Binuksan ko ang aking locker at inilagay doon ang dala kong bag. Mag-aalas-siyeta na ng umaga at malapit nang magsimula ang shift ko. Kanina pagdaan ko sa tapat ng department store kung saan ako nagtatrabaho'y napa-iling ako nang makita ko kung gaano kadami ang mga pumapasok na kostumer. Naisip ko na tiyak na magiging busy na naman kami nito maghapon at kapag break time na lang kami makakapagpahinga.
Hinubad ko ang suot kong blouse upang magpalit ng uniform. Bra na lang natitira kong saplot pang-itaas. Okay lang naman kako, tutal ay nasa pambabaeng locker room naman kami at wala namang ibang tao sa paligid kundi si Ella. Isa siya sa mga kasamahan ko sa trabaho bilang isa ding kahera. Bale siya na din ang maituturing kong isa sa mga malalapit kong kaibigan dito. Kasi, siya lagi ang kasama kong kumain kapag break time, siya ang kasama ko sa tsismisan o kuwentuhan at kasabay kong umuwi. Dalaga pa ito at halos tatlong taon lamang ang tanda ko sa kanya.
"Hoy, manang." Iyon ang tawag niya sa akin. 'Manang'. Dahil daw masyado akong seryoso sa buhay lagi. "Hindi nga pala ako makakasabay sa'yo mamaya pag-uwi."
"Bakit naman?" tanong ko.
"Susunduin kasi ako ng dyowa ko mamaya. Birthday daw kasi ng nanay niya at kailangan kong umattend," kinikilig pa niyang paliwanag. "Alam mo na, kailangang magbigay pugay."
Nagkatawanan kami. Pagkatapos nun ay pinagkuwentuhan pa namin ang ilang mga bagay-bagay habang nagbibihis at nag-aayos ng make-up. Nagtatawanan pa kami habang nag-uusap. Tutal kako, may twenty minutes pa naman bago mag-umpisa ang shift naming dalawa. Bale ang mga nakatoka na ngayon ay 'yung mga pumasok ng mas maaga sa amin. Sila ang opening at kami naman siyempre ang closing. Nasa ganun kaming eksena ni Ella nang bigla akong makaramdam ng kakaiba. Tila ba umiikot ang paningin ko't medyo nagdidilim ito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Kaya't upang huwag mawalan ng balanse ay napakapit ako sa mga lockers.
"Manang, okay ka lang?" tanong ni Ella nang mapansin ang nangyayari sa akin. "Namumutla ka yata. Okay ka lang ba?"
Napatingin ako sa kanya. Sa halip na sumagot ako'y bigla akong nagtatakbo papunta sa banyo na nasa loob ng aming locker room. Pagdating na pagdating ko sa isang toilet bowl ay bigla bumulwak ang suka ko. Nagpatuloy ako ng ganito ng mga ilang minuto. Halos lumabas maging ang bituka ko sa dami ng aking iniluwa.
"Hoy, Manang, ano bang nangyayari sa'yo? May sakit ka ba? Hindi ka naman ganyan kanina ah," si Ella ulit habang nakasilip sa pintuan ng banyo.
Kahit ako ma'y nagtatanong din kung ano ba ang nangyayari sa akin kung bakit nakakaramdam ako ng ganito.
BINABASA MO ANG
OVER THE HILL (SPG R18)
Short StoryWARNING!! R18 This is a short erotic story with themes and sexual topics not intended for minors.