**Xeira POV**
"Mom, puwede bang magsleepover ang mga classmates ko dito bukas?" tanong ko kay mommy habang gumagawa siya ng cross stitch.. Lumapit ako sa kinauupuan niyang couch at nakiupo.."Sure dear.." sagot niya nang hindi tumitingin sa akin..
Tiningnan ko ang ginagawa niya at napansing iba na ang kanyang binuburda.. Natapos na pala niyang iburda ang portrait ni Elsa ng Frozen..
Mom is really an artist.. Karamihan sa components ng arts ay alam niya.. Well, except sculpture, architecture, musical, dancing and other works of art that i'm not sure of.. Sa kanya ko rin namana ang galing ko sa pagpipinta at interior designing..
"Anong design yan mom?"
Doon na siya napatingin sa akin.. "It's your boyfriend's smiling face.. I will give this to him as present.."
"Really mom?" I said in confirmation.. "That is so sweet of you.."Ngumiti siya ng napakatamis.. "Well, your boyfriend is the one who is sweet.. Marami na rin siyang naibigay na gifts sa amin ng Dad mo.. Anyway, sino pala ang sinasabi mong mag-i-sleepover?"
"Did I hear that right?" Napalingon ako kay Daddy nang marinig ang kanyang boses.. Nasa bungad siya ng sala at nakasout ng apron.. "May mag-i-sleepover sa atin?"
"Yes sweetie.. Xeira's classmates.."
"That's great.. May out-of-town yata tayo bukas.." malambing na sabi ni Dad kay Mom..
"Tigilan mo ako Rafael.."
"Eh, mommy, may kasama naman si Xeira bukas.. Magbakasyon naman tayo kahit dalawang araw lang.."
Nanlaki ang mga mata ko.. Akala ko business trip ang sinasabi ni Dad kanina..
"Sige na mommy.. Kailangan niyo ring magbakasyon.."
"Sure ka hija?"
"Yes mom.."
"Sige.." Nakangiti na ring sang-ayon ni mommy..
NapaYes si Daddy na parang bata.. "Kakain na tayo.. I'm done cooking.."
"Sige.."
*****
"Anong score natin?" tanong ni Alex kay Yael.. Katatapos lang namin ang presentations sa music.. Si Yael ang kumuha sa score namin na sinulat ni sir Kester sa one-fourth na papel.. In our presentation, Alex did the vocals.. Obviously, siya lang ang biniyayaan ng magandang boses sa aming tatlo.. I did the keyboard and Yael on the guitar..Yael unfolded the paper.. Sabay-sabay kaming napa "YES" nang mabasa namin ang 49 over 50 sa papel..
"It's so worth our efforts.." tuwang-tuwang pahayag ni Yael..
Hindi man kami ang highest dahil may nakaperfect but atleast deserving ang score namin..
"Ok class.. That's all for today.. Expect more for the days to come.."
Sabay-sabay na pumalakpak ang boung klase bago kami idismiss ni Sir Kester..*****
"Saan ka na?"
Pilit kong iniiwasan ang mapamura.. Kanina pa ako nakatayo kakahintay kay Alex.. Magmi-meet kasi kami ngayon para pag-usapan ang gagawin namin sa nalalapit na United Nations Celebration ng Stevenson.. Lahat kasi ng conception sa gagawin namin ay sa amin ni Alex naiatas..
"Malapit na.. Promise.."
Agad kong tinapos ang tawag.. Kanina pa niya sinasabing malapit na siya pero mag-tu-twenty minutes na siyang wala..
Maya-maya lamang ay may tumigil na taxi sa harapan ko.. Bumukas ang door nun sa passenger's seat at bumaba si Alex..
"Sorry.." aniya sabay bigay ng isang bar ng Toblerone sa akin..
Hindi ko na sana tatanggapin pero napansin kong sincere naman siya.. "Apology accepted.." wika ko na hindi mapigilan ang mapangiti..
"So, let's go?"
"Yeah.. Let's go.."
*****
Pumunta kami sa bahay nila at laking gulat namin dahil nandoon din sina Andro at Evelyn..Pagkatapos kaming sungitan ni Alejandro ay umakyat na ang mga ito sa taas.. Naiwan kami sa sala ni Alex na nakatingin lang sa isa't-isa..
"Let's go to my room.."
Tinutop ko ang aking bibig ng marinig ang kanyang sinabi..
He shook his head when he saw my reaction.. "Ah, I mean, doon tayo magreresearch ng gagawin natin.."
Tumango na lang ako sa kanya at sumunod sa pagpanhik sa kanilang hagdanan..
Nagsimula na rin kaming maghanap ng country na puwedeng i-exhibit..
Maya-maya ay bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan.. Tinanong ko kay Alex kung nasaan ang kanyang banyo..
Pagpasok ko sa banyo ay nagulat ako ng madatnan si Evelyn na kinakausap ang sarili sa tapat ng salamin.. Parehong kina Alex at Andro pala ang bathroom.. It's a common cr..
Kinausap ko siya at tinanong kung bakit namumula ang mukha niya.. Baka nag-away na naman kasi sila ni Andro.. Glad to hear na hindi naman subalit masakit daw ang kanyang ngipin..
Nauna itong lumabas..
"Alex.. Masakit daw ang ngipin ni Evelyn.." pahayag ko kay Alex pagkalabas ko ng banyo..
"Andro will take care of her.. She is not my responsibility this time.."
Ok.. Ang sungit naman nito..
"Nga pala, may napansin akong magandang i-exhibit.. Egypt sana.."
"Egypt is very common.."
"We'll make it different.. Magfocus tayo sa kanilang mga practices tulad ng mummification at iba pa.. We'll show how are they doing these.. Saka tayo magdagdag ng geographical aspect at iba pang features sa design.."
"Sounds great.."
"So, plan?"
"Sige.."
We resumed our work loads.. Nagcon nect ako sa facebook account ko para icheck kung may classmates kaming nakaonline.. Sakto namang nakaonline sina Jennah.. I asked their opinion about our concepts and they also gave their suggestions..
Maaga kaming natapos dahil na din sa cooperation at tulong ng mga kaklase namin..
"Sa wakas.. Design na lang ang kulang.."
"Di bale ang boung class na ang bahala doon.."
"Baba muna tayo.. Let's check kung ano ang puwede nating lunch.. Para maunahan na rin natin sina Andro.. It would be awkward if we'll join them in lunch.."
BINABASA MO ANG
John Alexander: PLAYFUL
Teen FictionJohn Alexander is PLAYFUL- adventurous, jolly, hyper and loves fun all the time. "Mahirap talagang turuan ang puso. Mahirap talagang piliin ang taong mamahalin. Kung sino pa ang taong hindi puwede ay siya ang tinitibok ng puso mo. Mas lalo na pag a...