CHAPTER 21

27 1 0
                                    


WANE' POV


Nakauwi na ako ng bahay na tulala. Hindi ko akalain makakalimutan ko sila. Hindi ko akalaing sobrang pahirap ang binigay ko sa buhay nila. Ngayong nakakaalala na ako mas magiging madali nalang sa amin ang buhay ngayon. Pero..paano ko haharapin ulit ang mga takot ko?



"Oh anak bakit ka basa." salubong saakin ni Mom dahil naka pasok na ako sa living room. Magkasama sila ni Kuya dito ngayon. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa pahirap na dinala ko sa kanila.

"Mom!"

"Anak." malumanay na sabi mom.
"Mom? Anong sabi mo Wane Mom?" kahit hindi ko nakikita dahil sa mga luha ko alam kong nagulat siya.

"Mom!" napaupo ako dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Wala akong lakas. Tanging Mom lang ang kaya kong bigkasin.

"Wane bakit? Anong nangyari? May masakit ba kayo?" sunod sunod na tanong ni kuya habang hawak ang mga balikat ko.

I remember now. "Natatandaan ko na. Na..natatandaan ko na lahat Mom. Ku...kuya! N...natatandaan ko na kuya! Kuya!" nawalan na ako ng lakas at bigla nalang akong bumagsak sa bisig ng kuya ko.

_____________


Nagising ako nasa higaan na ako. 4 AM na at Thank God at walang pasok. Paano ko haharapin si Ashley ngayon etong nakakaalala na ako? natatakot ako sa kaniya kung nagawa niyang sirain ang buhay ko noon ay alam kong magagawa niya ulit 'yan ngayon.


'Bakit pa kasi kailangan mo pang pumasok sa kung saan ako pumapasok'


"Wag mo na muna isipin yan. Kapag bumalik na ang mga alaala mo ikaw mismo ang lumapit sa akin."


Bigalang pumasok saakin ang sinabi ni Kaide. I think I need I need to tell him.


'No don't'


Hahawakan ko na sana ang cellphone ko ng biglang pumasok yan sa isip ko. I need to pretend. Kailangan kong mag kunwari nalang para mas maging madali sa lahat lalo na sa kanila. Bumangon na ako para gawin ang morning routines ko. Ayos na sigurong hayaan nalang na si Mom, Kuya at Dad ang may alam ng totoo. Kailangan ko din sabihin sa kanila na iyon ang gusto ko. Pag katapos na mag ayos ay bumaba na ako at si kuya ang naabutan ko sa dining.

"Good morning sista." masayang bati ni kuya sa akin.

"Hindi ka ganyan nung wala pa akong memory." pambungad ko sa kaniya.

"At hindi ka rin ganyan nung wala kang memory. Tss" tinawanan ko nalang siya at dumiretso na ako sa tabi niya at umupo.

"Where's Mom?" I need to tell them my plan.

"Work. Maaga siya pumasok ngayon."

"Ahhh..." ani ko habang Kumakain. "By the way ang aga mo naman po nagising? 5:30 lang ah!"

"Eh syempre alam kong babangon ka ng maaga. Sasama ako sa pag jog mo."

"Gusto ko mag bike kuya."

"Wala pa yung bike mo. Naiwan natin sa bulacan." sinimangutan ko nalang siya at kumain na. Pagkatapos kumain ay nakita kong nakaayos na si kuya. 6 na ng umaga kaya alam kong sumikat na ang araw. Ang lamig dito ang lakas ng hangin. Nakakagaan sa pakiramdam ang kapaligiran.



"Oh kumusta ka naman" tanong sa akin ni kuya. Habang nag jojogging kami sa subdivision.

"Ok naman po. Bumalik na ang alaala ko. Hindi ko na kailangan masyado mag isip ng kung ano ano."

Unknown LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon