Bente: Espesyal na araw

1.1K 47 0
                                    

**Alex POV**

Pagkatapos naming magpagupit ay kung saan-saan ako kinaladkad ni Xeira. Sinamahan ko siyang pasukin ang lahat ng mga botique sa loob ng mall. Hindi ko alam na may ganito siya palang parteng kanyang pagkatao.

Kasalukuyan kaming nasa isang botique na puro gamit ng mga babae ang mga binebenta. Parang hindi tuloy ako makahinga sa loob.

"Magpapahangin muna ako sa labas." sabi ko kay Xeira. "Tawagin mo ako pag tapos ka na."

Lumabas na ako at hinintay siya sa entrance. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng mall. Nabigla ako nang makita ko si Andro na palabas sa Watsons. Tulad ko ay tumayo ito sa entrance na parang may hinihintay. Bigla akong umiwas ng tingin nang tumuon ang kanyang paningin sa aking kinaroroonan.

Lumingon ako sa loob ng botique at napansing busy pa rin si Xeira sa pag-iinspect ng mga tinda doon. Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan siya.

"Bakit?" naguguluhan niyang tanong.

"Diyan ka lang muna sa loob. Nakita ko si Andro sa labas ng Watsons."

"Huh? Sige. Sige."

"Diyan ka lang lalapitan ko lang siya para hindi siya makahalata."

"Ok."

Ibinulsa ko na ang aking cellphone at lumapit sa kinaroroonan ng aking kapatid.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad sa kanya pagkalapit ko.

"Looking for something to buy. Ikaw? What are you doing here?"

"Ah, naghahanap rin ng puwedeng bilhin. Can I join you?"

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkagulat. Napansin kong parang hindi siya mapakali. Parang meron siyang sinesenyasan sa loob ng Watsons. Nang tumingin naman ako ay wala akong kakaibang napansin.

"Ahm, I'm afraid you can't join me now. May pupuntahan pa ako.Kita na lang tayo sa bahay." sunod-sunod na wika niya at saka tumalikod at nagmamadaling umalis. Weird!

Muling bumalik ang aking atensiyon sa loob ng Watsons. Wala naman akong kakilalang tao sa loob na puwedeng kasama ni Andro. Bumalik na lang ako sa kinaroroonan ni Xeira.

"He's gone."Parang nakahinga ng maluwag si Xeira sa nasabi ko. Hinila niya ako at nagmamadali kaming lumabas sa botique.

"Punta muna tayo sa National Bookstore. Last na 'to Alex tapos aalis na tayo sa lugar na ito."

Nasa entrance pa lang kami ng bookstore nang mapansin kong nasa loob ang aking kapatid. Agad akong bumaling kay Xeira. "Magtago ka. Nasa loob si Andro."

Pinanlakihan siya ng mga mata. Saglit lang ang kanyang pagkagulat dahil nagmamadali siyang tumalikod at ang kabilang establishment ang kanyang pinasok.

Nang makita ako ni Andro ay pumasok na ako sa loob. Muli ay parang hindi siya mapakali. Humugot siya ng isang libro sa shelves at halatang nagpapanggap lang na binabasa iyon.

"What are you doing here? Are you following me?"masungit niyang bungad sa akin.

"Nope. Nakita lang kita dito kaya pumasok ako. Sabi ko nga gusto kitang samahan." Para talaga siyang nanggigilalas everytime I speak. Napansin ko naman na tila may sinesenyasan siya sa likod pero wala naman akong makitang ibang tao. Ang weird talaga ng kapatid ko. Iwan ko na nga baka mahawa pa ako. "Sige mauna na lang ako."

Pinuntahan ko si Xeira at nagmamadali kaming lumabas sa mall.

"Sure ka bang hindi niya ako nakita?"

"Yep. I'm sure. Kung nakita ka man niya, sigurado lalapitan ka nun. Hindi ka nilapitan di ba? That means he did not see you."

"Sabagay tama ka. Kalimutan na nga natin iyon. Sama ka na lang sa akin sa bahay doon na tayo maglunch."

"Sure ka?"

"Ayaw mo?"

"Ako pa. Alam mo naman na globe ako kung kasama kita."

"Bakit globe?"

"Go lang ng go."

"Tss. Korni mo."

"Guwapo naman."

"Hmp. Sige na nga."

"Atleast um-agree ka na."

"Baliw." wika niya na natatawa.

*****

Pagdating namin sa bahay nina Xeira ay hindi namin maexpect na madatnan ang kanyang ina doon. Tuwang-tuwa itong sumalubong sa amin.

"Iuuwi mo naman pala ang boyfriend mo hindi ka man lang nagsasabi."

"Mommy!"

"Ah, Tita. Actually po." Nabitin sa ere ang aking boses dahil pinigil ako ni Xeira.

"Ano iyon, Hijo."

"Mom, hindi po siya ang boyfriend ko."

Biglang natahimik ang mommy ni Xeira at pinaglipat-lipat ang tingin sa amin.

"Anong ibig mong sabihin anak?"

"Kakambal po siya ni Andro."

Lumiwanag ang mukha ng ginang. "Sabi ko nga ba at may kakaiba sa kanya. Kayo pala ng boyfriend ng anak ko ang kambal nina Bryner at Ysabel. So, what is your name?"

"Ah, John Alexander po Tita. My parents call me Alexander and my friends call me Alex."

Tumawa ito ng bahagya. "That was exactly how Andro answered that question when I asked him. So how did you know each other?'

"We're classmates mom." Si Xeira na ang sumagot.

"Classmates that turned bestfriends po Tita."

"Oh, I like that. And from being bestfriends, what's next?" biro ng mom ni Xeira.

"Mom naman eh." Hinila ako ni Xeira papunta sa kanilang kusina. "We'll just have our lunch mom. Haharapin ka namin mamaya."

"Oh, that would be nice. Kaluluto ko lang ng paborito mo."

Pagdating namin sa kusina ay may mga pagkain nang nakahain.

"Wow! Malakas ang instinct ng mommy mo. Alam niya kaagad na pupunta tayo dito."

"Ganun talaga iyon. Palaging handa. Pasensiya ka na sa kanyang kadaldalan. Pero ayoko ang pakikisakay mo sa kanyang mga biro." Inirapan niya ako at nagpatulis ng nguso.

"Bakit? Nagustuhan niya naman ang mga sinasabi ko ah."

"Basta. Don't do that again."

Natahimik kami ni Xeira nang biglang pumasok sa dining room ang kanyang ina. "Inaaway ka ba ng anak ko?"

"Ahm, hindi po Tita."

"Bakit ang tahimik niyo?"

"Ninanamnam po kasi namin ang tamis at sarap ng luto niyo Tita."

"Pag ganyan ang mga dinadala ni Xeira dito sa bahay, hinding-hindi ako magsasawang magluto araw-araw."

Pareho kaming natawa. Si Xeira naman ay tahimik lang at nakatingin sa akin.

"Sige, kumain muna kayo diyan. Pumunta lang ako dito para kumuha ng maiinom."

Bumaling kaagad sa akin si Xeira pagkaalis ng kanyang mommy. Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan. "You have one in your side."

"What do you mean?"

"Hindi mo ba nahahalata? Mas gusto ka ng mommy ko compared to your brother."

Namilog ang aking mga bata. Obviously, hindi ko napansin iyon. "Really?"

"Yup.Let's not talk about it ok?"

Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa kanilang sala at nakipagkulitan sa kanyang mommy. Naglabas pa ito ng monopoly board at naglaro kami hanggang sa paglubog ng araw.

John Alexander: PLAYFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon