16

992 2 0
                                    

Pagdating ko ng ospital ay hindi ko agad nagawang pumasok sa kuwarto ni William. Pumasok kaagad sa isip ko noon ang ginawa kong kataksilan sa kanya. Nakukunsensiya tuloy ako. Nahihiya ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko ay ang sama-sama kong babae dahil nagpagalaw ako sa ibang lalaki kahit nakaratay sa ospital ang asawa ko. Hindi ba't napakalaking katarantaduhan ang nagawa ko? Nahihiya tuloy akong magpakita kay William. Pakiramdam ko'y alam niya ang nagawa kong pagkakasala at nakasulat mismo sa noo ko ang aking pagtataksil.

Dahil sa mga damdaming ito na bumabalot sa puso ko, hindi ko naiwasang mapaluha at magsisi. Mabuti na lamang at ospital itong kinaroroonan ko. Ordinaryong tanawin lang sa mga taong nagdaraan sa paligid ko ang makakita ng umiiyak. Aakalain nila na kaya ako nagkakaganito ay dahil nakaratay at may sakit ang mahal ko sa buhay. Hindi nila alam ang tunay na dahilan. Walang may tunay na nakakaalam ng buong katotohanan. Inisip ko na lang na hangga't walang may nakakaalam nito ay wala akong dapat ikatakot sa ngayon.

Bago pa man ako tuluyang humarap sa asawa ko'y pinunasan ko muna ang mga luha ko. Inayos ko din ang aking sarili upang maging maayos naman ang hitsura ko sa paningin ni William. Sinuklay kong muli ang buhok ko at tinanggal ang anumang bara sa lalamunan ko.

Nang makapasok ako sa kuwarto niya ay naabutan kong nililinisan at pinupunasan ng isang nurse na lalaki ang kanyang katawan. At habang papalapit ako sa kanila'y unti-unting tumatambad sa paningin ko ang sugat ni William sa tiyan dulot ng kanyang operasyon. May haba itong halos isang dangkal na mula sa itaas ng kanyang pusod pababa. Hindi ko tuloy sinasadyang mapalunok ng makita ko ito. Tumayo muna ako sa isang tabi habang tinatapos ng nurse ang ginagawa niya dahil ayokong makaabala. Makaraan ang ilang minuto'y nabihisan na si William at umalis na din ang nurse.

"Kumusta ka na?" tanong ko nang lumapit ako sa gilid ng higaan nito.

"Okay lang. Buhay pa," ani nito sa namamaos na boses. Nakaramdam ako ng awa dito nang mapansin ko ang pamumutla ng kanyang kutis at panunuyo ng kanyang mga labi. Hindi pa kasi siya puwedeng kumain ng kahit anong pagkain sabi ng doktor. Maging ang pag-inom niya ng tubig ay kailangang gapatak lamang sa kanyang bibig. "Kelan daw ba ako makakalabas dito?"

Kinuha ko mula sa katabing mesa ang isang plastic na basong may lamang tubig. Pagkatapos ay kumuha din ako ng kapirasong bulak, isinawsaw ko ito sa tubig at marahang ipinunas sa mga labi niya. "Wala pang sinasabi si doktor. Malamang na medyo matatagalan pa ng konti. Kagigising mo lang kasi, diba? Ilang araw ka ding walang malay."

Medyo nagulat ako nang biglang hawakan ni William ang kamay ko. Nang tumingin ako sa kanya'y kitang-kita ko kung paano mangilid ang mga luha niya. "Sally, pasensiya ka na. Hindi na nga ako nakakatulong sa'yo, ganito pa ang nangyari sa akin."

Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng pagkahabag sa kanya. Ni sa hinagap kasi ay hindi ko siya maisip sa ganitong kalagayan. Mahina at walang kalaban-laban. Pinilit ko na lang ngumiti upang iparamdam sa kanya na nandito lang ako. "'Wag mo nang isipin masyado 'yun. Ang mahalaga'y gumaling ka na."

"Patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sa'yo bilang asawa, Sally."

Ano ba 'to, kako? Bakit ganito ang mga sinasabi niya? Hindi ko ito inaasahan. Ang naiimagine kong sasabihin niya kapag nagising siya'y gusto na agad niyang maglaro ng video games o di naman kaya'y sungitan ako't awayin. Pero ngayon ay iba ang lumalabas sa bunganga niya. Napapaluha na naman tuloy ako. "Sinabi ko naman sa'yong 'wag mo nang masyadong isipin 'yun. Pag-usapan na lang natin 'yan kapag magaling ka na."

"Ayoko lang maging huli ang lahat. Kapag nakalabas na ako dito, babawi ako sa'yo. Magiging mabuting asawa na ako sa'yo, Sally. Pangako 'yan."

Pakiramdam ko'y kinukurot ang puso ko sa usig ng konsensiya. Sa pagkakasalang nagawa ko sa kanya. "Sa totoo lang, William... a-ako nga ang dapat na humingi ng tawad sa'yo." Parang hinihila ang dila ko pababa sa mga binibitawan kong salita.

"Sally, wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin. Ako ang may maraming pagkukulang sa'yo. Ako ang patawarin mo."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong ilapit sa kanya ang mukha ko at halikan siya sa pisngi. "Patawarin mo ako sa nagawa ko sa'yo, William. I'm so sorry..." pabulong kong wika sa kanya.

"Naging mabuti kang asawa sa akin, Sally sa kabila ng lahat. Ibabalik ko sa'yo ang lahat. Susuklian ko ng kabutihan ang lahat ng mga sakripisyo at pagtitiis mo sa akin."

Kahit papaano, hindi man lubusan, nabawasan na din ang usig ng konsensiyang kumakain sa akin simula pa kagabi. Hindi man alam ni William ang buong katotohanan, alam kong darating ang araw na mabubunyag din ang lihim ko at ni Bobby. Dasal ko lang, na sana'y ako mismo ang magsabi sa kanya nito at hindi ibang tao. At sana'y mapatawad niya ako.

Makalipas ang maraming araw at ilang linggo. Tuluyan na ngang lumakas ang pakiramdam ni William. Although hindi pa tuluyang naghihilom ang tahi niya sa tiyan, nagpasya na ang doktor na maaari na siyang lumabas ng ospital at sa bahay na lang tuluyang magpagaling. Taliwas sa kagustuhan ng kanyang mga magulang, napagpasyahan namin na sa aming bahay na lamang siya magpagaling. Dahil kahit alam kong salat man kami sa madaming magagandang bagay, alam kong maaalagaan ko siya doon ng husto.

Nitong mga nagdaang araw, hindi na din kami muling nag-usap pa ni Bobby. Naging tahimik ang lahat sa pagitan namin. May mga ilang beses ding nagtama ang aming mga paningin ng hindi sinasadya. Lalo na't kapag nagkakasalubong kami sa daan o kapag nagpapang-abot kami sa labas ng bahay. Sinusubukan niyang ngumiti sa akin, ngunit hindi ko na nagawang suklian pa ang mga ito. Para sa akin, tapos na ang kung anuman ang namamagitan sa amin. Mabuti na lang, mabait na tao si Bobby. Nirerespeto niya ang desisyon ko at ang kung anumang meron o wala sa aming dalawa.

Aminado ako sa sarili ko na may mga pagkakataon, lalo na sa gabi, na sumasagi pa din sa isip ko ang nangyari sa aming dalawa ni Bobby. Bumabalik pa din sa alaala ko ang bawat sandali na yakap niya ako. Ang maiinit niyang mga halik sa labi't katawan ko. Ang matigas niyang alaga na paulit-ulit bumabaon sa loob ko. Hindi ako manhid, santa at ipokrita para sabihing hindi ako nasarapan at hindi ko hinahanap 'yun. Ngunit nakapagbitaw na ako ng salita. Tama na.

Mahirap na kung sakaling mauulit pa.

OVER THE HILL (SPG R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon