**Xeira POV**
Pagkatapos rin ng mahabang biyahe, sa wakas ay narating na din namin ang paanan ng Bundok Sanctuario. Mag-aalas kuwatro na ng hapon.
Sinimulan nilang magcheck ng attendance to make sure na walang naiwan at walang nadagdag.
"Ok kids, we will camp here for the night. Magpahinga muna tayo bago tayo aakyat ng bundok bukas. You can do all you want but we will assemble at this area at exactly 7:00 PM to take our meal."
In-assign na rin nila kung sinu-sino ang magkakasama sa mga tents. Pagkatapos ng mga announcements at instructions ay nagkanya-kanya na ang mga estudyante.
Naglakad kami nina Alex at Yael papunta sa gilid kung saan mas makapal ang mga grasses.
Walang sabi-sabi ay biglang napahiga si Yael. Sumunod na rin kami ni Alex na natatawa. Napapagitnaan namin ni Yael si Alex.
"Ang sarap ng ganitong feeling. Malayo sa stress, malayo sa problema, malayo sa mga alalahanin." sabi ni Alex.
"Malayo sa girlfriend."dagdag ni Yael.
Napahalakhak tuloy ako ng di oras. "Ang sama-sama mo Yael. Bakit mo palaging ginaganyan si Erika?"
"Don't be fooled by him." wika sa akin ni Alex. "Sa totoo lang, mahal na mahal niyan si Erika. Nakiusap pa nga yan sa teacher natin kung puwedeng magsama ng hindi natin kaklase."
"Hoy Alex! Huwag kang mag-imbento."
"Ah huh? So, ako na ngayon ang gumagawa ng kuwento?"
"Tama na iyan." Natatawa kong awat sa kanila. "Don't worry Yael, si Alex ang paniniwalaan ko."
Sabay-sabay kaming tumawa. Nagpatuloy kaming nagkukuwentuhan habang nakahiga sa damuhan. Hindi namin alintana ang mga sigawan at ingay ng aming mga kaklase.
"Guys, picture muna tayo."sabi ko ng maalala ang monopod na aking hawak-hawak. Inilagay ko doon ang cellphone ko. Ilang sandali na lang ay kung anu-anong ginagawa naming pose habang nakahiga. Tinatawanan din namin ang mga nakuhang shots.
"Inaantok ako." Mamaya ay sabi ni Alex. Sa totoo lang ay kami din ni Yael. Itinulog na lang namin ang aming pagod sa biyahe.
"They're so cute."
"Sshhhh! Wag kayong maingay baka magising sila."
"Picture an mo dali."
Napagising ako dahil sa flash ng camera at mga nagsusutsutan sa paligid. Napansin kong napapalibutan kami nina Alex ng aming mga kaklase. Mahimbing pa rin ang tulog nila ni Yael. Tumayo ako at sinamahan ang mga classmates kong picturan ang dalawang natutulog na lalaki.
Mamaya ay nagmulat ng mata si Yael. Sabay -sabay naming itinago ang mga hawak-hawak na mga camera at mga cellphones. Sumunod na ring nagising si Alex.
Dahil pagabi na rin ay muli kaming pinagkumpol ng aming mga guides/leaders. Pinakain na kami ng aming supper. Pagkatapos naming kumain ay sinindihan nila ang nakahandang mga kahaoy para sa bonfire. Kanya-kanya kaming humanap ng puwesto at pumagitna sa bonfire.
"Children." sabi ng isa naming guide. "You can do whatever you like this night. But be sure to be on your own tents at exactly 10:00 P.M. Walang lalayo sa camp, walang magsisigaw, at walang magkakalat."
Sunod-sunod na sumang-ayon ang mga estudyante. Lahat kami ay nakapalibot pa rin sa apoy.
"Let's play." mamaya ay saad ng isa naming lalaking classmate. Umoo kami .
BINABASA MO ANG
John Alexander: PLAYFUL
Teen FictionJohn Alexander is PLAYFUL- adventurous, jolly, hyper and loves fun all the time. "Mahirap talagang turuan ang puso. Mahirap talagang piliin ang taong mamahalin. Kung sino pa ang taong hindi puwede ay siya ang tinitibok ng puso mo. Mas lalo na pag a...