Allison's POV
Nakapag-order na kami ni Jasmine. At naghihintay na lang na dumating.
Dito kami nag-coffee at nag-breakfast sa UCC Coffee.
Nakaupo siya patalikod sa may pintuan samantala ako ay nakaharap.Kaya kitang-kita ko kung sinu-sino ang mga papasok.
Dumating na rin ang order namin. Kaya nagsimula na kaming kumain.
"So what's your problem." Tanong ni Jasmine habang nasa pagkain ang attention. "Of course, si Zachary na naman.Kailangan ko pa bang itanong yan?" Dugtong pa niya.
"Naiinis kasi ako sa kanya eh.Inalagaan ko na nga kagabi,parang wala lang sa kanya. At yun, umalis na. Ni hindi nga nagpasalamat." Himutok ko.
"Oh bakit?Naghihingalo na ba siya kagabi?Mamatay na ba siya?Well,congrats girl,balo ka na." At sarkastiko itong ngumisi.Nakaramdam ako ng sakit sa sinabi ni Jasmine. Kahit ganun si Zach sa akin,di ko naman pinangarap na mawala siya.
"Jas, wag ka naman magbiro ng ganyan oh." Seryosong sabi ko.
"Bakit,masasaktan ka ba kung mamatay siya?Hindi mo naman siya mahal di ba? Kumpanya mo lang naman ang inaalala mo kaya mo siya pinakasalan.Tumigil ka nga diyan." Tuluy-tuloy itong nagsalita.Hindi niya kasi alam ang totoong namagitan sa amin ni Zach.Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko si Zach.Mahal ko siya. Pero walang may lumalabas sa bunganga ko.Nakaawang lang ang mga labi ko habang minamasdan siyang kumakain.Mabuti pa ang babaing ito. Easy lang.Palaging masayahin.
"Oh ba't di ka na nakasagot diyan?" Sinulyapan niya ako ng tingin. "Pero seryoso Al, nahihirapan din ako sa sitwasyon mo. Pero marami namang paraan para hiwalayan mo yung Zachary na yun eh.Matalino ka,alam ko yun. Bakit di mo magawa?" Sumeryoso na ito.
"Di kasi ganun kadali yun eh.May mga dahilan pa kasi ako Jas."
"Ha?Eh ano?"nakakunot-noo pa siya.
"Kasi maha----" di ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Zach at Miesha na papasok dito.
May kung anong kirot sa puso ko ng makita ko silang nagtatawanan habang ang mga kamay ni Miesha ay nakapulupot sa braso ni Zach.Ang sweet nila at mapagkamalan pa itong magnobyo.
Medyo tumagilid ako ng kaunti para di ako kaagad mapansin.
"Oh my G!" Si Jasmine. Nakatanaw din pala sa papalapit na mga tao.Wala ng ibang bakanting table kundi yung sa katabi namin.
Iginaya sila ng waiter dun.
Pinanlakihan ko ng mata si Jasmine. "Wag kang maingay Jas." Saway ko.
"At bakit?" Nakataas ang kilay nito. "Nakita mo bang may babaing kalandian yang asawa mong ipinaglihi sa demonyo?" Halos pabulong lang ang pagkakasambit niya. Nakataas pa ang mga kilay.
"Naku! Pigilan mo ako Allison.Baka susugurin at kakalbuhin ko silang pareho." Nagtatagis pa ang mga bagang nito.
"Relax Jas." Sabi ko.
"Ano?!" Nanlaki ulit ang mga mata niya. "Paano mong nagawa na mag-relax samantala kitang-kita ng dalawang eyeballs mo yan?Di ka na nga tinuturing na asawa,aapakan pa ang pagkatao mo. Tangna!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Ok lang Jas." Malungkot na sagot ko.Nasasaktan kasi ako eh.Sobra. Di mo lang kasi alam Jas.
"Ok lang?The hell Allison,the hell!"
Nginiti-an ko lang siya ng mapait.
"Bayaran mo na to para makalabas na tayo.Parang di ako makapag-timpi eh." Utos niya sa akin.Mabuti pa nga.Kasi,pakiramdam ko,nilalamig na ako sa nararamdaman kong sakit.
Agad kong nilabas ang pera at inilapag sa mesa.Hindi na namin tinawag ang waiter.Pinasobrahan ko naman ang perang nilagay ko eh.Mabilis kaming tumayo ngunit sa kasamaang palad ay binangga ako ni...
"Allison?" Nanlalaki ang mga mata niya sa pagkagulat.Tumayo din kasi siya at di ako napansin na dadaan.
Tiningnan ko rin siya. Ang ganda lang ng babaing ito. Sexy pa.Mukhang anghel pero may ka-demonyuhan na ginagawa.Napasulyap ako sa puwesto ni Zach.Kampanteng naka-upo lang ito. Di ko mabasa na naman ang nasa isip nito.
"Hey!How are you?Are you ok? I'm so sorry." Sunud-sunod niyang tanong tapos parang sinusuri pa ang kaanyu-an ko.
"I'm fine." Tipid kong sagot.Hinanap ng mga mata ko si Jasmine.Nakatayo lang siya malapit sa akin na naka-kunot noo.
"Lalo kang sumexy at gumanda." Labas sa ilong na pagpuri niya sa akin.Sinulyapan niya si Zach.
"Hey Zach,come here." Tawag niya. "Allison's here." Tinuro pa niya ako.Tumango lang si Zach.Di nga tumayo eh.
"We meet again?oh my gosh!Small world talaga." Nakangiti pa siya na di mo masilayang peke ang mga ngiti niya.
"Yes.Sorry,but we have to leave." Ngumiti din ako sa kanya kahit plastik lang.
"Oh I see." Tumangu-tango siya.
"Ok, bye." Agad siyang nag-beso sa akin.Feeling close?
"Uy,Zach! Ano ba?" Tawag niya ulit kay Zach at tiningnan ito ng masama.
Bago pa makapag-salita si Miesha ay agad kong itinaas ang kaliwang kamay ko.
"It's ok Miesha."
"Are you married?" Tanong niya na para bang di makapaniwala.Nakita niya pala ang wedding ring sa daliri ko.Yung kay Zach kasi,di niya sinusuot.At kapag ako yung di sumusuot,nagagalit kaagad.
"Yes." Sagot ko na lang at hinila na si Jasmine palabas.
"Oh my gosh Zach." Dinig ko pa ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
His Way of Revenge (Completed)
RomanceTama ba? Tama bang pumayag siyang magpakasal kay Zachary Genson?Ang ex-boyfriend ng best friend niya? At ngayon ano? Siya ang naghihirap at nagtitiis sa pagpapahirap ng asawa niya sa kanya. Ang masakit pa,alam niyang paghihiganti lang ang pakay nito...