Allison's POV
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.Basta dito lang ako nagpahatid sa taxi na sinakyan ko.Dito sa park na ito.Ang gusto ko lang naman ay makalayo kay Zachary.
Pero sa ngayon,gusto lang magpahangin bago magdesisyon.
Ayoko siya munang makita.Nagagalit pa rin ako sa kanya. Ang sakit ng ginawa niya eh.
Tumulo na naman ang mga luha ko.
"Allison?" Isang tinig ang and narinig ko.Umangat ako ng ulo at tiningnan ang lalaking tumawag ng pangalan ko.
"Sandro?" Gulat na banggit ko sa pangalan niya.Ngumiti siya sa akin.
Teka lang,tama ba ang nakita ko na ngumiti siya sa akin?
"K-kamusta ka?" Casual na tanong niya sa akin.Nagkibit balikat lang ako.Kaya bumuntong-hininga siya.
"Ano ang nangyari?" Tanong niya ulit.
Tama ba na ikwento ko sa kanya ang lahat?Siguro ito na ang tamang panahon.
"Please tell me Allison.Anong problema mo? Wag kang mag-alala,dahil di na ako masasaktan.Siguro nga kaya tayo nagkahiwalay dahil may isang taong nakalaan para sa akin.Allison,sorry sa gulong nagawa ko ha.Sorry talaga." Madamdamin na sabi niya. "Kahit ganun ang nangyari sa atin, gusto ko pa ring magpasalamat sayo dahil natagpuan ko na ang babaing minamahal ko at minamahal din ako.Ang babaing mahal na mahal ako." Nakangiti na saad niya.
"Talaga?Natagpuan mo na siya?" Masayang tanong ko sa kanya. Di na ako nagtanong pa kung sino.Hintayin ko na lang na sabihin niya sa akin.
Nagsimula akong magkwento ng lahat-lahat sa kanya. At naintindihan niya naman ito. Kaunting payo lang ang ibinigay niya sa akin at umalis na sila ng babaing sinasabi niya.Bigla kasi itong dumating.Napapangiti na lang ako habang sinusundan ko sila ng tingin.Si kupido nga naman,kakaiba ang uri ng pagpang-pana.
Humugot ako ulit ng hininga.Eh?Ako,ano ang tadhana ko.Kami ng magiging anak namin ni Zach.Makikita niya pa kaya ito?Tumulo ulit ang mga luha ko.
"B-best." Isang tinig na naman ang narinig ko.Baka guni-guni ko lang yun. Baka naaalala ko lang si Lindsay. Kaya hindi na akong nag-abala na lingunin pa ito. Ngunit nagulat na lang ako ng tinapik ang balikat ko.
"Ang kapal din ng mukha mo ano?!" Agad na sigaw ko sa kanya. Galit kasi ako sa kanya. "Masaya ka na ba Lindsay?Masaya ka na bang nakikitang nasa impyerno ang buhay ko ngayon,ha?!" Sigaw ko ulit sa kanya. Gusto ko siyang saktan pero di ko magagawa dahil mahal ko pa rin siya bilang kaibigan.
"A-allison...I'm so s-sorry...s-sana ay mapatawad mo ako.A-ang laki ng kasalanan ko sayo.Sobrang nasaktan kasi ako.A-akala ko kasi...niloko niyo ako na di naman pala. Ako pala itong tanga.Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko kay Zach.A-allison,sana mapatawad mo ako best." Pilit niyang inabot ang kamay ko pero inilayo ko ito sa kanya.
"Ano na naman bang palabas ito Lindsay,ha?Please,tama na! Tama na!" Galit na sigaw ko sa kanya. Hindi ako naniniwala na totoo ang mga sinasabi niya.Pero ewan ko kasi may isang bahagi ng puso ko ang nagsasabing sincere ang paghingi niya ng tawad.
"A-allison,..alam kong mahirap na maniwala ka agad. Pero kanina, ng hinabol ka ni Zach at iniwanan ako,dun ko lang na-realize na mahal na mahal ka niya talaga.Allison,mahal na mahal ka ni Zach.At napatunayan ko iyan na kahit mamatay pa siya ay gagawin niya,wag mo lang siyang iwan at wag ka lang magalit sa kanya." Mahabang paliwanag niya.Gusto ko na talagang maniwala pero nanatili na lang ako na tumahimik.
"Allison,alam kong di mo ako mapatawad sa ngayon.Pero nais ko lang malaman mo na kaya agad kitang hinanap dahil kay Zach." Ng marinig ko ang pangalan ni Zach ay bigla akong nainis.
"Ayoko ng marinig ang pangalan niya.Galit ako sa kanya!" Sigaw ko pa rin.
"Kahit pa na nasa malubhang kalagayan siya Allison?" Seryoso at parang kinakabahan siya sa sinabi niya.
Wait,malubhang kalagayan?Kinabahan ako bigla.
"A-ano ang i-ibig mong sabihin Lindsay?" Nauutal na tanong ko.At bigla na lang tumulo ang mga luha ko kahit hindi ko pa alam.
"Kaya kita hinanap dahil...nabangga ang kotse ni Zach dahil hinabol ka niya Allison." At umiyak na rin siya.
No!Hindi totoo ito. Hindi!
"Saan, saan siya Lindsay?" Hindi ko alam kong ano ang gagawin.
Ng masabi niya na sa akin ang hospital ay agad kaming sumakay sa kotse na dala niya.
Hindi mapuknat ang iyak ko habang nagbabyahe kami papuntang hospital na dinalhan kay Zach.
"Be strong and pray Allison.Ang lakas ng pagkakabangga niya." Sabi pa niya.
Halos manlalabo na ang mga mata ko sa kakaiyak.
God,pagalingin Mo po si Zach.Hindi ko kaya na mawala siya sa akin.
Kasalanan ko ito.
Sana kung di ko siya hinayaan na humabol sa akin,baka di pa siya nadisgrasya.Humagulhol ako ng malakas.
Takot,kaba at pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon.Di ko siguro mapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari kay Zach. Hindi.
Mabilis naming narating ang hospital.
Dumeretso kami agad sa E.R. at hinintay na may lumabas na doctor.
Hindi ako mapakali habang nag-aabang.Kaya palakad-lakad ako habang sinasambit ang pagdadasal.Nahihilo na rin kasi ako.
Mabuti dahil nandito si Lindsay na umaalalay sa akin.
Ng may lumabas na doctor ay agad kaming lumapit.
"Sino ang pamilya ni Zachary Henson?" Agad na tanong ng doctor.Siguro nalaman nito ang pangalan dahil sa mga ID o driver license ni Zach.
"A-ako po ang asawa niya." Agad na presenta ko. "How's my husband doc?Is... he ok?Di ba doc,...ligtas siya?" Sunud-sunod na tanong ang ginawa ko.
Tumingin lang sa akin ang doctor ng malungkot na siyang lalong ikinatakot ko.Bumuntong-hininga pa ito bago mag-salita. "Mrs,tatagan mo ang loob mo. Ginawa na namin ang lahat..." Umiling-iling pa ito bago nagpatuloy. "...I'm sorry pero..."
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
RomanceTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...