Allison's POV
"Iligpit mo ang mga gamit mo at dalhin sa room ko.Miesha will stay there." Text ni Zachary sa akin.
What the hell is he doing?Dito niya papatirahin ang babaing yun? Urgh!
Pero wala naman akong magawa.Kaya ginayak ko na lang ang mga gamit ko.Kaunti lang naman ito.Alas 7 pa lang naman.Dapat bago mag-alas 8 nakaalis na ako dito.Ayokong makita ang pagdating nila. At lalong ayokong makipag-plastikan sa babaing yun. Ano na naman ang pumasok sa kukuti ng Zacharing yun at dito pa niya talaga patutuluyin yun?
Sigurado akong mahihirapan ako nito dahil makakasama ko ang babaing yun. Ang babaing kinaiinisan ko.Naghahalukipkip na naman ang kalooban ko.
Mabilis kong natapos at nailipat sa kwarto niya ang mga gamit ko.Kaya umalis na rin ako gamit ang sasakyan ko.
Dumeretso ako sa apartment ni Jasmine. Sigurado akong magugulat yun.Alam ko naman kung saan eh kasi minsan na ako napadpad rito.Di niya alam na pupunta ako ngayon dito.Gusto ko lang siya kasing yayain na mag-breakfast o mag-coffee sa labas.
Nag-doorbell ako at agad naman itong binuksan.
"Oh,Allison!" Nanlaki pa ang mga mata niya. Pero ngumiti din agad. Kakagising lang siguro nito kasi gulung-gulo pa ang buhok.Gayunpaman,maganda pa rin ito.
"Hi! Can I invite you na mag-breakfast sa labas ?" Pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Any problem?" Tanong niya. Hindi nga niya sinagot ang tanong ko sa kanya. Ganun na ba ako ka-transparent para makita niyang may problema ako? "Wag ka ng denial diyan girl.Ano na naman ang ginawa sayo ng ogag na yun, ha?" Nakapa-mewang pa siya.
"Ba,baka gusto mong papasukin muna ako." Sabi ko.
"Oh I'm sorry.Come in." Nilakihan pa niya ang awang ng pintu-an.
Pumasok na kami. "Pasensiya ka na kung di kaagad kita napapasok.Alam ko kasing pasan mo na naman ang daigdig.At nagtataka nga ako kung paano mo nakakaya yun." Pagbibiro niya. Ang babaing ito at laging may baong biro. Iyan ang gusto ko sa kanya.Kahit papano, napapangiti niya ako.
Pina-upo niya ako sa sofa.Kahit maliit lang ang apartment niya ay malinis at maayos ito.
"So,ano na?" Tanong ko na ang tinutukoy ko ay yung pagyakag ko sa kanya.
"Aayaw pa ba ako?Eh?Nandito ka na. Ayaw ko pa nun,libre ako." Tumawa siya ng kaunti.Napangiti na rin ako. "Just wait here ha.I'll just take a shower quickly."
"Ok." Sagot ko.
********************
Zachary's POV
"Are you hungry?" Tanong ko kay Miesha.Nagba-byahe pa kasi kami.Medyo traffic eh.Baka gutom na ito.
"A little." Sagot niya.
"Ok. Let's eat breakfast first. Where do you want to eat?" Tanong ko.
"I want UCC Coffee" Na ang tinutukoy niya ay ang pangalan ng gusto niyang kainan.
"Good choice. They're good when it comes sa breakfast." Pagsang-ayon ko.
Kaya naghanap na kami ng UCC.
Mga ilang minuto din bago kami nakahanap.
Nag-park na ako at bumaba na ng kotse.Inalalayan ko pa siyang bumaba.
"Thanks." Nakangiti niyang pagpapasalamat.Kumapit siya sa braso ko at tuluyan ng pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
RomanceTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...