Lindsay's POV
Parang kailan lang,five months na pala kami ni Zach.Ang sarap lang sa pakiramdam na minamahal ka talaga ng taong mahal mo.He's so sweet.Kaya parang busog na busog ako sa pagmamahal niya.Napapangiti tuloy ako lagi na mag-isa.Haist,pag-ibig nga naman.Nakakawala ng katinu-an.He he.
Ah basta ako,mahal na mahal ko siya.Maliban sa kagwapuhan niya,maalaga pa.Yung tipong di ka paiiyakin.
Pero bakit di mawala sa isipan ko ang mga tinginan nila ng best friend kong si Allison?Kung minsan, pareho pa silang nag-iiwasan ng tingin.Palagi kasi kaming magkasamang apat kasama din si Sandro.Kaya kung minsan, di ko maiwasang mag-isip ng kung ano.Para kasing my something sa kanila eh.Haiisttt....Ano ba naman yan ang naiisip ko?Baka napa-praning lang ako sa kgwapuhan ng boyfriend ko.At tsaka,mahal ng best friend ko si Sandro no.Kung di ko lang talaga best friend si Allison,siguro magdududa ako.Ah di mangyayari yun. Mahal ako ng best friend ko.At mahal na mahal ko rin siya.
Makapag-ayos na nga ng mga gamit ko dahil dadaan pa ako sa mall.May bibilhin ako.Alas kwatro na rin eh.Di naman ako masusundo ni Zach,dahil nasa business trip ito. Pareho kaming C.E.O. ng sari-sarili naming company.Kaya sobrang kapagod din ang magpatakbo ng company.Actually,di talaga ito ang gusto ko.Kaso,nahiya lang akong tumanggi kay papa.Gusto ko kasi na maging isang model sa ibang bansa eh.
Nandito na ako ngayon sa isang mall.Dumiretso na ako agad sa book store.
I was about to pick up the book nang may tumawag sa pangalan ko.
"Lindsay?"
Lumingon ako kung sino.Siya nga. Nakauwi na pala siya.Ilang buwan din siyang nawala ha.
"Rainier!Rainier Bankoff you're back." sinalubong niya ako ng yakap.Gumanti naman ako.Isa siya sa mga naging malapit naming kaibigan ni Allison.
"Of course.I'm back,para sa 'yo" ngumiti siya ng matamis at kumalas na sa pagkakayakap sa akin.
"Kaw talaga.Di ka pa rin nagbabago." hinampas ko pa siya. Lagi niya kasing sinasabi sa akin dati na may gusto siya sa akin.Pero, di ko siniseryoso yun, kasi nga di naman talaga siya seryoso.
Tumawa siya.
"So,how's Allison?I missed her too." tanong niya.Ang gwapo din nito. Pero wala siyang girlfriend .Half american siya dahil ang daddy niya ay isang amerikano.Kaya lang dito na sila nanirahan sa Philippines. Magbabarkada pa kami dati noong college days namin.
"Ano pa nga ba? Lagi naman masaya ang buhay noon.Alam mo na, laging in-love yun." nakangiti kong sagot.
"Kaya nga eh.And you?" tanong niya sa akin.
"Hmm.Meron na." di ko maiwasan tuloy ang kiligin.Para lang akong enga kapag si Zach na ang nasa isip ko.Nakita ko naman ang disappointment sa mukha niya.
"At sino naman ang malas na lalaking yun?" biro niya at nagpeke pa ng ngiti.
"Ipakilala ko na lang sayo kapag dumating na siya.Nasa business trip eh."
"I see." tumango lang siya.
"Care to have dinner?Para naman makapag-usap tayo ng maayos." yaya niya.Oo nga naman.Dito pa kami nag-uusap sa bookstore.
Kaya pumayag na lang ako.
******************************
Allison's POVNag-iimpake ako ngayon ng mga gamit kong dadalhin bukas sa Cebu ng bigla namang nag-ring ang phone ko.Haist,istorbo naman.Kung kailan na nagmamadali ako.Pero sinagot ko rin naman ito. Alam kong si best ang tumatawag.
"Yes?" walang ganang sagot ko.
"[Ay ang taray best ha.Wala man lang bang hello?Yung mga ganun man lang sana.Nag-level up na pala ang pagsagot mo ng phone ngayon ano?]" narinig ko pa ang maarteng tono niya sa kabilang linya habang tumatawa ito.
"I'm sorry best.I am just busy."
"[Busy of what best? Don't tell me sa ganitong oras ng gabi,nagtatrabaho ka pa rin?Ikaw na talaga best.]" alas nueve na kasi ng gabi eh.Kaya niya nasabi yan.At alam niyang pagdating sa trabaho,wala akong pinapalampas na oras.
"No.I'm just packing away my things,best.I'm leaving tomorrow." sagot ko.
"[Ah,I see.But where best?]" tanong niya.
"Cebu." makulit kasi to ang best friend ko eh.Kahit di mo sabihin sa kanya,mamimilit pa rin yun.
"[Cebu best?Bakit sa Cebu?]" parang may pagdududa sa tanong niya.
"What's wrong kung sa Cebu best?Lagi naman ako doon ah.Di ba may isang branch ako doon?"
"[Ha?Ah eh,wala best.Ano...ah nandun din kasi si...]" hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin niya.
"Hmmm...Sino?May sasabihin ka ba best?" kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.
"[Ah,wala.He he.May sasabihin lang sana ako sayo best.Kaya tinawagan kita.]" hindi na niya sinagot ang tanong ko kung sino.Kaya binalewala ko rin.Bakit ganun,lately,I noticed her na may kakaiba.Hindi kaya,alam niya na? Napasinghap na lang ako.
"W-what is it best?" kinakabahan kong tanong.
"[He's back.]" sagot niya.Ha?Ano daw? Sino ang tinutukoy niya. Napaisip tuloy ako kung sino.
"[Best, are you still there?I said,Rainier is back.]" dun lang ako natauhan.
"Oh really best?I missed him.Nagkita na pala kayo?So kamusta siya?" tanong ko.Si Rainier ay malapit naming kaibigan.At,may lihim na pagmamahal kay Lindsay.Pero ewan ko ba kay best.Alam ko namang may gusto din siya kay Rainier dati eh.Kaso,hay ewan ko sa kanilang dalawa.Seven months din siyang nasa America.
"[Grabi best.Lalo siyang pumogi.]" kinikilig pa ito. Eh kung batukan ko kaya to?May boyfriend na kaya siya.
"Uy best,umayos ka ha.May boyfriend ka kaya no?Kung kiligin ka diyan."
"[Best naman!” tumawa siya. "Alam ko naman yun. Sinasabi ko lang sayo ang totoo. Alam mo namang mahal na mahal ko si Zach diba?Kaya wag kang mag-alala.Di ko siya pakakawalan.]" sabi niya.Bakit ganun?Parang iba ang gusto niyang iparating sa akin?Ano ba to?Baka napapraning lang ako.
"Oo na best.Alam ko na yun.Sige ha,ipagpatuloy ko na ang ginagawa ko.Just tell Rainier na magkikita na lang kami pagbalik ko." pagpapaalam ko.
"[Sure best.Ingat ka dun ha.Wag kalimutan ang pasalubong ko.I love you best.]" narinig ko pa na tumawa siya.
"He he.Ok best.I love you too." we're always like this.Always may I love you.
Pinatay niya na ang tawag niya.
Napapailing na lang ako.
Nakokonsensiya ako.Dapat lang ba na sabihin ko sa kanya ang totoo? Magagalit kaya siya? Baka hindi naman.Tsk!Siguro,saka ko na sabihin sa kanya.Alam ko namang mahal siya ni Zachary eh.Ayoko sanang maglihim sa kanya. Sorry best.Malalaman mo rin ang lahat.But not now.
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
RomanceTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...