CHAPTER 10

33 1 0
                                    


WANE'S POV

Weeks. Linggo na ang nakalipas simula ng manalo ako at hanggang ngayon curious parin ako sa pagitan ni Kaide ni Kuya at nung babae. Sa totoo lang wala talaga akong pakielam dapat kaso binigyan ako ni kuya ng dahilan para mangialam sa nangyari sa kanila noong nakaraan.

*FLASHBACK*

Araw ng sabado at andito ako ngayon sa kwarto, walang magawa. 11 na ng umaga at mamaya ay tatawagin na kami ni mom para kumain. Tama! Bakit hindi kaya ako ang magluto ng tanghalian. Mabilis akong tumakbo at pupunta ng kusina para magluto pero napa hinto din ako ng si kuya ang nakikita kong nagluluto.

"What are you doing?" I ask and get a piece of apple

"What the f*ck Im doing Cas Wane? What you think Im doing?.... Im dancing yeah!" natawa ako ng bigla niyang ikembot ang bewang niya habang nagluluto ng friedrice.

"Eh bakit ka nga nagluluto? Anong meron? Saka bakit ang konti niyan? Ang selfish mo alam mo yon? Kasi nagluluto ka for you lang!" halos pang kaniya lang talaga ang niluto niya. Eh paano kami kakain ni mom?

Hindi na ako nagsalita at inintay nalang siya matapos magluto dahil ako nalang ang magluluto para saaming dalawa ni mom. Napatayo ako at lumapit sa kaniya para tignan kung ano ang ginagawa niya. Nilalagay niya sa taperware ang lahat ng niluto niya. Fried rice, hotdog, meron pang soup na nilagay sa isang malaking tumbler na parang telmo.

"What are you doing?" I ask

"Cas Wane just stop asking ok? Alam mo naman kung anong ginagawa ko diba? Kasi nakikita mo..." tinignan ko siya ng masama. Daig pa niya babaeng may buwanang dalaw.

"Dylan Wyatt what did I do to you!? Galit na galit ka sa akin parang ang laki ng kasalanan ko sayo ha! Edi saan ka nalang pupunta!"

"Do you remember the girl we saw last morning? Dadalin ko 'to sa kaniya" Ahh yung babaeng ang hinahanap ay si Kaide.

"May I ask a question kuya?"

"What is it Bunso?"

"Is You, Kaide, and that Girl related to each other?" biglang nawala ang ngiti niya saakin.

"Dont mind it, we're not related"

"But kuya when we saw her she's going to say Kaide but she stop because hindi tayo si Kaide."

"I told you sister we are not relate..."

Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. "But kuya? Si Kaide Vergara lang ang kilala kong Kaide dito sa subdivision at saka naguusap kayo ng ibang lengguwahe. Si Kaide din gano..."

"Cas Wane!" nagulat ako sa malakas na sigaw na yon. Bakit siya nagagalit ng ganito? Im just asking lang naman. "Just stop asking ok? First of all just understand kuya kasi first time ko magluto and second I will not answering your question kasi... ayoko lang" napahinto siya sa sinabi na niya na 'yon.

"Edi si Kaide nalang tatanungin ko." hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagumpisa na akong magluto. Kahit magkalapit lang kami ni kuya ay hindi ko siya pinapansin hanggang sa matapos ako magluto. Sinigang na baboy ang niluto ko dahil nag kecrave ako sa maasim at sabaw. Naghahain na ako at tinignan ko si kuya na tapos na at lumabas na sa kitchen.

"Im going!" narinig kong sigaw niya at pag andar ng kotse niya. Nainis ako dahil nagsisikreto na si kuya sakin. Sabi niya hindi daw siya magsisikreto sa prinsesa niya tapos ngayon ayaw niya sabihin. Kung anong meron man sa kanila, aalamin ko yon.

Unknown LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon