KAIDE'S POVNang matapos ang insidenteng iyon sa canteen iniwan ko nalang si Wane mag isa sa field dahil nakita ko ng sumunod ang kaibigan nya. Ano ba namang klaseng kaibigan yon bakit hindi manlang niya tinulungan si Wane? Tss
Dumiretsyo na ako sa locker ko at kinuha ang dapat kuhanin at dumiretsyo akong CR dahil malapit lang naman ang CR sa locker. Napansin ko na agad na tumatakbo ang kaibigan ni Wane sa kung saan at naiwan siya duon. Hindi ko naman maiwasan maisip na baka puntahan siya nung Lay na iyon kaya pinuntahan ko sya.
Papalapit palang ako napansin ko ng para siyang balisa sa nabasa nya sa phone dahilan para malaglag ito. Takot, pag aalinlangan at pag alala iyon ang mga emosyong nabasa ko sa mata nya kaya lumapit ako sa kanya at pinulot ang phone nya, aakmain ko palang na iangat ang phone nya at dali dali niyang kinuha iyon.
"T..Thank you" nauutal niyang sabi at balak na umalis pero hinawakan ko ang kamay nya.
"Hey are you ok?" I asked. Napansin ko nanaman ang pagkabalisa ng mukha niya.
"Ye..Yeah, T..Thank you." At umalis na sya ng tuluyan.
Balisa nanaman siya? Pero bakit? May kaaway ba sya? Hindi lang ba iyon ang unang beses na nangyari sa kaniya yon? Pero mabait naman siya ah? Baka naman nabubully sya?
WANE'S POV
3 weeks na ang nakalipas pero hindi mawala sa isip ko ang nangyaring iyon at hindi ko rin alam kung papasok ba ako ngayon. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin, hindi ko alam ang gagawin ko paano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa kaniya o kanila?
"HOY WANE ABA USO GUMISING MATATAMPAL KA SA PWET NG NANAY MO"
"HOY WANE ABA USO GUMISING MATATAMPAL KA SA PW--"
Pinatay ko na ang alarm ko dahil naiingayan ako. Sa sobrang pagkabalisa naunahan ko pa alarm ko hindi ako halos makatulog.
Pinilit kong bumangon dahil pinasok ko to kaya wala na akong magagawa. Pumasok na ako sa banyo at naligo na pag tapos kong maligo inayos ko na ang sarili ko para hindi mahalata ni mom na problemado ako. Nakakalungkot lang dahil ipinangako ko kay mom na hindi kami mag sisikreto sa kaniya pero ako eto, mas pinilit kong isikreto ang lahat dahil lang sa salitang natatakot ako. Paano na to? Hindi ko alam gagawin ko? Nilalamig ang loob at labas ng katawan ko at feeling ko namumutla ako. Pagkatapos ko mag ayos lumabas na ako at sinalubong na agad si mom.
"Mom! Good morning" saad ko at hinalikan sya sa pisngi.
"Good morning anak! Kumain ka na baby at sorry hindi kita masasamahan sa hapag dahil busy si mom sa work"
"It's ok mom after ko naman po dito lalabas na po ako at sasaluhin ang sikat ng araw hahahaha"
"Hahaha loko ka talagang bata, oh sya sige na aakyat na muna ako sa kwarto ha at may regalo ako sa kuya mo hahaha"
Nakaramdam ako ng excite sa sinabi ni mom. I like gifts para sakin man yan o hindi "Ano mom?" Tanong ko
"It's a car anak hihihi malapit lang naman kasi ang school sa bahay natin pero nasa tamang edad naman na ang kuya mo para don, pero after non pakukuhanin ko na siya ng driver license para less hassle hihihi"
"Yiieee mom!! hahahaha for sure napakasaya ni kuya nyan hahahaha"
"Syempre yon anak alam mo namang gustong gusto ng kuya mo yan e hahaha" Sabi nya at tinawanan ko nalang. "Oh sya kain ka na jan baby, aakyat na ako ha I love you anak! Study well!" Nag flying kiss nalang siya sakin at umakyat na.
BINABASA MO ANG
Unknown Love
Teen FictionSHE was weak, SHE was emotional, SHE was nothing until HE came to her life and HE change all of it.