20

886 4 0
                                    

Antok na antok pa ako. Nang bahagya kong imulat ang isa kong mata'y nakita ko, kahit maagiw pa ang paningin ko dahil sa antok, kung anong oras na. Alas-siyete kuwarenta y nuwebe na ng umaga. Mabuti na lang at day-off ko ngayon. Kaya naman kagabi, naisipan namin ni William na magpuyat. Nanood kami ng tatlong pelikula ng magkakasunod. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naging tahimik ang buong mundo sa amin. Walang away. Walang alitan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkasundo kaming gawin ang isang bagay na hilig namin pareho. Dati kasi, lagi kaming magkahiwalay. Kapag nanonood ako ng TV sa salas, siguradong siya nama'y nasa kuwarto at naglalaro ng video games hanggang umaga.

Ngayon ay parang napakapayapa ng lahat. Tahimik kaming nanonood. Sabay kaming tumatawa kapag may nakakatawa sa palabas. Sabay kaming natatakot kapag may katatakutan. Iyon ang pinangarap ko dati nung bago pa lang kami. Hindi ko akalain na ngayon mangyayari ito.

Naramdaman kong marahan akong ginigising ni William. Niyuyugyog niya ang balikat ko habang siya'y nakaupo sa gilid ng kama. "Sally, gumising ka muna." Nang tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko'y napansin ko na nakabihis siya ng panglakad.

"Saan ka pupunta? Ba't nakabihis ka?" pupungas-pungas kong tanong sa kanya.

Hinaplos-haplos niya ang noo ko na parang isa akong bata. "Nakalimutan ko nga palang banggitin sa'yo kahapon. Susunduin ako ni Mommy ngayon ng maaga."

"Bakit?"

"Kailangan kong magpacheck-up ngayon sa doktor. Alas-nuwebe ang appointment namin. Kailangan lang naming umalis ng medyo maaga-aga kasi may pupuntahan pa kami."

Pabagsak kong ibinalik ang ulo ko sa pagkakahiga sa unan na para bang nagtatampo. "Bakit hindi mo sinabi kahapon?"

"Nakalimutan ko nga eh. Sorry. Gusto mo bang sumama?"

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Isasama mo ako sa isang lakad na kasama ang nanay mo?" sarkastiko kong tanong.

Ngumiti lang siya dahil alam niya ang totoong dahilan kung bakit hindi kami puwedeng magsama ng nanay niya. "Okay. Dito ka na lang muna sa bahay. Kung gusto mo, uwian na lang kita ng pasalubong mamaya. Ano ba ang gusto mo?"

Nag-isip ako. "Gusto ko ng siopao asado."

"'Yun lang? Sisiw naman 'yang hinihingi mo."

"Ang yabang mo ah!" Nagkatawanan kami. Bago siya umalis, dahil nariyan na sa ibaba ang masungit niyang nanay at sinusundo na siya, humalik muna siya sa akin.

Nang makaalis na sila'y dumapa ako sa kama at muling ipinikit ang mga mata ko. Nakakaramdam pa kasi talaga ako ng antok at gusto ko pang matulog. Siguro'y muli akong napaidlip kaagad at hindi na namalayan ang pagtakbo ng oras. Nagising na lamang ako at nabigla nang may maramdaman akong kamay na humihimas sa kaliwang hita ko at humahalik sa aking batok. Gusto kong bumalikwas upang kilalanin ang pangahas nang matigilan din ako pagkadinig ko ng boses niya.

"I missed you," bulong nito sa tenga ko.

Ngumiti ako sabay pikit ulit ng mga mata. "Bobby..."

"Namiss mo din ba ako?" Humahalik na siya sa pisngi ko at ang kamay ay patuloy pa din sa paghihimas.

Tango ang isinagot ko.

"Nakita kong umalis ang asawa mo kasama ng nanay niya." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok kong tumatakip sa aking mukha. "Kaya't naisip kong dalawin ka at kumustahin." Gumagapang na ang bibig niya mula sa pisngi ko papunta sa leeg. "'Wag kang mag-alala. Sinigurado kong walang nakakita sa akin pagpasok ko dito."

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Umabsent ako. Sa'yo ko gustong pumasok."

Ngumiti ako sa patawa niya na hindi na iniisip ang mga nangyayari. Tanging ang mga halik na lang ni Bobby at mga haplos niya ang siyang namamayani sa utak ko.

OVER THE HILL (SPG R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon