CHAPTER 22

28 1 0
                                    


WANE'S POV

Maaga ako nagising at natapos ko agad ang morning routine ko. 7 na ng umaga at alam kong hiniintay na ako ni Kuya sa baba.

"Cas Wane! Alam mong ayoko ng late wag mo ng idahilan sakin yang wala kang maalala bulok na yan!"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Dali dali akong bumaba at inayos na ang bag ko. Wala naman na siguro akong naiwan.

"Eto na kuya, 7 lang naman ang arte mo."

"Kayong magkapatid ang aga aga ang ingay ninyo."

"E si Kuya po kasi e"

"E si Wane Mom e"

"Ay jusko kayong magkapatid talaga. Pumasok na kayo at baka malate pa kayo." sabi ni Mom habang inaayos ang lunch namin.

"Mommy alam mo ba si Cas Wane..."

"Mom I skipped class. Yesterday, Im sorry hindi na po mauulit." putol ko sa sasabihin ni kuya at lumapit na kay Mom.

"Why?" malumanay na tanong ni mom.

"I went to public Library mom. Sorry please! Are you mad?" paglalambing ko.

"No im not mad. Thank you for telling me anak." sabi ni Mom at hinimas ang buhok ko.

Pumasok na kami ni kuya at nang makarating ako sa school ay parang nagkakaguluhan ang mga estudyante.



'What's happening?'


"Cas Wane, Your're from Bulacan highschool noon diba?" bungad sa akin ng isa kong kaklase ng makarating ako sa room namin.

"Yeah why?"

"Read this." she said and give me the phone.

It's the article from bulacan high bulletin. Paano to kumalat? Sino ang gumawa nito?

"Doon ka nanggaling hindi ba?" napatango nalang ako at hinanap ng mata ko si Kaide. Hindi kaya siya ang may dahilan ng pagkalat ng Article?

"Wag mong tanungin si Wane Jerome wala siyang memory hindi rin niya yon matatandaan."

"Eh pano kung dinadahilan lang niya ang wala siyang maalala dahil siya si Ms. A the Cat?"

"Pinagbibintangan mo ba si Wane?" inis na sabi ni Mike kay Jerome.

"Hayaan mo na siya Mikael wala akong kailangan ipaliwanag sa kaniya dahil hindi naman talaga ako yon at choice na niya yon kung maniniwala siya o hindi." ani ko at naupo na.


'Nasan kaya si Kaide?'


Magkasabay na dumating si Kaide at Ashley. Nag usap kaya sila? Malamang alam na ni Ashley ang balitang 'to at pinuntahan niya si Kaide at tinanong kung siya ba ang may pakana non.

"Diba galing din kayo sa Bulacan high Kaide at Ashley?" tinignan ko si Ashley at ramdam ko ang galit sa mga tingin niya.

"Yeah why?" walang emosyong sagot ni Kaide.

"Imposibleng si Kaide si Ms. A the Cat dahil lalaki siya. Hindi kaya..." ani Jerome at tinignan si Ashley. Tinignan ko si Kaide at umupo na siya sa upuan niya at yumuko.




'Wala siyang pakielam sa mga nangyayari'




"Hindi kaya ikaw yon Ms. Ashley Castro..."

Unknown LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon