**Xeira POV**
(Ang Bundok Sanctuario na nabanggit sa chapter na 'to at sa susunod na mga kabanata ay bunga ng malikot na imahinasyon ng author.)
Tuloy na tuloy ang pag-out of town ng aking klase. Napagdesisyunan ng committee na sa Bundok Sanctuario sa isang probinsiya sa norte ang aming pupuntahan. Our vacation is more like a retreat. It is an all-in-one adventure. Mounting climbing, hiking, nature hunting, camping, etc. made into one.
Bibiyahe kami sa unang araw ng sem break. Call time is six A.M. Meeting place is at school.
Dahil sa excitement ay maaga akong nagising sa araw ng aming biyahe. Nagpresinta ang ama ko na siya ang maghahatid sa akin sa school. Pagdating namin sa school ay halos kumpleto na rin ang aking mga kaklase. I kissed my Dad goodbye and got off from his car.
"Hi Xeira."
"Good morning gov."
Masaya akong binati ng aking mga kaklase. Pagpatak ng alas seis ay hinikayat na kami ng aming mga chaperones/guides to form a line at para makahanap na rin kami ng aming kaupo sa bus sa boung biyahe.
Halos lahat na sila ay may nahanap nang kaupo except me. Agad akong lumapit kay Yael to ask him. "Yael, tayo na lang magkaupo."
He just gave me an apologetic smile. May kaupo na pala siya.
"I'm sorry Xeira."sabi sa akin ni Jennah na siyang makakaupo ni Yael. "Ibinilin kasi sa akin ni Erika na bantayan itong pinsan ko." Natatawa nitong sabi.
Napatawa na rin ako sa tinuran niya. Nakalinya na kami at ako lang ang walang kaupo. Isa-isang tinawag ang aming mga pangalan.
"Veneracion, John Alexander."
Bigla ko siyang hinanap nang marinig ang pangalan niya. Muntik ko nang makalimutan na kasama din siya sa biyahe. Inikot ko ang aking paningin at medyo nadismaya nang hindi ko siya mahanap.
Ilang beses na rin nilang tinawag ang kanyang pangalan pero talagang wala siya. Pinapasok na lang kami sa bus. Si Alex lang ang hindi namin kasama ngayon.
Nang makaupo na kami ay ibinigay ng isa naming guide ang mga instructions sa biyahe.
"OK. That's all guys. We are about to leave and enjoy your trip."
"Wait!"
Lahat kami ay napatingin sa labas nang makarinig kami ng sigaw. Alexander is running towards us. He jumped in the bus and exhaled deeply.
Lumapit sa kanya ang guide na nagbigay ng instruction kanina. "You must be Mr. Veneracion."
Tumango si Alex.
"Go and sit with Ms. Navarro. Siya lang ang walang kaupo."
"Yes sir."sagot ni Alex at hinanap ang kinaroroonan ko. He is smiling widely nang makita niya ako.
"Hi."bati niya sa akin pagkaupo niya.
"Hello." I answered sincerely.
"Muntik na akong maiwan."
"Yeah. Buti at mabilis kang tumakbo."
"Bakit wala ka palang kaupo kanina?" He asked innocently.
"I was waiting for you."biro ko.
Lumapad naman kaagad ang kanyang ngiti. "You sure?"
"Of course, joke. Wala lang talagang may gustong makaupo ako."
Malapad pa rin ang pagkakangiti niya. "Must been destined na tayo ang magkaupo."
"Tss. Ang korni mo!"
Tumawa lang siya ng tumawa. "Bakit? Hindi ka naniniwala?"
"Nope. Kaya tumigil ka na."
"Anyway, nandito ba si Yael? I haven't seen him."
"Yeah. Kaupo niya ang kanyang pinsan na magbabantay sa kanya for Erika."
"Loko talaga 'yung Erika na 'yun."
"I know. Ikaw nga daw ang dapat layuan ni Yael baka tuluyan na daw kayong magkadebelapan."
Natawa ako nang makita ko ang kanyang reaksiyon. Bigla siya kasing natigilan at napatitig sa akin. "Seriously?"
"Haha. Siyempre joke lang yun. Wala naman yatang magagawa si Erika kung mas close pa kayo ni Yael kumpara sa kanila."
"Yeah right." He just said laughing.
"Anyway, kumusta na kayo ng kapatid mo?"
Muli siyang natigilan dahil sa tanong ko. Nawala ang tuwa sa mukha niya at napalitan ng lungkot.
"We're not yet fine. Nalaman nina Mom ang aming hindi pagkakaintindihan. They punish Andro for it."
Namilog ang mga mata. "What do you mean?"
"They did not allow my brother to go to a vacation. Naiwan siya sa bahay."
Bigla akong naawa sa boyfriend. "You should fix your misunderstanding pagkabalik natin."
"Yeah. We really need to." sabi niya. Muling bumalik ang tuwa sa kanyang mukha."Anyway, ilang oras daw ang biyahe natin?"
"Eight hours."
"That long?"He look at me meaningfully. "Eight hours din pala kitang makakaupo. Baka magsawa ka sa akin."
My hand reached for his ear. Piningot ko iyon. "Silly. Why would I be?"
"Malay ko. Ang alam ko lang kasi ay inis na inis ka sa akin. Bakit bigla kang nag-iba ngayon?"
"Narealize ko lang na walang patutunguhan ang pagkainis ko sa iyo kung itutuloy ko iyon. Isa pa, ikaw din naman ang dahilan ng vacation na ito. Without your dedication, baka hindi tayo nakathird place sa competition na iyon."
He smiled widely again. Tuluyan na rin akong napangiti. Umiwas ako ng tingin sa kanya at bumaling ako sa labas. Naramdaman ko ring sinundan ng kanyang tingin ang aking tinitingnan. We became silent for a moment.
"This is gonna be a very long day." komento niya pagkatapos magpakawala ng isang buntong-hininga.
Napansin ko lamang na ipinasak niya ang earphones niya sa kanyang mga tainga. Sumandal siya sa headrest ng upuan at marahang pumikit.
Ginaya ko rin ang ginawa niya dahil inaantok na rin ako.
After two hours..
Bigla na lang akong nagising upang mabigla lamang nang madiskubreng nakasandal ako sa balikat ni Alex. Nakahilig din ang ulo niya sa akin.
Ililipat ko sana ang ulo ko sa kanang banda pero napansin kong mahimbing at payapa ang kanyang pagtulog. Muli akong napapikit at hinayaan ang aming pagkakadikit.
"Sshhh! Huwag kang maingay. She's sleeping very soundly."
Nagising ako nang marinig ko ang mga sutsot sa paligid. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Nakita ko sina Yael at Alex na nagbubulungan. Saka ko marealize na nakahinto na pala ang bus. Kaming tatlo na lang ang naiwan sa loob.
"S-saan tayo?" I asked them lazily.
"Stopover for lunch." sagot sa akin ni Alex. "Want to eat some?"
Tumayo na rin ako at sabay kaming lumabas. My body was greeted by the cool highland breeze.
Napansin kong isang malaking restaurant ang aming papasukin.
"May ganito pala sa ganitong lugar." inosenteng wika ni Yael.
Tiningnan ko siya at nginitian tanda ng pagsang-ayon.We joined our classmates inside and we take our lunch. Pagkaraan din ng ilang sandali ay itinuloy na rin namin ang aming biyahe.
BINABASA MO ANG
John Alexander: PLAYFUL
Teen FictionJohn Alexander is PLAYFUL- adventurous, jolly, hyper and loves fun all the time. "Mahirap talagang turuan ang puso. Mahirap talagang piliin ang taong mamahalin. Kung sino pa ang taong hindi puwede ay siya ang tinitibok ng puso mo. Mas lalo na pag a...