»sorry for typos and grammatical errors«KAIDE'S POV
Palagi kong binibisita si Wane sa bahay nila pero palagi parin siyang ilang sa akin. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o ano. Sana bumalik na ang alaala niya I miss her so much.
Papunta ako kaila Wane ngayon dahil bukas ang alis nila. Minabuti nila iyon para mas lalo ng makalimutan ni Wane ang mga mapapait na nangyayari sa kaniya. Babalik na silang baguio at duon na rin sila mag aaral. Nagulat ako ng makita ko ang kotse ni Wyatt. Naglalagay na sila ng mga gamit duon at parang ngayon na ang alis nila.
'Akala ko bukas?'
"Aalis na kayo?" tanong ko ng makalapit na ako sa kaniya.
"Oo e akala ko bukas pa pero sabi ni daddy na umalis na kami ngayon." nawala ang excitement ng katawan ko. Nag handa pa naman ako sa garden namin para isurprise siya. Balak ko na sanang sabihin ang nararamdaman ko. Balak ko pa sanang mag kwento pa. Naudlot nanaman.
"Nasan si Wane?" tanong ko kay Wyatt. Ngumuso siya sa parte ng back seat at sumenyas na natutulog si Wane. Sinilip ko siya at mahimbing ang pagkakatulog niya. Wala na akong nagawa kundi tumulong nalang sa pag lilipat nila.
"Salamat sa lahat Kaide. Until we meet again. At sa susunod na mag kita kayo ni Wane wag kang mag alala dahil maaalala ka na niya." binigyan ko nalang si tita ng isang matamis na ngiti. Binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap at tinapik naman ako ni Wyatt sa balikat.
Hindi ako umalis sa pagkakatayo hanggang sa hindi na makita ng mata ko ang kotse nila. Bumalik ako sa bahay at dumiretsyo sa garden. Niligpit ko na ang mga gamit na prinepare ko para sa surprise ko sana sa kaniya. Nilagay ko sa ref ang mga pagkaing niluto ko mismo, at kumuha ng limang boteng soju. Wala si mommy sa bahay kaya malaya akong uminom.
Alas singko na ng hapon, malapit ng magdilim. Makulimlim ang paligid at patuloy parin akong umiinom. Nauubos ko na ang tatlong bote at nakakaramdam na ako ng hilo sa katawan.
'I want to see her' kahit hilo ay pinilt ko tumayo at lumabas. Nakarating ako sa bahay nila pero sarado ang bahay nila. Wala ang kotse ni Tita Khaty at ni Wyatt.
"Tao po! Tita Khaty! Wyatt! anjan si Wane?" sigaw ko habang nag dodoorbell. Walang sumagot sa akin kaya nag doorbell parin ako ng nag doorbell.
'Ayaw ba nila akong makita si Wane?' nakaramdam ako ng inis dahil sa naisip ko.
"Tita! Bakit ayaw nyo pakita sa akin si Wane!? Tita mahal ko si Wane mahal ko ang anak nyo! Can I court her? please Tita!" sigaw ko mula sa gate ng bahay nila.
Walang sumasagot sa akin kaya umupo nalang ako sa harap ng gate nila. "Hindi ako aalis dito hanggat hindi nyo pinapakita sa akin si Wane Tita!"
Halos isang oras na akong nakaupo dito sa gate nila pero hindi parin sila lumalabas. Wala akong rason para umuwi, hihintayin ko si Wane.
"Kaide!" that's Wane. Kahit nakayuko ay hindi kona maiwasan numiti. Alam kong hindi mo ako matitiis. Agad akong tumingala at mawala ang ngiti ko dahil iba ang nakita ko.
"Kylie."
WANE'POV
"Wane, Wake up we're home." nagising ako dahil sa pagtawag sa akin ni kuya Dylan. Hindi ko maiwasang hindi maging pormal sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bago ako matulog hanggang sa pag gising ko pinipilit ko paring makaalala.
BINABASA MO ANG
Unknown Love
Teen FictionSHE was weak, SHE was emotional, SHE was nothing until HE came to her life and HE change all of it.