Sais

1.7K 68 0
                                    

**Alex POV**

"Hello.." masiglang sagot ni Evelyn sa tawag ko.

"Kumusta ka na?" tanong ko sa kanya.. Dalawang araw na rin kasi siyang hindi pumapasok..

"Ok lang ako.. May pinuntahan lang kasi kami nina Mama kaya hindi pa ako pumapasok.."

"Sigurado ka ba diyan? Baka may sakit ka lang at ayaw mo lang sabihin.."

"Ok lang talaga ako.. Baka bukas o sa makalawa ay makakapasok na ako.."

"Sige.. Palagi kang mag-iingat diyan.. Ok?"

"Sige.. I will.."

"Ok.. Bye.. Labyu.."

"Labyou too.. Ikaw din mag-iingat.."

Ibinulsa ko na cellphone ko at pumasok sa classroom.. Nadatnan ko si Xeira na nagbabasa ng kanyang libro..

*****

**Xeira POV**

"Hi.." nakangiting bati sa akin ni Alex at papalapit siya sa kinauupuan ko..

Binawi ko na lang ang aking tingin sa kanya.. Isinara ko ang librong binabasa ko at tumayo para lumabas ng classroom.. But, isang step ko pa lang ay bigla akong natapilok..

Bigla akong bumagsak sa dibdib ni Alex.. Napangiwi pa siya sa hindi inaaasahang impact.. Bigla na lang akong nanggilalas nang bigla niya akong hapitin sa baywang.. Agad ko namang ikinalso ang mga kamay ko sa kanyang dibdib para maitulak ko siya.. Pero naging balewala iyon nang maamoy ko ang bango niya.. Tuluyan nang nanghina ang mga kamay ko at kusang bumagsak ang mga iyon..

"What are you doing?"

Bigla kong naitulak si Alex nang marinig ang nagsalita mula sa pintuan.. Nang napatingin ako doon ay nakita ko sina Erika at Yael na nakatayo doon.. Both of them are looking at us suspiciously..

"Ah.. kasi.." sabi ni Alex pero hindi rin niya naituloy..

"Kasi ano?" ulit ni Erika na nagsimulang lumapit sa amin..

"Bigla kasi akong natapilok.. Inaaalalayan lang ako ni Alex na tumayo.."

"Really?" sabi ni Erika na tila hindi pa rin kumbinsado.. "Parang iba ang nakita ko.."

"Erika, nasabi na ni Xeira ang nangyari.." wika dito ni Yael.. "Umalis ka na dito at pumunta na sa room mo.."

Hay.. Thanks naman Yael.. Gusto kong sabihin..

"Ok.." sang-ayon ni Erika.. "Bye you all.."

"Thank you.." sabi ko kay Yael for saving me from a hot seat situation..

"Next time, if you make out, never do it in this classroom.. Maraming makakakita.."

Ano daw?? "WE'RE NOT DOING ANYTHING!"

But Yael ignored me and just sat down at his seat.. Si Alex naman ay tawang-tawang nakatingin sa akin.. Gosh! He's really a selfish crazy monkey.. Padabog na rin akong umupo sa aking upuan..

*****

"Malapit na tayong magpresent sa music pero wala pa tayong seryosong practice.." For the first time na sabi ni Alex.. Himala yatang bigla siyang naging concerned sa requirement naming iyon sa music..

Nagtinginan muna kami ni Yael saka muling tumingin kay Alex..

"Whoah! May masama ba sa sinabi ko.."

"Nuh-uh!" sagot ni Yael na muling tumingin sa akin saka ibinalik din ang tingin kay Alex.. "Have you eaten something?"

"Yeah.. Actually, nakadalawa na nga ako ng burger.."

"Tsk.. Slow naman nito.. I mean, bakit bigla kang naging concern sa requirement natin sa music.. Dati naman wala kang pakialam.."

"Hoy Yael! Ang sakit mo namang magsalita! Anong hindi concerned? Araw-araw ko ngang ina-anticipate kung ano na ang gagawin.."

At ayan na naman po sila.. May LQ na naman.. Minsan, hindi ko talaga maiwasang magduda eh.. Silang dalawa yata ang magdyowa..

Si Andro kasi, hindi niya sinasagot ang tawag ko.. Sina Chantal at Erika may pupuntahan daw.. Si Evelyn naman ewan ko kung pumasok na.. Yan tuloy nastuck ako sa dalawang bakla dito..

"Ikaw nga itong walang naitutulong sa requirement na iyon.." reklamo ni Alex kay Yael..

"Paninirang puri na yan ah.." depensa ng huli.. "We practiced once at home, remember? Nakitulog ka pa nga sa akin.."

"Eh hindi ko naman naenjoy ang pagtulog ko dahil okopado mo ang malaking bahagi ng kama at kailangan ko pang sumiksik para hindi mahulog.."

"Ikaw na nga itong malakas humilik, ikaw pa ang nagrereklamo ngayon.."

"I don't snore.."

"Yes you do.. Parinig ko pa sa iyo ang narecord kong hilik mo.."

"I hate you!"

"I hate you more!"

Aba at daig pa ang mga babae kong makaasta.. Yun, tumahimik na sila at magsusukatan ng titig na parang mga babae..

"Hoy mga bakla!" tawag ko sa kanila.. "Okay na kayo.."

"What did you call us?" They asked in unison..

"Parang kayo ang mag-on.. I didn't see you with your girlfriends doing stuffs like those.."

"Eww!" sabi ni Alex kasabay ng pag-'Yuck' ni Yael.. Tamot baklang-bakla.. Hay naku.. Buti at hindi nakikijoin si Alejandro sa ganyanan nila.. I will really freak out kung kasali siya..

"Kailan man hindi maggaganito ang isang WEIRD.." wika ni Alex na parang nahulaan ang aking naisip..

"Tama.. Mas nakakatakot nga ang mga trip ni Andro.." sang-ayon ni Yael..

"Oh! Bakit nasali si Andro sa usapan?"

"Bakit kasi iba ka makatingin? And before I forgot, ikaw, Xeira ang palaging nagsasabi na sa inyo tayo magpapractice pero hindi naman natutuloy.."

"Palagi ko kasing nakakalimutang magpaalam... Promise magpapaalam na rin ako mamaya.."

Magsasalita pa sana si Alex but Chantal and Erika arrived..

"Hey guys!" masayang sabi ni Chantal na may bitbit na isang box ng big pizza..

Inilapag nito sa aming mesa at sabay silang nakiupo ni Erika..

"Bakit? Anong meron at nagdala kayo ng ganyan?" tanong ni Alex sa mga ito..

Si Yael naman ay nakatingin lang sa todo-ngiting si Erika..

"Anniversary kasi ng dalawang to kaya naisipan ni Erika na manlibre.."

"What??" Makaviolent reaction naman itong si Alex.. Akala mo siya ang boyfriend eh.. "Yael, is that true?"

"Yes!" sagot ni Erika bagaman hindi siya ang tinatanong.. "Jelly ka Alex? Jellyng jelly.."

Si Yael ay wala pa ring reaksiyon..

"Hoy Yael, don't tell me that you forgot about it.." putol ko sa pugmumuni-muni nito..

Biglang nawala ang mga ngiti ni Erika na parang nasaktan.. Bigla na lang tumayo si Yael, lumapit kay Erika, at hinila ang mga kamay nito.. Kinalakadkad nito ang babae palayo sa amin..

"Don't mind them guys.." turan ni Chantal.. "Let's just mind the pizza.. Anyway, bakit wala sina Andro at Evelyn?"

"I don't know.. Hindi sinasagot ni Andro ang tawag ko.."

"Sabi sa akin ni Cas, nakapasok na daw si Evelyn.." patuloy ni Chantal..

"Huh?" gulat na bulalas ni Alex.. "She never informed me.."

"Don't mind them also.." Chantal repeated.. "Let's just mind the pizza.."

John Alexander: PLAYFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon