Third Person's POV
"Where have you been Lindsay?" Nag-aalalang tanong kaagad ni Rainier pagka-uwi ni Lindsay.Naiinis kasi siya at nag-aalala sa kalagayan ng babae. Magkasama na kasi ang mga ito sa bahay.
Ang akala kasi ng mga parents ni Lindsay ay nagpakasal na ang dalawang ito sa Canada.
Ng tumakas kasi si Lindsay sa kanya ay talagang hinanap niya ito. Sobrang mahal niya kasi ang babaing ito na nahihibang sa ibang lalaki.At yun ay ang asawa na ngayon ng best friend nito.
"Naghahanap lang ako ng bagay na pwedeng makapag-hiwalay sa mga taksil na iyon.At ang galing ko.Kung ayaw man maniwala ni Zach na anak niya ang anak ko,mayroon pa akong alas." Nakangising sagot niya kay Rainier.
"Lindsay,nahihibang ka na. Wag mo ng guluhin ang buhay nila. Nagmamahalan sila.At alam na rin ni Allison na hindi tunay na anak ni Zach ang anak natin." At diniinan pa niya ang mga katagang anak natin.
"Sinabi mo?! Sinabi mo ba sa babaing iyon?Ha?!" Sigaw nito kaagad sa kanya. Parang nakikita niya na ang pagwawala nito mamaya.
"Oo.Para tumigil ka na sa kahibangan mo. Lindsay,nandito pa ako.Nandito pa kami ng anak natin. Kaya tigilan mo na ito please." Pagsusumamo niya sa babae at hinawakan ang dalawang kamay ni Lindsay ngunit mabilis itong ipiniksi.
"Kung hindi dahil sayo, di magka-letse-letse ang buhay ko.Binuntis mo ako.Kaya kung nahihirapan ka man sa akin ngayon,yun ay kulang pa Rainier. Kulang pa yan.Dahil kahit kailan,hindi kita minahal.Si Zach lang!" Sigaw nito sa kanya na halos ikabingi niya.
"Lindsay,ginusto mo yun. Ikaw ang unang nang-akit sa akin noon.Kaya hindi mo sa akin dapat ibunton ang lahat.Lindsay,minahal lang kita kaya nagpaka-tanga ako sayo.At sana kahit katiting lang,masuklian mo yun. Hindi ko hinihiling na mahalin mo ako ng buo. Pero sana,hindi mo na dapat ipamukha sa akin na hindi mo ako minahal." Kahit siya ay nagtutubig na ang mata.Ang tagal na kasing nasasaktan siya sa tuwing ipamukha ni Lindsay sa kanya na si Zach ang mahal nito.
"No!Hindi ko magagawa na mahalin ka Rainier.Kaya gagawin ko ang lahat.Makuha ko lang ulit si Zach.Mabawi ko lang siya sa kaibigan kong taksil.Pinagtaksilan nila ako!" Nangangalaiti na sigaw nito.
"Lindsay,hindi ka nila pinag-taksilan.Makinig ka kasi." Niyugyog niya si Lindsay.
Sinamantala niya ito at ikwenento niya ang lahat ng nakaraan ni Zachary at Allison dito.Inaakala niya kasi na baka sakaling maintindihan ito ng kaharap.Pero ng matapos siyang magkwento ay iba pala ang naging reaksiyon nito.
"Siya pala? Siya pala ang babaing iyon na tinutukoy ni Zach.Ahas siya. Kaya pala ganun na lang ang mga titigan nila noon?" Lalo siyang nagalit kasi hindi naman sinabi sa kanya ni Allison ang totoo noon.Talaga palang traidor ang itinuring niyang parang kapatid.Ginawa siya nitong tanga.Kaya hindi siya papayag na sasaya ito sa piling ni Zach.Hindi.Lalo na ngayon dahil may hawak na siyang bagay na sigurado siyang makakasira sa mga iyon.
Asawa pala ha? Sa isip niya.Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi niya."Ano na naman ang pinaplano mo Lindsay?" Tanong kaagad ni Rainier sa kanya ng makita nito ang nakangising mukha ng babae.
"Ano bang pakialam mo?!" Singhal niya rito.
"May pakialam ako dahil ina ka ng anak ko.Kaya maawa ka sa bata Lindsay.Wag kang selfish.Ibigay mo na lahat ng oras sa bata. Wag mong iisipin na paghiwalayin pa yung dalawa.Lindsay, habang nakakasama mo pa ang anak mo, iparamdam mo naman na mahal mo siya." Madamdaming sabi niya kay Lindsay.
Pak! Isang malakas na sampal ang nakamit niya rito. Kapag ganito kasi ang topic nila, siguradong magwawala na naman ang babae."Hindi pa ako mawawala sa mundo Rainier.At isa pa,wala kang karapatan na pagsabihan ako na di ko mahal ang anak ko.Mahal na mahal ko siya.Dahil kung hindi, baka noon pa ay pumayag na akong mawala siya sa akin.Isinakripisyo ko ang sarili ko para sa kanya. Kahit ang kapalit noon ay buhay ko!" Sigaw nito na nanginginig.
"Lindsay,calm down." Biglang pagpapakalma ni Rainier rito. "Kailangan mo na ng gamot." Sabi nito at agad na kinuha ang injection.
"Ayoko!Rainier, ayoko na niyan." Tanggi ni Lindsay ng makita ang injection.Naiiyak pa ito habang umiiling.
"I'm sorry Lindsay." At agad itong itinurok sa balikat ng babae. Mabuti na lang dahil tinuruan siya ng doctor na gumawa nito. Ayaw kasi ni Lindsay na sa clinic pa ito pupunta.
Maya't-maya pa ay nakatulog na ang babae. Ang babaing kahit di siya mahal ay mahal na mahal niya naman.
******************
Zachary's POV
Magkahawak-kamay kami ni Allison na lumabas ng bahay.
Niyaya ko siya kasing mag-dinner date kami ngayon.Dahil mamaya,sasabihin ko na ang totoo sa kanya. Ang dapat na sasabihin ko noon pa sa kanya. Kaso palaging nauudlot.Gusto ko kasi na talagang bigyan ko ito ng tamang timing.Dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya.
At sa tuwing naiisip ko iyon,kinakabahan ako ng sobra. Sigurado akong magagalit siya pero napag-handaan ko na iyan.
At kahit anong mangyari,sisiguraduhin kong di niya ako iiwan.
Napasulyap ako sa gawi niya.Nakasakay na kasi kami sa kotse.At lulan na papuntang mall na kung saan doon naka-reserve sa isang restaurant ang dinner date namin.
Inakupahan ko ito at pinaayos ng mabuti.Inutos ko rin na gawing romantic ang lugar na iyon.
"Anong sinusulyap-sulyap mo dito sa akin Mr.Henson,ha?" Ngingiti-ngiting tanong niya at marahan pa akong kinurot sa hita.
Napapansin ko lately na ang hilig niyang mangurot sa hita ko.
"Di ko kasi lubos maisip na may maganda akong katabi sa kotseng ito." Sagot ko sa kanya at saka kinindatan ko siya. Kaya nakita ko na naman ang pamumula niya.
"Hmp! Bolero." Nakangusong sabi niya.At saka inirapan ako.
Ginagap ko ang kaliwang kamay niya at dinala sa mga labi ko.Hinalikan ko ito.
"I love you Allison.Sana paniwalaan mo yan. Sana palagi kang maniwala sa akin." Seryosong sabi ko sa kanya. Naisip ko na naman kasi ang sasabihin ko sa kanya mamaya.
"Zach,ang OA mo ngayon.Oo naman.Pinaniniwalaan kita. At may surprise din ako sayo mamaya." Ngumiti pa siya ng matamis.Ang saya niyang tingnan ngayon.At parang nakokonsensiya ako na sisirain ko yan mamaya.
"Ano yun?" Excited na tanong ko.Ano kaya yun?
"Kaya nga surprise di ba?" Sagot niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. "Sige na nga."
Mabilis kaming nakarating sa mall.
Nasa parking lots na kami.Ng mai-park ko na ang kotse ay inalalayan ko siyang bumaba.
Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami papuntang entrance nitong mall.
"Hello there.So sweet naman." Napalingon pa kami sa nagsalita.
At parehong nanlaki ang mga mata namin ng makita si...
"Lindsay?!" Sabay na banggit namin sa pangalan ng dumating.Nakangisi pa ito. Parang may pinaplano na naman.
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
عاطفيةTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...