**Alex POV**
"Hi." bati ko kay Xeira nang magkita kami sa umagang iyon. She's wearing a simple shirt, skinny jeans, and white flip-flops. She is smiling very widely.
"Hey you!" sagot niya sa aking pagbati. Ikinawit niya ang kanyang braso sa aking kamay at nagsimulang maglakad. "Kumusta na kayo ng kapatid mo?"
"We're fine. Nagkaayos kami kagabi." Tiningnan ko siya at napansin ko ang lihim niyang pagngiti."So where are we going?"
Bumitaw siya sa pagkaabrisete sa akin at humarang sa aking dinadaraanan. Hinarap niya ako na may napakaluwang pa rin na ngiti. "Mabuti namanat nagkaayos na kayo. Puwede mo ba akong samahang magpagupit?"
"What!"Niyaya niya akong lumabas pero sasamahan ko lang pala siyang magpagupit. Akala ko pa man din date namin. "I thought we are going on a date or something."
"Actually we are. And that something is you, accompanying me to the saloon." sabi niya na hindi nabawasan ang pagkangiti."Pero kung ayaw mo, ok lang din naman."
Tssss. "Of course, I'll accompany you."
Humigikhik siya ng marahan. "Sabi ko nga."
Sa isang saloon nga ang aming destinasyon. Binati kami ng mga baklang nandoon.
"Anong sa atin, Miss Beautiful?"Abot-taingang bati ng isang bading sa pintuan.
"Magpapagupit ako ng buhok."
"At ang kasama mong si Pogi?"
"Maghihintay." sagot ko dun sa nagsalita.
"No, he will have his hair cut too." Nakangiting wika ni Xeira. Awtomatikong napatingin ako sa kanya sa nanlalaking mga mata.
"Xeira?"
"Yes, you will. Para pares tayo." sabi niya na may pagkapilya. Hindi na ako nakaangal dahil nahila na kami ng mga empleyado ng saloon at pinaupo sa harapan ng malalaking salamin.
Pagkatapos sabihin ni Xeira ang kanyang gupit sa barber ay tumingin siya sa maggugupit sa akin. "Gawin mo ang pinakabagay na gupit para sa kanya."
Tahimik na lang akong tumingin sa salamin. Good bye precious hair. Ilang buwan ko na rin itong inalagaan.
*****
"Oh my God!" bulalas ni Xeira nang matapos na akong magupitan. Mas nauna kasi siyang natapos dahil pinatrim lang niya ang kanyang buhok. "Ang guwapo-guwapo mo John Alexander!"
Tuwang-tuwa naman ang bading na gumupit sa akin. "I told you Ms. Xeira. May magic yata ang mga kamay ko."
Pagkatapos naming bayaran ang mga nararapat na bayad ay lumabas na rin kami sa saloon. Hindi pa rin makamove on si Xeira sa aking gupit dahil talagang pinaupo niya ako sa isang bench at kung anu-anong pinaggagawa sa aking mukha.
"Ok, now, smile." Sinunod ko naman ang kanyang pinapagawa. "Tingnan mo ang guwapo guwapo mo."
Ngumiti ako sa kanyang tinuran. Actually, maganda rin naman ang epekto ng trim sa kanyang buhok. Mas lalong naenhance ang kanyang kagandahan.
"Now , be serious." At muli, sinunod ko ang kanyang sinasabi. Ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi ay bigla na lang naglaho.
"Bakit?"tanong ko sa kanya.
"You look exactly like your twin when you're serious." sabi niya. Bumalik na muli ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
"Yeah.Marami na ring nagsabi niyan. I can pretend to be like him but he can never pretend to be like me."
"How come?"
"Di ba seryoso siya palagi. Kung magiging seryoso din ako ay magagaya ko siya.Kung gagayahin niya ako na isang palangiti at masayahing tao ay siya pa rin ay siya. No one would mistake him for me. As our uncle Jeffonce said Alejandro has very different smile compared to me. Marami na ring nagsabi na ang mga ngiti ko ay ordinaryo lang but my brother's are something."
Nabahiran ang maganda niyang mukha ng pagtataka. "I'm just wondering, ano ang mararamdaman mo pag palagi kayong ikinukumpara? Lalo na sa school kasi hindi maiiwasan."
"Wala, nasanay na ako. Depende siguro kung sino ang nagkukumpara sa amin. Kung ang mga mahal ko sa buhay ang nagkukumpara at si Andro ang nakakaangat, siyempre masasaktan ako. Luckily, they never compare me to him. Pero sa totoo lang, siya naman talaga ang mas nakakaangat sa amin. Mas magaling siya at isa pa, kung maglaro siya ng mga sports na mga nilalaro ko alam kong malalampasan niya ako. Ang tanging pagkapanalo ko sa kanya ay ang pagiging masayahin ko."
"Alex naman, wag mo namang masyadong pababain ang sarili mo. You are both great in your own different ways. Ang pagiging seryoso ni Andro, di ba napapakinabangan niya? Ang pagiging masayahin mo, di ba napapakinabangan mo rin?"
Hindi ko napigilan ang mapangiti. "Pareho kayo ni Evelyn. Ayaw niyo kaming ikomparang magkapatid."
"But really, you are the exact opposite of your brother. He looks so cold while you have a sunny personality."
"Pero sinong mas gusto mo sa aming dalawa?"
Tuluyan nang nagseryoso ang kanyang mukha. Matagal niyang tinitigan ang aking mukha bago nakasagot. "Kung noon mo pa iyan natanong, my answer would be Andro. But now, nalilito na rin ako. I just woke up this morning and realized that I feel something for you. I know that Andro is my boyfriend. But, i couldn't stop falling for his brother. Am I that bad, Alex?"
Natahimik ang bou kong pagkatao sa kanyang pagtatapat. Alam kong hinihintay ko ang ganitong pagkakataon but it is really different, now that this moment is really happening. Gusto kong tumalon na lang at magsisisigaw dahil sa katuwaan. But on the other side of my mind, parang may nagsasabing mali ito dahil pareho kaming unavailable.
"I don't know Xeira. I admit that I'm falling for you too. Pati ako ay naguguluhan sa mga nangyayari."
"Oh Alex." she whispered and hugged me tightly. Bumaha nang tuluyan ang pinipigilan kong pagtitimpi. Bahala na. We are just going with the flow. Kung pinaglalaruan kami ng tadhana, bakit hindi na lang kami sumabay?
Pero, ang hirap naman ng sitwasyon. Of course, ayokong agawin si Xeira sa aking kakambal. Anong klase akong kapatid kung nagkataon? "What are we going to do now?"
"Hindi ko rin alam." sagot ni Xeira. Alam kong pareho kami ng mga nasa isip. Ng mga pinangangambahan.
"Ganito na lang." pagpapatuloy niya. "Can we just forget our feelings towards each other kung magkasama tayo. Let's just pretend that we are bestfriends?"
"Xeira!"
"I know. It's not that easy. Pero, it is the best way para hindi natin masaktan sina Evelyn at Andro."
"Ok, I understand." Pilit akong ngumiti. Bahala na nga lang. "So bestfriend, saan na tayo pupunta?"
Isang napakatamis na tawa ang kanyang naging sagot.
BINABASA MO ANG
John Alexander: PLAYFUL
Teen FictionJohn Alexander is PLAYFUL- adventurous, jolly, hyper and loves fun all the time. "Mahirap talagang turuan ang puso. Mahirap talagang piliin ang taong mamahalin. Kung sino pa ang taong hindi puwede ay siya ang tinitibok ng puso mo. Mas lalo na pag a...