan ng poot.Laking pasalamat ko nga kay Miesha na siya ang karamay ko nung iwan ko siya.
Ginawa ko ang lahat para mag-krus ulit ang landas namin. Para makaganti ako sa kanya. Gusto kong makaranas din siya ng sakit na yun.
Hindi ko na sana ipagpatuloy ang balak kong paghiganti sa kanya dahil nakikita kong baka di na tatalab sa kanya dahil in love siya kay Sandro.At ako,unti-unti na ring nahuhulog kay Lindsay.Pero dahil sa iniwan at inapakan niya rin ang pagkatao ko,sumiklab ulit ang galit ko.At dun ko napag-isipan na ituloy ang mga plano ko.
Inaayos niya na ang mga pinagkainan ko.Inilabas niya ito. Ako naman,humiga na rin ulit.Di pa kasi ako tuluyan na magaling. Mabigat pa rin ang ulo ko.
Nagising na lang ako kanina dahil ginigising na pala ako ni Allison.Giniginaw at halos di na ako makadilat ng mata.Ewan ko kung bakit nilagnat ako.Pag-uwi ko kanina dito,mabigat na talaga ang pakiramdam ko kaya humiga ako sa kama at natulog.
Bumukas ang pinto.Agad akong pumikit.Alam kong bumalik siya.Naramdaman kong idinantay niya yung kamay niya sa leeg ko.Nakikita ko sa kanya kanina na sobrang nag-aalala siya sa akin.
"Goodnight Zach." Bulong niya.Inaakala niya sigurong tulog talaga ako.
"I'm still in-love with you Zach." Pagpapatuloy niya.F*ck!Gusto kong dumilat pero di ko magawa dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Gusto ko siyang yakapin at halikan.Di ko man aaminin,pero masaya ako na naririnig ko sa kanya ang mga katagang yan. Gusto kong sumabog at umiyak.Shit lang!Nakakabakla!Next thing na ginawa niya ay ang humalik sa noo ko na gawain na niya nun pa.
Naramdaman ko na lang na humiga siya sa tabi ko.
Niyakap niya ako at tinitigan.Kahit nakapikit ako,pero naramdaman ko yun.
Hindi ako makagalaw.Umiinit kasi ang katawan ko sa pagkakayakap niya sa akin.I want to make love with her.But I can't.Wala akong lakas. Kaya pinilit ko na lang ang matulog kahit di ako mapakali.
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
Roman d'amourTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...