Chapter 16

24 1 0
                                    

KAIDES'POV

Ngayon ang araw ng labas ko sa hospital at kinabukasan na ang graduation namin. Bukas na din ang araw na haharapin namin si Ashley.

*FLASHBACK

"Tita. May kilala po akong pwedeng gumawa nito kay Wane."

"Sino anak?" agarang tanong ni tita khaty.

"Si Ashley. Tita there was something you don't know. I'm really sorry kung hindi ko po nasabi sa inyo. Nagmakaawa si Wane na huwag sabihin sa inyo kaya wala akong nagawa. I'm really sorry."

"Did she...did she became victim of bu..bullying?" naiiyak na tanong ni tita. Tumango ako habang nakayuko. Biglang napaupo sa sahig si tita kaya agad ko siyang tinulungan sa pag tayo. Tinignan niya si Wane ng umiiyak.

"I'm sorry anak! I'm sorry kung wala akong nagawa. Sorry walang nagawa si Mom!" pilit kong pinapatahan si tita Khaty pero wala akong nagawa. "Kailangan kong makausap ang babaeng yon." rinig ko ang galit sa boses ni Tita Khaty.

"Wag kang mag padalos dalos Tita kailangan pa nating mag isip ng paraan para makausap sila Ashley. Mahirap lalo na't walang pasok." i said.

"Hindi pwede Kaide. Pupuntahan ko na ang babaeng yon."

"Tita makinig po kayo please hindi naman po kasi pwedeng basta basta nalang po tayo susugod..."

"No Kaide. No.."

"Mommy! Jebal! kung ayaw mo makinig kay Kaide sa akin nalang!" napahinto kami ni Tita Khaty dahil sa biglaang pagpasok ni Wyatt.

Hindi na nakapag salita si Tita at napaupo nalang at umiyak. Agad itong nilapitan ni Wyatt at niyakap.

"Please mom kailangan mong sumunod para kay Wane to. Please!" tumango nalang si Tita at laking ginhawa naman ang naramdaman namin ni Wyatt. Pinakalma muna ni Wyatt ang ina at saka umupo sa tabi nito. "We need to talk...ttalawa"

Sumunod ako sa kaniya. "Bakit kailangan mo pang mag korean ha! Nasa pilipinas lang naman tayo."

"Shut up! Bakit? gusto ko e." natawa ako sa kaartehan niya. "So what's the plan?" tanong niya ng makarating na kami sa cafeteria ng hospital. Umupo ako sa upuan at kumagat ng burger.

"Sa mismong araw ng graduation. Duon niyo komprontahin si Ashley para kasama ang mga magulang nito. Sabihin nyo agad sa head na gusto niyong makausap ang panig ni Ashley. Hindi rin alam ng head ang nangyayari kay Wane kaya paniguradong maguggulat din 'yon." paliwanag ko sa kaniya.

"So kailan ang graduation?"

"Next week" sagot ko.

Tumango nalang siya at nagumpisa narin kumain. "Bilisan mo magpagaling at tulungan mo na akong asikasuhin si Wane."

"Tsk. Magaling na ako. Ewan ko ba kung bakit ayaw pa ako ilabas."

"Kulang ka pa daw kasi sa nutrisyon." inirapan ko nalag siya at inubos na ang burger ko. Isang oras din kaming tumambay ni Wyatt sa cafeteria ng mapag desisyonan ko ng bumalik sa room at magpahinga.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari hindi ko alam na aabot sa ganito ang mangyayari dahil lang sa gusto niyang patunayan na mali ang taong binangga ni Wane.

Unknown LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon