LISA'S POV
"Lisa anak? Someone's calling friends mo daw sila." napabangon ako mula sa pagkakahiga.
'Sino naman yon? Wane is my only friend'
Bumaba na ako at nakita ko si Ashley na kasama si Lay at Samantha. Nakangiti sila sa akin.
'Ano naman kayang kailangan nila?'
"Pinaalam ka na nila anak sa akin enjoy!" nagulat ako sa sinabi ni mommy sa akin kaya tinignan ko sila at napangiti parin sila sa akin.
"Anong kailangan niyo?" tanong ko ng makarating na kami sa garden.
"Sumama ka nalang sa amin"
"Ayoko nga sabi!" impit na sigaw ko upang hindi ako marinig ni mama. Aalis na sana ako ng magsalita ulit si Ashley.
"Sige. Hindi kita pipilitin,sasabihin ko nalang kay Kaide na pinagtakpan mo ako dahil ayaw mong mabully ulit at ikaw ang nagturo sa mga tao ni Kylie kung nasaan si Wane nung araw na nawala siya. Sasabihin ko din sa kaniya na may tinatago karing inis kay Wane dahil hindi ikaw ang nauna sa Ranking." napahinto ako dahil sa sinabi niya.
'Oo ako yon. Ako ang nagturo sa mga tao ni ate Kylie kung nasaan si Wane. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil sa pagtulong nila kay papa dahil nagkasakit ito.'
"So, anong gusto mong gawin ko?...Malaki ang utang na loob ko kay ate Kylie kaya kahit ayoko ay nagawa ko iyon."
"Hindi ka ba nagsisisi? Inako ni Wane ang mga pasakit na dapat ibibigay ko sayo. Tinuring ka niyang kaibigan pero trinaydor mo siya. Hindi sana siya nacomatose kung hindi mo tinuro sa mga tao Kylie kung nasaan si Wane."
Hindi na ako nakapag salita dahil sa mga sinasabi ni Ashley. Nakakaramdam ako ng guilt dahil sa mga ginawa ko. Napakalaki ng tulong na binigay niya sa akin. Pero hindi ko mahindian si ate Kylie. Sobrang laking utang na loob ko sa kaniya.
'Im sorry Wane'
Simula ng dumating si Ashley dito sa bahay at sabihin iyon ay palagi na akong dinadalaw ng konsensya ko. Hindi na ako makatulog at kung makatulog man ako ay palagi kong nakikita si Wane sa panaginip ko. Ilang araw na akong hindi dumadalaw sa kaniya dahil sa guilt na nararamdaman ko. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Sa una palang, kung hindi ako ipinagtanggol ni Wane ay hindi sana siya nabully. Hindi na kaya ng katawan ko damhin ang guilt na nararamdaman ko. Wala na akong mukhang maiharap kay Wane at sa mga magulang ko dahil ginamit ko ang utang na loob na iyon sa masama.
Sa sobrang pag iisip namalayan ko nalang na may hawak na pala akong lubid at tinatali ko na ito sa kisami ng kwarto ko.
'Dapat ka ng mamatay'
'Hindi mo deserve mabuhay traydor ka!'
"AAAHHHHHH!"
Hindi ko na kaya. Im sorry Wane Im really sorry. Eto nalang ang naisip kong paraan para maparusahan ang sarili ko.
'DIE!'
Yes. I need to die. I don't deserve this life.
KAIDE'S POV
Halos isang linggo na ang nakakalipas pero hindi parin dumadalaw si Lisa kay Wane tinatawagan ko ito pero hindi sumasagot. May problema kaya?
"Hindi ako makakatulog ng maayos hanggat hindi pa gumigising si Wane palagi akong nag aalala sa kaniya. dumating narin sa isip ko na baka hindi na siya magising." tinignan ko ng masama si Wyatt dahil sa mga iniisip niya.
BINABASA MO ANG
Unknown Love
Teen FictionSHE was weak, SHE was emotional, SHE was nothing until HE came to her life and HE change all of it.