KAIDE POV
Pangalawang beses ng niligtas ko si Wane sa ganoong engkuwentro at hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya kung bakit mayroong nambubuly sa kaniya.
"Are you ok?" tanong ko
"Oo, Thank you Kaide" ngiti nya sakin na para bang walang nangyaring masama.
"Kumain ka na ba? Tara sasamahan kita kumain para wala ng lumapit sayo" sabi ko
"Pa fall? Tss hahahaha"biro nya. Grabe sa nangyaring yon may gana pa syang mag biro? Walang nagbago sa kaniya. "Tara sa taas nanduon si Lisa hiniintay ako"
"Bakit nga pala kapag may nangyayaring ganto sayo laging wala yang kaibigan mo?" hindi ko naitago ang inis sa boses ko at mukhang napansin nya yon.
"Wag kang mainis kay Lisa nung una wala syang nagawa kasi ayoko syang madamay tapos eto namang pangalawa hindi nya alam hehe... Oh tara dito, andito" sabi nya ng makarating kami sa table nila
"Wane! What happen! Bakit ang dungis mo?" gulat na tanong ni Lisa
"Ashley hahaha" tanging nasabi nalang ni wane
Umorder ako ng pagkain namin ni Wane. Tapos na pala sya kumain pero nagutom daw ulit sya sa nangyari. Grabe si Wane after nung nangyari gusto pa nya kumain.
"Thank you sa pagkain Kaide" sabi nya sakin. Ang cute nya ngumiti still the same.
Pinanood ko muna sya kumain. Ang lakas at ang bilis nya kumain pero hindi nakakaturn off, ang cute nya kumain parang hindi sya pinapakain sa bahay nila hahaha.
"Ehem! Baka matunay hehe"
Nagulat ako sa biglang pagsira ni Lisa sa pagtitig ko kay Wane."Ano ung matutunaw?" sabi ni Wane
"Wala! Yung yelo sa drinks lang ni Kaide baka matunaw hehe" asar nya sakin. Sinamaan ko nalang sya ng tingin kaya natawa sya, kumain nalang ako.
Pagkatapos namin kumain sabay sabay kami bumaba at dumiretsyo na sa room. "Wane kasali ka sa presidential election diba?" basag ni Lisa sa katahimikan namin.
"Ah oo nga pala nakalimutan ko na. Tss."
"Kasali ka pala? May boboto kaya sayo?" biro ko. "What?" sabi ko ng natatawa ng sinamaan nila ako ng tingin.
"Epal mo Kaide" sabi ni wane saken at nanguna na maglakad
'Tss pikon'
"Naku po! Sayang pogi points Kaide nabawasan hahahaa" asar sakin ni Lisa at pinuntahan na si Wane.
Sumunod nalang ako sa kanila baka mamaya lapitan nanaman sila ni Ashley. Nagmumukha akong bodyguard pero ayos naman na siguro yon. At least sa ganitong way mapalapit siya saakin ulit.
Nagumpisa na ang klase at naging maayos naman nakikita kong sinasamaan sya ng tingin ni Ashley pero hindi naman pinapansin ni Wane. Natapos ang klase at agad na nagpaalam si Lisa dahil may emergency daw sa kanila.
"Bakit kuya?.. E sino susundo sakin dito?... Ano? Maglalakad ako?...Kuya naman!!!! ... Tss sige na nga po.... opo maglalakad ako ....pag ako di nakauwi yari ka kay mom"
Natawa ako sa inaasta ni Wane sa kuya nya at mukhang nabadtrip dahil walang susundo sa kaniya.
"Tara Wane sabay ka nalang sakin" nagulat sya sa sinabi ko.
"Hindi na Kaide salamat nalang maglalakad nalang ako"
"Tara na hindi naman tayo uuwi agad e mall tayo kain tayo" Tinitigan nya ako at para bang nawiwirduhan sya sa ginagawa ko. "Tss kakain lang Wane minsan lang ako mag aya ng ganito saka ikaw unang kaibigan ko dito kaya sige na!" pagpupumilit ko
BINABASA MO ANG
Unknown Love
Teen FictionSHE was weak, SHE was emotional, SHE was nothing until HE came to her life and HE change all of it.