WANE'S POV
Kinabukasan maaga akong pumasok dahil kailangan din ni kuya na umaga pumasok. Parang gusto ko na rin tuloy magkaroon ng sariling sasakyan para hindi ko na kailangan sumabay kay Kuya.
"Good morning Cas Wane." bati saakin ni Cassandra.
"Good morning Cassandra." sagot ko at tumabi siya sa akin.
"Ang tagal alam mo ba yon? Excited na akong marinig ulit na tatawagin mo akong Sandra."
"Owww. Im sorry, sana wag kayong magsawang hintayin ako." pagsisinungaling ko. I feel bad for them hindi ko masabi sa kanila ang totoo.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Dont worry Wane andito lang kami ni Mikael para sayo..." ani nito at bigla siyang napatigil.
"Why?" tanongko.
"Hmm nothing. I just find myself thinking about Kaide." nagulat ako sa sinabi niya.. Did she like Kaide?
"Do you like him?"
"No. But hindi mo ba napapansin? Parang meron siyang gustong sabihin sayo. Alam mo ba nung first day mag uusap sana kami ang kaso wala siya sa meeting place namin." hindi ako nakapag salita. "Actually ganito yon. Nung una magkikita talaga dapat kami sa burnham ang kaso bigla siyang nagtext sabi niya nakitext daw siya and sa public soccer field nalang daw kami magkita and yon, hindi naman siya sumipot."
"Bakit?" tanong ko.
"I dont know pero I feel something weird. Bakit kailangan pa niya makitext diba? Argg I dont know." ani nito at yumuko sa desk ko. "Sa tingin ko may iba kay Mike."
"What do you mean?"
"Wane ewan ko ah pero tingin ko yung common sense mo at yung talino mo nawala din. Hindi mo ba napapansin? Nilalayo ka ni Mikael kay Kaide. Tingin ko lang ah."
"No, I dont."
Sabay kaming napatingin ni Cassandra kay Mike. "Oww anjan ka pala hehe."
"Binabackstab mo ba ako? Hindi ko naman nilalayo si Wane kay Kaide and hindi mo ba napapansin yung mga sinasabi ni Kaide? Out of line masyado." inis na sabi ni Mike.
"Chill, hindi ko naman sinasabi na nilalayo mo talaga, sa tingi ko lang naman." sagot ni Cassandra. "Jaan ka na nga nakakainis ka. Guilty ka ba?" she said and leave. Tinignan ako ni mike at binigyan ko nalang siya ng isang ngiti. Mike said is true. Out of line na masyado yung sinasabi ni Kaide at hindi na talaga maganda.
Dumami na ang mga pumapasok sa room namin at nag umpisa na ang klase nagdaan ang mga oras at nag 1 hour break na. Hindi na ako lumabas at nakayuko lang ako at naisipan matulog pero hindi ako nakatulog. Tiningala ko ang ulo ko at may nakita akong isang babaeng nakatingin sa akin mula sa labas. Tumayo ako at pinuntan ang babae pero nakalayo na siya agad.
'Who is she?'
Hindi na ako pumasok sa loob ng room at dumiretsyo na sa CR habang naghuhugas ng kamay may isang pamilyar na boses akong narinig.
"Masaya bang niloloko mo ang mga kaklase mo Cas Wane?" tinignan ko mula sa salamin ang may ari ng boses na 'yon at si Ashley.
"Ikaw? Masaya bang pinatay mo sa galit ang former classmate mo?" i said sarcastically.
"That's not me. Ikaw ang pumatay sa kaibigan mo. Ow by the way, hintayin mo lang mamayang lunch merong lalabas na nakakaginbal na balita haha." she said while washing her hand.
BINABASA MO ANG
Unknown Love
Teen FictionSHE was weak, SHE was emotional, SHE was nothing until HE came to her life and HE change all of it.