Chapter 37

84.7K 1.2K 67
                                    

Allison's POV

"Wala pa bang laman ito?" Tanong ni Zach sa akin habang hinihimas-himas ang tiyan ko.Kaka-tapos lang kasi namin ng alam niyo na. He he!

"Wala eh." Maiksing sagot ko.Kahit ako kasi di alam kung bakit di pa ako nabubuntis.

"Ang bagal ko naman pala. Ano ba yan? Palagi naman tayong nagdo-double time ah.Dapat siguro triple time talaga." At ngumiti pa siya ng pilyo.

"Sira." Hinampas ko siya. "Pauso ka rin ano?May pa-triple time ka pang nalalaman diyan ha." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Oh bakit,di ba pwede yun baby?Kung pwede pa nga ng multiple time eh,sana ginawa ko na. Kaso ayoko naman ng ganun,baka ma-over use ka at sumabog.Sayang, baka tuluyan ng di tayo makabuo." Napatawa na ito ng malakas at saka niyakap ako.Sa mga ganung banat niya ay di pa rin nauubos ang kilig ko.Kinikilig ako sa mga banat niya palagi.Ang hilig niya kasi eh.Kaya pakiramdam ko,parang nanliligaw pa rin siya sa akin.

Ikaw ba naman ang papakiligin araw-araw?At ewan ko kung saang libro niya kinukuha ang mga ganyang banat. Oh baka naman na talagang talent niya na yan.

"Tumigil ka na nga diyan Zacharias." Saway ko sa kanya. Pero halata naman na kinikilig ako.

"Pinapatigil mo ako kasi baka himatayin ka na sa kilig,ganun ba baby?" Nakakalokong ngiti pa ang pinakawalan nito. "I love you Allison." Bulong niya sa akin.

"I love you too Zach." Sagot ko sa kanya.

"Ano kaya ang magiging anak natin ano?" Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa kisame.Yun bang parang nangangarap. "Alam mo ba Allison,sayo lang ako nangarap na magkaroon ng anak.Kaya kahit noon pang time na kakasimula pa lang natin bilang mag-asawa ay di na ako gumamit ng proteksiyon.Hindi ko naisip yun." Bumuntong hininga pa ito. Tama nga. Hindi nga ito gumamit ng proteksiyon para di ako mabuntis.

"Zach,bakit di tayo magpacheck-up?Baka naman ma—"

"No Allison. Walang may deperensiya sa atin." Putol niya kaagad sa sinabi ko. "Gumamit ka ba noon ng proteksiyon para di ka mabuntis sa akin?" Tanong pa nito.

"Never akong gumamit." Sagot ko.Totoo naman kasi eh.Ni hindi ko nga naisip yan.

"Baka di lang talaga muna ipinagkaloob sa atin." Pagpapanatag niya sa akin. "Gusto kong mayroon ng sanggol sa bahay na ito. Yun bang uuwi ako na mayroong asawa at anak na sasalubong sa akin.Tapos hahalik sa akin." Anito.Nakaramdam tuloy ako ng awa sa asawa ko.Ramdam na ramdam ko kasi kung gaano na niya gustong magkaroon ng anak. Pero ano ang gagawin ko?Di naman ako nabubuntis.

Nakalipat na pala kami rito sa bahay na ni-regalo niya sa akin nung valentines.

Mga isa't kalahating buwan na ang nakaraan.Kaya kumpleto na rin kami sa mga gamit dito.Totally finish na rin ang bahay na ito.

"Darating tayo diyan Zach." Ako naman ngayon ang nagpapanatag sa kanya.

"Kaya nga. Kaya umpisahan na natin ulit." At mabilis itong pumaibabaw sa akin.Loko talaga kasi ito. Pumapara-paraan lang.

Kinabukasan...

"Zach,may nagdo-doorbell.Can you please open the door." Sigaw ko sa kanya. Nagluluto kasi ako ng lunch namin kaya di ko maiwanan.Sunday kasi eh.

"Yes baby.Isang sigaw mo lang,nanginginig na ako sa takot." Sagot nito.
Loko!

Napangiti na lang tuloy ako.

"Kevin,anong ginagawa mo rito?" Narinig kong sita niya sa kakarating lang.At yun ay ang best friend niyang si Kevin.

"May masama ba pare kung bisitahin ko ang bago niyong love nest?" Dinig ko pang sagot ni Kevin. "At isa pa pare,alam ko namang miss mo na ang kagwapuhan ko at ang hot kong katawan.Kaya nagkusa na akong magpakita sayo. Para naman di ka na mahirapan na tawagan ako at para na rin di ka mapa-gastos ng pantawag sa akin." Dugtong pa nito. Napatawa na lang ako sa tinuran ng Kevin na ito. Still Kevin huh!

His Way of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon