9

1.3K 0 0
                                    

"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya ng telepono.

Wala na akong choice.

Kagabi, nung pumunta ako sa billing department ng ospital, halos masiraan ako ng bait nang sabihin sa akin ng isang staff doon na baka... baka ha, hindi pa sure... na baka abutin daw ng three hundred thousand o mahigit ang magiging bill namin. Diyos ko! Saang mapagpalang kamay ng Diyos ako kukuha ng ganung kalaking halaga. At take note, menos na yung insurance coverage dun. Kaya't gustuhin ko mang matulog kagabi at magpahinga ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung saan ako maghahagilap ng pera. Tumawag ako sa opisina namin kanina upang ipaalam sa kanila ang sitwasyon ko at kung maaari'y makahiram na din ng pera. Sabi ng taga admin namin, matutulungan naman daw nila ako ng kahit thirty thousand lang, basta't meron akong maipapakitang mga papeles. Okay kako. Puwede na 'yun. Malaking tulong at kabawasan na din 'yun.

Naisip ko din na tawagan ang pamilya ni William. Ang mga magulang niya. May kaya naman kasi sa buhay ang mga 'yun. Alam kong kayang-kaya nilang tustusan ang mga bayarin sa ospital. Kaya nga lang, habang naglalaro sa isipan ko ang ideyang ito, naiisip ko na may kahihiyan o ego ako o kaming mag-asawa na dapat panindigan. You see, simula pa noong una ay hindi na pabor sa relasyon namin ni William ang mga magulang niya. Nagalit ang mga ito nang ipakilala niya ako sa mga ito bilang kasintahan. Hindi daw ako nararapat sa pamilya nila dahil walang sinabi ang pamilya ko at wala daw akong breeding. Nilunok ko 'yun dahil mahal ko noon ang asawa ko. Lalo pa silang nagalit nang magpaalam kaming magpapakasal na. Kulang na lang ay lumabas mismo sa bunganga nila na itinatakwil nila si William dahil sa desisyon nito na panindigan ako. Sa tingin ko, kaya sinuway ng asawa ko ang kanyang mga magulang ay dahil gusto niyang kumawala sa pagkontrol nito sa buhay niya. Kumbaga, ang ginawa niya'y isang uri ng pagrerebelde. Ako lang ang kanyang naging armas.

Nung ikinasal kami, wala kaming kinuha ni isang sentimo mula sa bulsa nila. Ni hindi nga sila dumalo noon sa simpleng seremonyas. Kaya naman kami, pinanindigan namin na kaya naming mabuhay at tumayo sa sarili naming mga paa nang hindi umaasa sa pera ng mga biyenan ko. Hanggang ngayon, pinaninindigan pa din namin ang una naming mga sinabi. Namimiss ko tuloy ang dating William na una kong nakilala. May paninindigan. May buto't katawan. Kaya't sa sitwasyon naming ito ngayon, huling baraha o huling option na lang ang pagtawag at paghingi ng tulong sa kanila.

Wala na akong ibang maisip na puwedeng lapitan at hiraman ng pera. Kaya't labag man ito sa aking damdamin ay kinailangan ko itong gawin. "Hello, Erick? Si Sally 'to."

"Alam ko. Nakasave ang number mo sa cellphone ko." Oo nga pala. Alam niya ang contact number ko.

"May... may favor sana akong hihilingin sa'yo."

"Is everything okay?"

Hindi kaagad ako nakasagot.

"Sally, is everything okay?" pag-uulit niya nang saglit akong mawala sa linya.

"Actually, hindi eh."

"Anong problema?"

"Erick... b-baka puwede mo sana akong mapahiram ng pera. Kailangang-kailangan lang talaga. I'm so so sorry sa istorbo, pero wala akong ibang alam na puwedeng lapitan eh. Pasensiya na talaga ng sobra-sobra. Ibabalik ko din kaagad sa'yo as soon as possible."

Patlang.

"Magkano?"

"Nasa ospital kasi ako ngayon. Isinugod ko dito kagabi si William at kailangan niyang maoperahan. Kailangan ko ng pambayad."

"I'm sorry to hear that. Okay ka lang ba?"

"Oo. Okay lang ako. Salamat. So, okay lang ba 'yung hinihingi kong favor?"

"Sure. Magkano ba ang kailangan mo?"

"Kasi, sabi ng ospital, baka umabot daw sa three hundred K ang magiging bill namin. Pero, I know na masyadong malaki 'yun at ayaw kitang istorbohin ng ganun kalaki. Kung magkano lang sana ang puwede. Malaking tulong na 'yun."

Muli, nanahimik ang nasa kabilang linya. Parang nakikinita ko na nagbibilang siya ng isang bungkos ng pera na handang ipahiram sa akin.

"Okay na ba ang fifty K?"

Napa-YES ako sa aking isipan nang madinig ko 'yun. "Naku, oo naman! Napakalaking bagay na nun. Pasensiya ka na talaga. Nakakahiya man, pero kinakapalan ko na talaga ang mukha ko."

"Okay lang. Puwede ba tayong magkita ngayon para maibigay ko sa'yo? Can we meet after an hour?"

"Sure. Sure. Saan?"

Wala pang isang oras ay nakatayo na ako sa tapat ng isang sikat na fast food chain sa EDSA. Naghihintay. Sa mga oras na ito'y busy na ang mga tao sa paligid. Kanya-kanya ng lakad at kanya-kanya ng buhay. Walang pakialam sa isa't-isa. Walang pakialam sa akin at sa aking problema. Maging ang mga sasakyang dumaraan ay kanya-kanya na din ng busina. Nakakarindi na. Nakakapagod na ang ganitong buhay.

Hindi naman naglaon ay may pumarada sa tapat ko na isang pamilyar na kulay abuhing Range Rover. Bumaba ang tinted na bintana ng passenger's seat ng kotse at nakita kong kumaway sa akin si Erick na nakaupo sa driver's seat. Halos mapalundag ako sa tuwa't agad na sumakay dito. Kabaligtaran sa madalas kong ginagawang pagtaboy sa kanya sa tuwing makikita ko siya nitong mga nagdaang taon.

"Erick, pasensiya ka na talaga sa istorbo. 'Yaan mo, ibabalik ko din ang perang hinihiram ko sa'yo."

"Okay lang, Sally. Kumusta na siya?"

"Hayun. Sa awa ng Diyos, ligtas na. Pero nakaconfine pa din siya sa ICU at inoobserbahan pa ng doktor."

"I'm sorry to hear that. Ikaw, okay ka lang ba?"

Ngumiti ako sa kanya. This time, totoong ngiti ito. "Okay lang ako. Salamat sa concern."

"So, shall we go?"

"Saan?"

"May dadaanan lang tayo. Malapit lang."

"Okay."

Pinausad niya ang kanyang sasakyan at binaybay namin ang masikip na kalsada. Halos wala kaming imikan sa loob ng sasakyan, dahil ang totoo ay wala naman talaga kaming kailangang sabihin sa isa't-isa. Lalo na't binabalot pa din ako ng hiya dahil sa paglapit sa kanya. Makaraan lamang ang ilang minuto'y iniliko niya ang kanyang sasakyan. Napansin ko sa bandang unahan ay may pumara sa aming isang lalaki na nakasuot ng puting damit. Huminto naman siya't ibinaba ang bintana ng kotse.

"Good morning, sir," bati sa kanya ng lalaking nakaputi. "Deluxe room ho ba, sir?"

Deluxe room? Nagtaka ako. Noon ko lang naituon ang paningin ko sa labas ng sasakyan at nabigyan ng pansin ang paligid. Aba! Anak ng... anong ginagawa namin sa motel?

"Erick?" bigla kong baling sa kanya na magkasalubong ang mga kilay.

"Look, Sally. Ngayon lang 'to. Alam ko nam..."

"'Tang-ina mo, Erick. Anong tingin mo sa akin, desperada at ganun kababa?" Galit ang isinisigaw ng puso't isip ko ngayon. At ayokong ipakita sa kanya ang kahinaan ko ngayon. Kaya't pigil na pigil ko ang sarili ko na huwag lumuha.

"Diba't kailangan mo ng pera?" Dumukot siya sa kanyang bulsa at inilahad sa harapan ko ang isang bungkos ng mga perang papel. "'Eto, pera. Isang beses lang ang hinihingi kong kapalit, Sally. Kahit nga hindi mo na bayaran eh. Kung gusto mo, dadagdagan ko pa. Magkano ba? Sabihin mo lang."

Napailing ako sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na sa tinagal-tagal ng panahon, ang tingin ko sa kanya'y isang disenteng tao na may moralidad at dapat panghinayangan, lahat iyon ay naglaho sa loob lamang ng ilang minuto. "Kailangan ko ng pera, Erick. Para sa asawa ko. Pero hindi sa puntong ibababa ko ang pagkatao ko at pagkababae ko sa isang tulad mo. Sayang, dinungisan mo lang ang malinis na pagkakakilala ko sa'yo."

Para siyang natauhan sa mga sinabi ko. Kitang-kita ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa pagiging oportunista at sa pagiging maamong tupa. "Sally... I... I'm sorry..."

Kinuha ko ang bungkos ng pera mula sa kamay niya't isinaboy ko sa kanyang mukha. "Hayan ang pera mo. Isaksak mo sa baga mo, pero akin ang pagkatao ko."

"Sally, sorry... please... sorry."

Hindi ko na pinakinggan ang iba pa niyang mga sinabi. Lumabas na ako ng sasakyan at lumayo mula sa lugar na iyon. Mula kay Erick.

OVER THE HILL (SPG R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon