CHAPTER 20

30 1 0
                                    


KAIDE'S POV

Hindi ako pumasok sa klase ko dahil iniisip ko kung bakit hindi pumunta si Cassandra sa meeting place namin. Inabot ako ng gabi kahihintay sa kaniya.

Tinignan ko ang oras at 10:30 na, 1 hour break na namin. Dalawang subjects ang hindi ko pinasukan dahil alam kong hindi rin ako makakapag focus. Nandito ako sa rooftop dahil iniisip ko parin  kung paano malalapitan si Wane. Alam kong nilalayo siya sa akin ni Mikael.


"Are you sure na hindi mo ako naaalala?" isang pamilyar na boses ang narinig ko sa hindi kalayuan. Nakatago ako sa may tanim na mga halaman kaya hindi nila ako nakikita.

"Ano bang sinasabi mo? Ngayon palang kita nakita. Sinundan kita dito kasi akala ko importante ang sasabihin mo."

"Importante naman talaga ang sasabihin ko ha."

"Then say it!" matapang na sabi ni Wane. Sana ganyan siya katapang kapag bumalik na ang mga alaala niya.

"Ikaw ang dahilan ng lahat! Kasalanan mo! Kasalanan mo kung bakit namatay ang kaibigan mo! Kasalanan mo kung bakit nahihirapan ako pumasok sa mga university! Kasalanan mo!" tumayo na ako dahil nararamdaman kong nagkakatensyon sa kanilang dalawa at nakita kong tinutulak ni Ashley si Wane papagitna na sana ako ng biglang hawakan ni Wane ang braso ni Ashley.

"What did I do to you?" sabi nito habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ni Ashley.

'That's my girl'

Nang akmang sasampalin ni Ashley si Wane gamit ang kabilang kamay ay agad akong lumapit at hinawakan ito.

"I'm sleeping." walang emosyon kong sabi.

"Kaide? Really? Kahit saan si Wane palagi kang kasama?" inis na sabi ni Ashley.

"I don't know who you are. Pero eto lang ang masasabi ko. Kung isa ka sa dahilan kung bakit ako nawalan ng memorya hindi kita uurungan." matapang na sabi nito at binitawan ng pahagis ang braso ni Ashley at umalis.

Binitawan ko narin ang kamay ni Ashley at sinundan ni Wane. "Wane! Cas Wane!"

"At sino ka? Bakit kilala mo siya? Bakit kilala mo yung babaeng yon? Bakit pati si Mikael kilala mo?" sunod sunod niyang tanong sa akin.

"Do you really want to know?" isang tango lang ang sinagot niya.

"Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sayo sana mapagkatiwalaan kita." ani nito.

"Pupuntahan kita sa inyo mamaya. Huwag mong papapuntahin ang mga kaibigan mo lalo na si mikael. Huwag ka na muna magtanong sa akin, hindi tayo pwedeng magtagal na magkasama dito sa school may mga matang naka paligid sayo. Sasabihin ko sayo lahat mamaya." sabi ko at ginulo ng kaunti ang buhok niya at umalis na.

Napangiti ako dahil meron parin siyang tiwala sa akin. Kailangan ko ng tapusin ang laban na to. Please Wane, bilisan mo makaalala ikaw lang ang makakatulong sa akin.



WANE'S POV

Maingay na ngayon ang mga estudyante dahil naguumpisa makabuo ng circle of friends ang halos sa karamihan.

"Cas Wane wala ka talagang naaalala? Ang lupit ngayon lang ako nakaencounter ng taong may amnesia." ani ni Jerome na nagpatawa saakin.

"Hoy! Wag mong pagtripan yang si Wane ah!" masungit na sabi ni Mikael.

"Hindi naman ang sungit mo." ani Jerome at bumalik na sa upuan niya. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang adviser namin na may kasamang bagong estudyante.

Unknown LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon