CHAPTER 9

32 1 0
                                    

WANE'S POV

"Magpahinga ka na anak" sabi ni mom at inaalalayan ako sa pag akyat papuntang kwarto.

"Wag ka na muna pumasok Cas Wane ipahinga mo yang braso mo" maotoridad na utos ni kuya na inaalalayan din ako.

"Hindi po pwede kuya, please mom payagan mo ako pumasok bukas kasi yung botohan kaya kailangan kong pumasok please mom!" pagmamakaawa ko

"Patingin muna tayo sa Orthopeadic anak para matingnan kung may pilay..."

"Nagpatingin na ako mom kanina nagpasama ako kay Kaide wala naman daw bali e sabi ng doktor kaya wag ka ng mag alala please payagan mo na ako pumasok."

"Lagi mo naman yatang kasama yang si Kaide" masungit na tingin sakin ni kuya

"Tss malamang sabi ko diba na late ako uuwi? Wala akong ibang kasama si Lisa sinundo ng service nya kaya si Kaide nalang inabala ko jan lang naman bahay niya. At saka kaibigan ko siya."

Hindi na niya ako sinagot dahil nasa kwarto na ako pinahiga nalang niya ako at nauna na siya lumabas. "Sige Wane papayagan kitang pumasok basta promise mo sakin na magiingat ka!" nag aalalang sabi sakin ni mom.

Nag promise ako sa kaniya. Hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos non ay iniwan na niya ako. Hindi pa ako natulog agad. Kinuha ko ang phone ko at tatawagan ko sana ang mga kaibigan ko sa Baguio kaso hindi sila active. Balak ko pa naman sanang ichika sa kanina tong nangyari sakin kaso ang sasabihin ko lang ay nadulas ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong tama ang magsumbong pero ayaw gawin iyon ng katawan at isip ko.

Kaya ko namang lumaban. Pilit kong sinasabi sa sarili na lumaban, pero ayaw gawin ng katawan ko. Palaging nagtatalo ang katawan ko at utak ko sa decision making. Alam ko naman kasing hindi masamamg lumaban lalo na kung ikaw ang tama. Iyan ang nasa mindset ko noon habang pinagtatanggol ko si Lisa pero nawala ang tapang ko nung ako na yung tinatarget ni Ashley.

'I sacrifice my self for my friend'

*KINABUKASAN*

Maaga ako gumising dahil kailangan ko ng gawin ang morning routine ko bumangon na ako, uminom ng tubig at dumiretsyo na akong Cr. Matagal din akong nagbabad sa Cr at nagsuot na ng pang jog ko sa labas. Naisipan ko na huwag muna mag bike at mag jojogging naman ako. Bumaba na ako at dumiretsyo sa kusina, naabutan ko si kuya na kumakain.

"Oh aga mo ah!" magandang bungad ko sa kaniya.

"Trip ko din mag bike e sasama ako sa sayo" sagot niya sakin.

"Eh hindi naman ako mag babike e"

Tinignan niya ako. "Eh ano?"

"Mag jojogging ako"

"Tss akala ko naman kung ano edi mag jojogging din ako"

"Sige po" sabi ko at kumuha ng pagkain.

"Bakit? Ayaw mo ba akong kasama?"

'Eh? Ano daw?'

Muntikan na akong mabulunan na sinabi ni kuya at natawa naman siya ng malakas. "Ewan ko sayo Kuya ang arte mo" tinapos ko na ung pagkain ko at inunahan ko na siya lumabas.

"Teka lang Wane!" sigaw nito sakin.

Duon kami nag jogging ni kuya sa right side papuntang entrance ng subdivision namin. Left side ang kayla Kaide kaya hindi namin nadaanan ang bahay nila. Habang naglalakad nakita namin ang babaeng bago lang sa paningin namin. Naka heels siya kulot ang buhok may bangs at nakaskirt siya. Nakaupo siya at nakayuko sa mga tuhod nya. Nagkatinginan kami ni kuya at nilapitan siya.

Unknown LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon