Zachary's POV
"Bakit di kayo umuwi ng Cebu Zachary?" Untag ni mommy sa aking pag-iisip.
"What for,mommy?" Kunot-noong tanong ko.Ano naman ba ang nasa isip ng aking ina?
"Eh de doon na kayo tumira iho.I-uwi mo na si Allison.Para naman malaman ng daddy mo na nagpakasal na kayo." Sagot niya.
"No!" Agad kong pagtutol.Para ano pa na uuwi kami ng Cebu na kasama ko siya?Gusto na nga niya makipaghiwalay di ba? "Narinig mo naman ang sinabi niya mommy di ba? Maghihiwalay din kami.So para ano pa?" Sa binanggit kong salita na maghiwalay din kami,parang may karayom na tumusok sa puso ko.Damn!
"Sa palagay mo ba Zach,papayag ako this time na maghihiwalay kayo ulit?" Seryoso ang mukha ni mommy.Wala akong ngiti na nakikita sa kanya. Pagkaganun na yung hitsura niya,alam kong di na mababali ang pasya niya.
"Excuse me po.Tita, Zach,maiwan ko muna kayo ha.Para makapag-usap naman kayo na kayo lang." Si Miesha.Tsaka ko lang napansin na nandito pa siya pala. Sabay pa kami ni mommy na tumango.At lumakad na nga si Miesha.
"Tulad ng sinabi ko mommy,wala ng pagmamahal na namamagitan sa amin." Iniwas ko ang mga mata kay mommy.
"Sinungaling.Sino ba ang niloloko mo Zachary? Sarili mo lang din naman di ba? Sa palagay mo maniniwala ako sayo. Huwag mo akong pinagloloko my beloved son.Kilala kita mula ulo hanggang daliri mo sa paa.Dahil sa ilang taon na nawala si Allison sayo, wala ka pang ibang minahal na babae. At sa tagal ng paghihiwalay niyo,halos walang kinang iyang mga mata mo. Ngayong nandito na siya ulit,nakikita ko na ang ningning ng mga mata mo. Dinaig pa nga yata niyan ang kislap ng mga tala eh.I'm your mom Zach." Mahabang saad niya.Halos wala na nga akong masagot sa mga sinasabi niya. Totoo naman kasi.Sa tinagal-tagal ng panahon parang kinalimutan ko na ang magmahal.Kung nagkaroon man ako ng babae yun ay isang fling lang para sa akin.Ng dumating si Lindsay sa buhay ko,pinilit ko naman siyang mahalin kahit pa isa pa isa lang siya sana sa mga daan ko upang mapalapit kay Allison. Para makapaghiganti.Ngunit ng makita kong mahal talaga nito si Sandro,pinilit kong ibaling ang pagmamahal kay Lindsay.Pero iniwan niya rin pala ako.
"Zacharias." Pukaw ni mommy sa malalim kong pag-iisip. "Wala ka na palang maisasagot.Siguro puwede na akong mamahinga muna.Napagod ako sa byahe anak." Dugtong pa nito.
"Mom,hatid ko na po kayo sa hotel." Sabi ko.Wala kasi siyang matutulugan rito. Nandito kasi si Miesha.
"No.Dito ako matutulog iho.Balak ko nga kanina na sa hotel ako mag-stay.Pero dahil gusto ko pang makausap si Allison.Napag-isipan kong dito na lang ako matutulog.At isa pa,di ako mapakali sa sitwasyon niyo." Napabuntong-hininga pa siya.
"But mom,two bedrooms lang ang mayroon ang condo na ito. Si Miesha ang naka-stay doon." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"No problem son.Then,share kami." Nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya. Kaya wala na akong magawa kundi ang igaya siya sa kwarto ni Miesha.Knowing my mom,siya yung babae na may paninindigan sa mga sinabi.
*****************
Allison's POVIniunat ko ang mga kamay ko pagkagising ko.Inaantok pa kasi ako.Kaso di na ako makatulog dahil sa sikat ng araw na pumapasok sa kwarto namin ni Zach.Kwarto namin ni Zach?Oo nga pala nakatulog ako kagabi sa sobrang pagod sa kakaiyak.Nasaan kaya si Zachary?
Sa tuwing nababanggit ko ang pangalan niya,nasasaktan ako.
Bumangon na ako at ginawa ang daily routine ko.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.Alas 8 na rin kasi.Kaya nagugutom na rin ako.Di pa ako nakapag-almusal.
"Oh iha,gising ka na pala?" Agad na salubong ni tita sa akin.Akala ko ba ay sa hotel ito matutulog.Nasa dining na pala silang dalawa ni Zachary.Nahiya tuloy ako kay tita dahil sa paraan ng pagsagot ko kagabi. "Good morning." Nakangiting bati pa niya sa akin.
Mabuti pa itong si tita bumati sa akin.Pero ang asawa ko,ni tingin sa akin ay di magawa.Nilalantakan lang nito ang mga pagkain na nakahain.Parang galit na galit sa pagkain.Asa ka pa Allison.
"Good morning too tita." Alanganing bati ko rin sa kanya.
"Sit down iha.Nagluto na ako.Wala pala si Miesha.Maagang umalis." Sabi nito. Naupo na rin ako dito sa tabi ni Zach.Sa ibang upuan sana ako uupo pero dito ako pinaupo ni tita eh.Invisible yata ako sa tingin niya. Kasi kahit sulyap man lang sa akin ay di magagawa.
"Mommy na lang iha ang itawag mo sa akin.Total mag-asawa na rin lamang kayo." Si tita. Mukhang nagulat pa ako sa sinabi niya.Di ba alam niya naman na maghihiwalay din kami ni Zachary? Pinakiramdaman ko si Zach kung ano ang reaction niya.Ngunit wala.Nakatungo pa rin ito. Damn this man! "Sabay na kayo sa akin na umuwi ng Cebu." Dugtong pa nito. Bagay na ikinagulat ko.
"Ano po tita?" Nanlalaki pa ang mga mata ko.
"Mommy." Pagtatama niya.
"A-ano po M-mommy?" Halos di ko pa mabanggit-banggit ang mga katagang mommy.Bakit uuwi kami sa Cebu?Di ba nandito ang hawak ni Zachary na business nila? Di ba alam naman niya na maghihiwalay din kami?
Sinulyapan ko si Zach.At nagtama ang mga mata namin. Ngunit mabilis niya itong inilag.
"Para doon na kayo magsisimula ng panibagong buhay niyo bilang mag-asawa." Seryosong wika nito.
Ano daw? Panibagong buhay bilang mag-asawa?
Ano ang ibig niyang sabihin?Alam niya naman ang lahat ah.
Napabuntong hininga na lang ako.
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
RomantikTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...