WANE'S POV
Nagdaan ang isang linggo na halos wala kaming kibuan ni Kaide, dahil narin siguro busy dahil this week ay exam na and kailangan narin namin tapusin ang mga requirements namin para makagraduate.
"Good morning Wane!" Masayang bati sa akin ni Lisa habang nag aayos ako sa locker ko.
"Morning! What's up?" I ask.
"Nag review ka na? Gosh hindi ako nakapag review"
Tinawanan ko nalang siya at inaya na siyang pumunta ng room. This is our last day in taking the exam at mamayang hapon naman ang sabihan ng ranking kung sino sa mga ga graduate ang may mataas na rank.
'Hoping na It's me'
•┈┈┈•┈┈┈•┈┈┈
'Lunch time'
"Grabe yung math as in grabe talaga!" pagmamaktol ni Lisa
"Hahaha oo nga e ang sakit sa utak."
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa makarating kami ng canteen. Umorder lang ako ng spaghetti at milk dahil nag cracrave ako sa dalawang 'yon. Nakarating na kami ni Lisa sa table namin at nakita namin si Kaide na nakaupo na din don.
'This is my chance na makausap siya.'
"Hi Kaide!" bati ni Lisa sa kaniya.
Tinanguan lang niya kami at nagumpisa ng kumain. Pareho kami ng order.
"Sungit! Bagsak ka noh!?" pang aasar ni Lisa.
"Hindi ah." walang emosyong sagot nito. Inirapan lang siya ni Lisa.
"Uhhmm Kaide..."
"Kaide! Pinapatawag ka ni Ms. Fajardo sumali ka sa swimming diba?"
Hindi ko na nagawa pang maka usap si Kaide dahil sa biglaang pag tawag.
The exam went well natapos na ang pag hihirap naming lahat at nandito na kaming lahat sa quadrangle para intayin ang result ng ranking.
"Dito mo na lagay ang projector Miss Audrey para mas makita ng lahat." I said at pag tapos malagay ang projector tumabi na ako kay Lisa. Hinahanap ng mata ko si Kaide pero hindi ko siya mahagilap.
"Hello..sound check.. Alright." napukaw ng atensyon ko ang boses ng head namin. "Ok first of all I want to appreciate our president who organize this mini event Napaka ganda! Give her a round of applause" ngumiti lang ako at nakaramdam ng hiya. "So patatagalin ko pa ba to? I know naman na lahat kayo ay naghirap para sa exam na 'to. So in grade 10 all of you was equivalent to 100 students. Yes 100 kayong lahat" marami pang sinabi ang head namin at nagumpisa na sa pinakamababa hanggang sa makaabot ng last 5 "Our 5th placer is Ms. Lay Santosidad, 4th placer is Ms. Lisa Buenaventura, our 3rd placer is Mr. Kaide Vergara" 2nd placer na ang sasabihin at ako at si Ashley ang pwedeng maging 2nd placer. "Our 2nd placer is Ms. Ashley Castro and of course our pride and very generous student our 1st placer is Ms. Cas Wane Velasco palakpak naman jan!" masiglang sabi ng head namin.
Nakaramdam ako ng sobrang saya dahil sa napaka gandang balita. I'm first placer wow! Nakakaiyak!
"Yieee congrats Wane! Proud na proud ako sayo!" Masayang bati ni Lisa.
"Proud din ako sayo akalain mo sa 100 students pang apat ka! Yieee." Masayang bati ko. "By the way asan kaya si Kaide? Hindi ko pa siya nakiki..."
"Congrats Cas Wane."
Tinignan ko ang taong bumati sa akin at nakita ko si Kaide na masayang nakangiti at may dalang 2 pieces of roses at binigay ang isa kay Lisa.
BINABASA MO ANG
Unknown Love
Teen FictionSHE was weak, SHE was emotional, SHE was nothing until HE came to her life and HE change all of it.