Chapter 14

31 1 0
                                    


WANE'S POV

"Cas Wane?" nagising akong nandito na sa bed ng clinic. "Are you ok?" tanong sa akin ni Kaide. Tinanguan ko nalang siya at pinilit na bumangon.

"Kaide. I'm sorry kung nawalan ako ng malay kanina. I'm sorry kung pinag alala kita." ani ko na maiiyak na. "May phobia kasi ako sa dugo e. Something came up when I was young at hindi ko na maalala yon. Ang sabi nila mom may nangyaring incident at iyon ang naging dahilan kung bakit ako nagkaphobia sa dugo."

"It's ok Wane don't worry ok? I understand. Kaya mo na ba? Ihahatid na kita sa inyo para makapag pahinga ka" tinanguan ko nalang siya at tinulungan akong makabangon. Ramdam ko ang kirot ng sugat ko mabuti nalang tulog ako dahil tinahi pala ito.

"What happen anak?" Tanong ni mom ng makarating ako sa bahay.

"Tita I'm sorry po. Nung nagbasketball po sila saka nangyari 'yan natalisod po siya at mayroon pong bubog sa court kaya po iyan ang nangyari." tinignan ko si Kaide na nakayuko na para bang kasalanan niya ang nangyari.

"Wala kang kasalanan iho kaya no need to feel sorry ok?" sagot ni mom.

Umuwi na si Kaide at dumiretso na ako sa kwarto. Sinabi ko nalang kay mom na magpapahinga muna ako at binigyan naman siya ako ng halik sa pisngi. Pagkatapos magbihis ay tinignan ko ang oras at 5:30 palang ng hapon. Maganda ang klima sa labas kaya naisipan kong lumabas at manood ng sunset. Jogger pants at loose shirt ang sinuot ko para Hindi makita ang latay na bumakat sa binti ko.

"Mom magpapahangin lang po ako sa labas ha!" hindi ko na hinintay pa ang sagot ni mom at tuluyan ng umalis. Nag bike na ako at dumiretso na sa lugar kung saan ako nanonood ng sunrise at sunset. Nilabas ko ang phone at ang earphones ko upang makinig ng music.

Lumabas ako ng bahay dahil feeling ko ay nasusuffocate na ako at kailangan ko ng hangin. Ramdam ko ang kirot ng sugat at latay ko kasabay nito ang kirot sa puso ko. Laking pasalamat ko dahil ako ang nakakaranas ng lahat ng ito dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung si Lisa ang nakaranas nito. Maisip ko palang ang iba pang pwedeng mangyari sa akin ay parang dinudurog na ang puso ko. Ano ng gagawin ko? Hanggang saan pa aabot ang hirap na dinadanas ko ngayon? Anong ginawa ko?

"Pagod na ako!"

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa lalim ng iniisip ko. Yumuko ako sa mga tuhod ko at duon binuhos lahat ang sakit ng nararamdaman ko.

"Ang sakit sakit na!"

Nagulat ako ng may biglang may yumakap saakin mula sa likod. Tinignan ko to at si Lisa ang bumungad sa akin. Agad kong pinunasan ang luha ko kahit na alam kong nakita na niya ito.

"Wane I'm sorry" ani nito at nakayakap parin sa likuran ko. "I'm sorry dahil wala ako sa tabi mo. Narinig ko ang nangyari kay Kaide at dali akong pumunta dito. Wala ka sa bahay niyo kaya dito ako dinala ni Kaide at nakita kong ganyan ka."

"No need to feel sorry Lisa. Ako nga dapat ang mag sorry kasi hindi ako nagsasabi sayo."

"What happen? Are you ok? Kaya mo pa ba?" her questions broke mo into pieces. Agad nag unahan ang mga luha ko sa pag tulo at ramdam kong hinigpitan pa niya ang yakap sa akin.

"I'm so tired Lisa. Pagod na ako. Ang sakit na ng katawan ko pisikal at emosyonal." ani ko habang umiiyak. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano at ano na ang gagawin ko nakakapagod!"

Umiyak lang ako ng umiyak sa bisig ni Lisa. Ang laking pasalamat ko dahil nandito siya at siya ang kausap ko sa mga oras na ganito ako. Masaya ako dahil siya ang naging kaibigan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin.

Unknown LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon