»sorry for typos and grammatical errors«
WANE'S POV
Eto na ang huling araw ng sport fest huling araw narin to ng pasok namin at babalik nalang kami sa araw ng graduation. Excited na ako dahil aakyat nanaman ako ng stage kasama si mom na mag sasabit ng medal sa leeg ko. Nakakaproud kung ano ang gusto kong makuha o igoal ay nakakamit ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko noong past life ko para magkaroon ako ng ganito kagandang buhay.
"Tara na Wane" tumayo na ako dahil sa pag tawag ng kuya ko upang ihatid ko.
"Kuya." hindi siya sumagot pero tinignan lang niya ako. "I love you! Hihi"
"Yuck Wane! Naka kadiri ka tigil mo yan!" he said and immediately get in the car natawa ako sa itsura niya kaya pumasok nalang din ako. Bago umalis ay binigyan ko si mom ng isang mahigpit na mahigpit na yakap. Hindi ko alam kung bakit pero parang feeling ko matagal pa bago ko sila makita ulit pero mamaya naman ay magkikita na kami. Ang weird ko ngayon.
"Always take care Wane. Wag ka ng umuwi kung may galos ka nanaman." my kuya said habang tinitignan ang laman ng bag ko.
"Napakasweet mo kuya nakakainis sa sobrang sweet." sarcastic kong sabi. Nag paalam na ulit ako at pumasok na sa school. Unang sumalubong sa akin ay si Lisa. Agad ko siyang binigyan ng mahigpit na yakap.
"Why?" She asked.
"Ewan ko hahaha. Feeling ko matagal bago ko ulit kayo makita e" I answered.
"Malamang magbabakasyon e hahaha"
"Oo nga pala hahaha" sabay na kami naglakad ni Lisa papunta sa kaniya, kaniya naming headquarters. Pagkarating ko duon ay si Kaide palang.
"Wala pang iba?" tanong ko sa kaniya. Nilapag ko ang bag ko at tumabi ako sa kaniya. Tumango lang siya bilang sagot. "Bakit naman ata ang tahimik mo?"
"Give me your phone number always open your location in GPS icoconnect ko to sa phone ko para malaman ko kung nasan ka." agaran niyang sabi.
"Bakit?"
"Just give Cas Wane!"
"Ok! ok!" I answered and give my phone number and my GPS
"Wag na Wag mong iooff yang location mo please lang!" tinanguan ko nalang siya bilang sagot.
Matagal pa bago nagumpisa ang laro dahil hinintay pa ang referee. Hindi naman hassle dahil championship nalang ang lalaruin ngayon. Goal kong mag champion sa volleyball, basketball at arnis kaya nireready ko ang sarili ko. Naglalakad ako ngayon sa soccer field. Konti lang ang estudyanteng nakatambay. Malakas ang hangin kaya umupo nalang ako sa damuhan. Halos kalahating oras na akong nakatambay duon at naisipan ko ng bumalik. Nang makatayo ako ay maglalakad na sana ako nang makaramdam ako ng parang tumutusok sa tagiliran ko. Laking gulat ko ng isang hindi pamilyar na tao ang bumungad saakin.
"Wag kang sisigaw o gagawa ng kung anong may makukutuban. Hindi ako magdadalawang isip na saksakin ka!"
Nanginginig ang buong katawan ko kaya hindi na ako nagsalita at sinunod nalang ang sasabihin niya. Pumunta ako sa exit ng school namin na walang guard dahil iyon ang sinabi niya. Nang makalabas kami ay laking Gulat ko ng mas maraming lalaki ang tumambad sa akin.
"Sino kayo? Hindi kayo nag aaral dito diba? Anong kailangan nyo?" I said bravely.
"Kapag ba sinabi naming buhay mo ang kailangan namin ibibigay mo?" napaatras ako dahil sa sinabi nilang yon. Nakita nila ang ekspresyon ng mukha ko kaya nagtawanan sila. "Sumama ka lang ng maayos walang masasaktan." Aakma na silang lalapit pero pinigilan ko iyon. Tatakbo na sana ako ng may humawak saaking dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
Unknown Love
Teen FictionSHE was weak, SHE was emotional, SHE was nothing until HE came to her life and HE change all of it.