5

1.8K 1 0
                                    

Bigla kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pares ng mga kamay sa aking hita. Nang iniangat ko ang aking ulo'y kitang-kita ko si William sa paanan ko kahit may kadiliman ang kuwarto. Nasa loob na ng manipis kong damit na pangtulog ang mga kamay niya't hinihila ang suot kong panty. "William! Ano bang ginagawa mo?" Napabalikwas ako at pilit kong tinanggal ang kanyang mga kamay.

"Gusto ko," wika niya habang kumakalat sa hangin ang amoy ng alak na nanggagaling sa kanyang bibig.

Aba, ang punyeta'y wala na palang damit. Hubo't-hubad na ito at gusto nang pumatong sa akin. "Ayoko, William. Pagod ako at wala ako sa mood."

"Asawa kita, kaya't dapat mo akong pagbigyan sa gusto ko."

"Matulog ka na. May pasok pa akong maaga bukas. Ano ka ba!"

"Sandali lang naman 'to. Sige na."

"Ayoko nga sabi!" Isinalya ko siya sa higaan at saka ako bumangon mula sa kama. "Matapos mo akong asarin kaninang gago ka, tapos gaganyan-ganyan ka sa akin ngayong buwiset ka."

"Hoy, Sally ano bang inaarte mo diyan? Nakainom lang naman ako ng konti ah. Ano'ng masama dun?"

"Konti? Konti ba 'yung halos hindi ka na nga makatayo ng maayos kanina? Tsaka ang baho ng amoy mo. Amoy alak!"

"Siyempre, alak ang ininom ko. Kung ihi ang ininom ko, eh di amoy ihi ako! Ang tanga neto."

"William, ako, punong-puno na ako sa'yo ha. Konti na lang ang pasensiya ko. Kapag hindi mo pa inayos 'yang sarili mo, makikita mo."

"Ano?" Bumalikwas si William sa kama. Ang akala ko ay babangon siya at lalapitan ako, ngunit dahil siguro sa tama ng alak sa kanyang utak ay bigla itong natigilan at umakmang susuka.

"'Wag mong sabihing diyan ka pa magkakalat sa higaan?"

"Anong gagawin mo ha? Hihiwalayan mo ako? Ganun ba?"

Hindi ako umimik. Katulad ng mga nauna naming pagtatalo o pag-aaway, alam kong walang kahihinatnang maayos ang lahat ng ito. Kaya't katulad pa din ng dati, hahayaan ko na lang ulit siya.

"Ikaw, Sally ang yabang-yabang mo na ha. Bakit, ano ba'ng ipinagmamalaki mo? Na ikaw ang nagtatrabaho dito? Na ikaw ang nagbabayad sa mga gastusin dito? Hoy! Para sabihin ko sa'yo, kaya ko ding magtrabaho. Kaya ko ding kumita ng pera. Mas malaki pa sa kinikita mo diyan sa pesteng kumpanya mo."

"Matulog ka na, William. Please lang. Maaga pa ang pasok ko bukas," mahinahon kong wika. Ayoko na talagang makipagtalo. Pagod na ang utak at katawan ko sa mga ganito. Nakatayo lamang ako sa tabi ng kama habang pinagmamasdan ang hitsura niyang akala mo'y walang kuwentang nilalang.

"Halika dito. Tumabi ka sa akin. Matagal na kitang hindi natitikman."

"Pagod nga ako. Hindi mo ba naiintindihan?"

"Sige." Humiga siya sa kama nang patihaya habang nakabuka ang mga braso't mga paa. Sinakop na ng hubad niyang katawan ang buong higaan. "'Wag kang tatabi sa akin kung ayaw mo akong pagbigyan."

"Diyos ko naman! May pasok pa nga akong maaga bukas. Hindi kagaya mo na palamunin lang."

"At least hindi ako baog."

Nagpanting at nag-init agad ang tenga ko sa galit nang madinig ko iyon. "Putang-ina mo, William! Wala ka talagang kuwentang tao!"

Parang nakakaloko pa ang gago dahil tumawa ito ng tumawa habang nakahiga na parang baliw. Sa galit ko'y lumabas na lamang ako ng kuwarto at bumaba. Dinig na dinig ko pa din ang tawa ni William na parang isang demonyo sa dilim. Pagdating ko sa ibaba'y pumasok ako ng banyo at doon ko ibinuhos ang galit ko sa dibdib. Alam ko namang walang makakarinig sa akin kaya't sumigaw ako ng ubod lakas. Inilabas kong lahat ng hinanakit ko. Hinanakit na naipon na sa aking dibdib ng matagal na panahon.

OVER THE HILL (SPG R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon