Nahiga akong muli sa kama. Sa tabi ni William na hanggang ngayon ay naghihilik pa din. Hindi ko muna ipinikit ang mga mata ko. Bagkus ay itinuon ko ang aking paningin sa kisame. Sa kadiliman ng paligid. Hindi ko masasabing may iniisip ako, dahil hindi naman nakatuon sa iisang bagay ang utak ko. Kumbaga, sa dami ng mga naglalaro sa aking isipan, hindi ko na alam kung pag-iisip pa bang matatawag iyon. Para itong isang malaking screen kung saan ipinapalabas ang iba't-ibang pelikula o eksena ng sabay-sabay. Sabay-sabay! At sa kalagitnaan nito, may iisang mukha akong nakikita na paulit-ulit rumerehistro. Ang mukha ni Bobby.
Napabuntong-hininga ako. At pagkatapos ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang pakalmahin ang utak ko. At nang marahan akong dumilat, biglang naging payapa ang lahat. At iisa na lang ang nakikita ko. At hindi lamang mukha niya ang nakalarawan sa aking isipan. Maging ang kanyang katawan. Ang makisig niyang katawan. Ang amoy ng pabango niyang hindi lang nanunuot sa ilong, kundi humahaplos din sa balat. Ewan ko kung meron ngang ganun, pero 'yun ang nararamdaman at paliwanag ko.
Sa sobrang pag-iisip kong 'yun ay hindi ko namamalayan na umiigsi na pala ang paghinga ko. Naghihiwalay na ng kusa ang mga labi ko't nanunuyo ang aking lalamunan. At bukod dito, may nararamdaman din akong init na gumagapang sa aking katawan. Nakakapaso. At dahil hindi ako mapakali sa nararamdaman ko, naisipan kong tumayo na lamang at pumunta sa tapat ng bintana ng aming kuwarto. Binuksan ko ito at ninamnam ang malamig at masarap na simoy ng hangin. Noon ko lang napagtanto na pinagpapawisan na pala ako ng malagkit. Hindi ako nakuntento sa hatid ng hangin sa katawan ko. Bumaba ako mula sa kuwarto at nagtungo sa banyo. Pagdating doon ay naghubad ako ng damit at binuksan ang shower.
Hindi nagtagal, pagkatapos maligo at lumabas ng banyo, nagdesisyon na akong bumalik sa kuwarto. Paakyat na sana ako ng hagdan nang ako'y matigilan sa kalagitnaan. May naglalaro na namang kung ano sa isip ko. Isang bagay na kahit anong gawin, kahit anong dahilan ay mali pa din.
Maling-mali. Hindi tama.
Bawal.
Hindi ko na itinuloy ang pag-akyat sa taas. Tinanggal ko na lang ang suot kong tsinelas at nag-umpisang maglakad habang nararamdaman ko sa talampakan ko ang malamig na sahig. Ngunit hindi ko ito ininda hanggang sa makarating ako sa pinto. Binuksan ko ito at lumabas.
Malalim na ang gabi at wala nang katao-tao sa paligid. Bilog pa din ang buwan at maliwanag ang sinag nito.
Lumingon ako sa kaliwa ko. Dumadagundong ang pintig ng puso ko. Tapos, saka ako muling humakbang. Marahan. Ayokong makalikha ng kahit na anong ingay. Pagdating ko sa sadya ko ay nag-alangan ulit ako. Inisip kong mabuti ang gagawin ko. Dahil kapag itinuloy ko 'to, alam kong tuluyan akong mababaon sa kumunoy. Kumunoy na hindi ko basta-basta matatakasan.
Gumalaw ang aking kanang kamay at hinawakan ang door knob ng pinto. Marahan ko itong pinihit. Sa kasamaang palad ay bumukas ito. "Shit," bulong ko sa sarili ko. Lumunok muna ako at huminga ng malalim bago ko tuluyang binuksan ang pintuan. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Maingat na makagawa ng ingay. Madilim ang loob nito at kagaya ng sa amin, liwanag lamang ng buwan na pumapasok sa bintana ang tanging tanglaw. Nagpalinga-linga ako at hinanap ang hagdan. Nang makita'y dahan-dahan na naman akong tumungo dito. At sa itaas, sa bandang dulo ay isa na namang pintuan.
Lalo akong kinakabahan. Lalo akong pinagpapawisan. At makaraan ang ilan pang pag-aatubili ay marahan na akong umakyat. Meron lamang iilang baytang ang hagdan, pero pakiramdam ko'y tila napakatayog nito na parang isang bundok. At pagdating ko sa pinakadulo'y napansin ko na hindi gaanong nakasarado ang pintuan. May kaunti itong awang na sapat lang upang makita ko ang loob ng kuwarto. At sa bandang kalagitnaan nito ay isang kama at may nakahigang tao. At kagaya ulit ng sa amin, naliliwanagan din ito ng sinag ng buwan. Kaya naman kitang-kita ko ang kabuuan ng nasa higaan. Hindi ito nakakumot. Wala din itong ibang saplot kundi kulay puting underwear. Muli akong napalunok nang mapagmasdan ko ang buo niyang katawan. Lalo akong nainitan. Kinilabutan.
BINABASA MO ANG
OVER THE HILL (SPG R18)
Short StoryWARNING!! R18 This is a short erotic story with themes and sexual topics not intended for minors.