23

1.1K 3 1
                                    

Malamig na naman ang simoy ng hangin. Malapit na namang magtag-ulan. Bakit ba lagi na lang ganito? tanong ko sa sarili ko. Sa tuwing darating ang ganitong panahon ay naaalala ko ang aking nakaraan. Naaalala ko ang mga hirap na aking pinagdaanan. Napapa-iling na lamang ako. Kung susuriin ko ang buhay ko ngayon kesa noon, masasabi kong malaki na ang aking pinagbago. Malayo-layo na din ang narating ko.

"Ma'am." Sumungaw sa may pintuan ang isang babaing mahaba ang buhok. May suot itong t-shirt na kulay dilaw. At sa harapan ng damit ay nakasulat ang mga katagang 'Yellow Bear Flower Shop'. "Ready na po 'yung mga flowers for delivery para kay Misis Park."

Naputol ang pagmumuni-muni ko at pagtanaw sa labas ng bintana ng opisina ko. "Ah okay. Pakitawagan na lang si Henry. Pakisabi na pumunta na siya dito sa shop para ihatid 'yan."

"Yes, ma'am."

Sa ngayon, sa awa ng Diyos, sa sipag at tiyaga, nagmamanage na ako ng isang flower shop. Ipinamahala sa akin ito ng isang mabait na mag-asawang pinasukan ko noon. Nag-umpisa akong magtrabaho sa kanila bilang ordinaryong staff lamang. Dito ko natuklasan na meron pala akong nakatagong galing sa flower arrangement. Dahil dito, kasama ng dedikasyon sa trabaho ay nakuha ko ang tiwala ng mag-asawa. Matapos ang apat na taon, ipinasya nilang ipamahala sa akin ito. Sobra-sobra ang pasasalamat na ibinigay ko sa kanila dahil sa kanilang pagtitiwala sa kakayahan ko. Last year lamang ay nakapagpatayo na kami ng isa pang branch.

Ang takbo nga naman ng buhay.

Biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. Pagbukas ko'y binasa ko ang isang text message na nagsasabing: 'Puwede ba kitang idate ng coffee?' Ngumiti ako at sumagot ng 'Sure. What time?'.

'Now'.

Hindi nagtagal ay dumating na ako sa isang coffee shop 'di kalayuan sa pinagtatrabahuan ko. Agad kong nakita mula sa 'di kalayuan ang taong tatagpuin ko na nag-alok ng kape. "Ikaw ang magbabayad," nakangiting bungad ko sa kanya.

"No problem, 'Ma. Sagot kita." Ang tamis ng ngiti niya. Kahapon lang ay magkasama kaming nanood ng sine. Ngayon ay 'eto na naman at naglalambing muli ang anak ko. Kay bilis ng panahon. Parang kailan lang ay nasa sinapupunan ko pa siya. Ngayon ay fifteen years old na siya at lumaking isang maganda, mabait, matalino at mapagmahal na anak. Natupad ko ang ipinangako ko sa ama niya noon na palalakihin ko siya ng maayos.

Si Bobby. Si William. Kumusta na kaya sila?

Buong buhay at lakas ko'y itinuon ko sa anak ko. Kaya't sa paglipas ng maraming taon ay hindi ko na sila gaanong maalala. Minsan, nagtatanong si Ollah kung sino ang ama niya. Hindi ko naman maiaalis 'yun sa kanya. Karapatan ng batang malaman ang tunay niyang tatay. Sinasabi ko na lang na ako mismo ang nang-iwan sa tatay niya dahil sa isang mabigat na dahilan kaya't hindi kami puwedeng magsama. Hindi ko alam kung nauunawaan niya ang ibig kong sabihin. Magkaganun pa man, hindi na din niya ito pinipilit alamin. Sinasabi pa niya minsan sa akin, basta't kami'y magkasama, wala na siyang hahanapin pang iba.

Si Ollah ang pinaka-importante sa buhay ko. Siya ang kaligayahan ko at ang lakas ko.

"Ikaw na ang umorder," wika ko sa kanya. "Hahanap na lang ako ng table natin."

"Same pa din ba sa'yo, 'Ma?"

"Yup."

"Okay."

Nang tumungo na si Ollah sa counter para umorder ay naghanap na ako ng puwesto. Medyo matao ang lugar. Malapit kasi ito sa mga malalaking establisimiyento. Karamihan sa mga parukyano ay mga nagtatrabaho sa opisina. 'Yung iba ay tahimik na nagkukuwentuhan. Meron ding solo lang sa mesa habang nagbabasa ng libro. May iba naman na nakatuon lang sa kanilang mga laptop at nakaubos na yata ng ikatlong tasa ng kape. Ito ang ambiance na gusto ko. Matao, ngunit tahimik.

Nang makahanap na ako ng bakanteng mesa ay naupo na ako. Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bag at nagcheck ng mga emails. Karamihan sa mga ito ay galing sa mga kliyente ng flower shop.

"Hi, Sally."

Nagitla ako at natigilan sa ginagawa ko. Agad bumalik sa alaala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kasunod nito'y ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nang mag-angat ako ng ulo ay nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko.

"Kumusta ka na?"

"M-mabuti naman," nauutal kong sagot.

"Long time no see."

Ngumiti ako kahit na medyo nininerbiyos ng konti. "Yes. It's been a long time. Ikaw, kumusta?"

"Mabuti naman ako. Puwede ba akong maupo?"

"Sure." Maitataboy ko pa ba siya palayo?

"Masaya ako na nakita kita dito."

Kinapa ko ang damdamin ko at tinanong ko ang sarili ko kung ano ang feeling ko sa tagpong ito. At saka ako nagbigay ng tunay na sagot. "Me too. I'm so happy to see you too."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OVER THE HILL (SPG R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon