Allison's POV
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na kasama na ang dati kong boyfriend.Nasa seaside niya ako dinala. Nakaharap kami sa dagat.May mga restaurant at talagang pasyalan ito. Sosyal nga lang ang lugar na ito. Halos lahat ay mayayaman.
Dinig na dinig ko pa ang mga hampas ng alon.Mahangin din dito.Kaya presko sa pakiramdam at ang sarap damhin ng hangin.
Tanging si Sandro lang ang nakakagawa nito sa akin.Yun bang dadalhin ako sa isang lugar na alam niyang magkakaroon ako ng peace.
Napasinghap na lang ako.
Naalala ko kung paano niya ako nagawang makumbinsi na sumama sa kanya.
Flashback
"Please Allison.Kahit ngayon lang.Kahit ngayon lang.Huli na to.Pagkatapos nito ay di na ako magpaparamdam sayo." Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinawakan ito. Tumingin siya sa mga mata ko.Ang lungkot ng mga yun. Wala na ang dating kinang na nakikita ko kapag magkasama kami.Gusto kong bawiin ang kamay ko na hawak-hawak pa niya pero hinayaan ko na lang.Awang-awa ako sa kanya. Ang sakit din.
Pinigilang kong wag umiyak pero nagkusa na ang mga luha ko na pumatak.
Guilty kasi ako.Ako ang dahilan ng kanyang kalungkutan sa ngayon.
Hindi ko napigilan na yakapin siya ng mahigpit.Ginantihan niya rin naman.Yun bang yakap niya na parang panghuli na.Patuloy ang pag-iyak ko sa balikat niya.
Humiwalay na ako at saka tumingin sa mga mata niya.
"I'm s-sorry." Ang tanging nasambit ko.Paano ko ba papawiin ang sakit na nararamdaman niya ngayon?
"C'mon,let's go." Yaya ko sa kanya. Pumayag na ako kasi alam kong huli na ito.
End of flashback"I want to know everything Allison.Yung totoo." Siya ang unang nagsalita.
Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo?Siguro mabuti ng wag niyang malaman ang lahat.
"Because of this." Itinaas ko ang kaliwang kamay at ipinakita sa kanya ang wedding ring namin ni Zachary. Di niya kasi ito napansin kanina.
Nakita ko ang pagkabigla na rumihistro sa mukha niya.Di ko mababasa kung galit ba siya o ano?
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
Roman d'amourTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...