Chapter 15

85.8K 1.3K 20
                                    

Allison's POV

"Hello." Dinig ko kay Zach habang my kausap sa phone.Medyo naalimpungatan pa ako dahil sa ringtone nito kanina nung tumunog.Alas singko pa lang ng umaga may kausap na sa phone.Dito na kasi ako natulog kagabi sa kwarto niya.

Bahagya siyang tumalikod sa akin ng sagutin niya ito at dahan-dahang bumangon.Pumunta siya sa night table niya at dun naupo.

"Now?Bakit,wala ka bang driver?" Tanong niya dun sa kausap niya.Mahina lang ang boses niya ngunit dinig ko naman.Nagkunwari kasi ako na tulog pa eh.Sino kaya kausap nito?

"Oh yeah,yeah.Sige, just wait me there.Alam mo namang di kita matatanggihan kapag naglambing ka na." Pagpapatuloy niya.Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko sa mga naririnig ko.Babae kaya kausap niya? Sino na namang babae yun? Di kaya yung babae sa restaurant? Shit!Ang sakit na naman.

“Yes.I miss you too Miesh...ok bye...of course I will...me too,I'm so excited." Oh my God!Gusto kong dumilat ng mga mata.Pero di ko na nagawa.Naninikip na kasi ang dib-dib ko.

Akala ko ba wala na silang communication.Alam na alam kong si Miesha Alcantara yung kausap niya.Ang babaeng sumira sa relasiyon namin. Ang babaeng iyon.Tumulo ang mga luha ko.Ngunit di ko pinahalata sa kanya.

Naramdaman ko na lang na nagsara na ang pinto ng banyo.Saan niya kaya susunduin yun?

Pagdating talaga kay Miesha,hindi niya alam ang salitang AYOKO.

Simula pa lang nun,sobra na ang selos ko sa babaeng yun. Ginawa niya ang lahat,mapaghiwalay lang kami ni Zach.At nanalo nga siya.Pero ang hindi ko akalain na hanggang ngayon pala ay nandiyan pa rin ang anino niya.

Nagngingit-ngit ako sa galit.Napakapit ako sa unan ng mahigpit.Nag-uunahan ang mga luha ko na magbagsakan.I want to cry out loud.Lalong nanikip ang dib-dib ko dahil pinipigilan ko ang umiyak.

Gusto kong lumabas ng kwarto niya at dun iiyak sa sarili kong kwarto.Kaya agad akong bumangon at naglakad na papalabas habang nasa banyo pa siya.

"Saan ka pupunta?Matulog ka pa.Maaga pa naman." Napatigil ako sa nagsalitang yun. Naabutan niya ako.Nasa likod ko lang siya.Nakalabas na pala ng banyo.Unti-unti akong lumingon sa kanya.

"Magluluto na ako.Papasok kasi ako ng maaga." Pagdadahilan ko ng hindi nakatingin sa kanya. Baka kasi mahalata niyang umiyak ako.

Napakunot-noo siya. "Papasok ka?Eh linggo ngayon." Tanong niya.Ay oo nga pala.Tsk!Nalimutan ko.Ano ang idadahilan ko?Na gusto ko lang lumabas sa kwarto niya dahil gusto kong umiyak.

"Matulog ka na lang ulit." Dugtong pa niya.

"Aalis ka?" Di ko napigilan ang magtanong.

"Yeah.Susunduin ko si Meisha sa Airport." Walang emosyong sagot niya.Pero pasalamat na rin ako dahil kinakausap niya ako ng maayos ngayon.So tama nga ako,si Miesha nga.

"Ah." Tumango-tango lang ako.Di ko na dinagdagan ang tanong ko.Marami pa sana akong itanong sa kanya. Ok na yung ganito na di na ako mang-usisa pa para di na ako masaktan.

"Magaling ka na ba? Kagabi kasi nilag------." Di ko na natapos dahil bigla na lang siyang sumagot.

"I'm okay now." Tipid niyang sagot.Nakita ko pang umasim ang mukha niya. Ano ba ang nasabi ko?Parang nagtatanong lang eh.Di marunong sa tinatawag na concern.

"Sige, aalis na ako.I'll be here by eight o clock." Nagsalita siya nung napansin niyang di na ako nagsalita pa.

Totoo ba ang narinig ko?Totoo ba yun? Totoo ba talaga na nagpa-alam siya sa akin?Gusto kong isipin na panaginip lang ito. Pero hindi eh.Gising ako,gising na gising oh.Gusto ko tuloy ngumiti pero pinigilan ko.

"B-baka aalis ako.Siguro pagdating mo dito,wala na ako." Sagot ko na lang.Naalala ko kasi na pupunta ako sa apartment ni Jasmine. Gusto kong magliw-aliw para di naman ako magmukhang tanga dito habang masaya siyang kasama si Miesha.

Naisipan ko rin kasi na baka isama pa niya yun dito sa condo.

"Ah ok." Tumingin lang siya saglit sa akin at lumakad ng palabas.Wow!Himala. Di ako pinigilan.Samantala ayaw na ayaw niyang lumalabas ako.Hinintay ko pa naman na pigilan niya ako.

Siyempre, di ako pipigilan nun kasi nandiyan naman si Miesha eh.Ano pa ba ang aasahan ko?

Napapailing na lang ako.

His Way of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon