Bente Uno: Twin Problems

1.2K 39 0
                                    

**Alex POV**

Umuwi na rin ako kaagad pagkatapos namin ang paglalaro ng monopoly kina Xeira. Pakanta-kanta pa akong pumasok sa bahay.

"Hindi mo kasama ang kapatid mo?"nagtatakang bungad sa akin ni mommy.

"Hindi po. Bakit?"

"Wala pang umuuwi sa kanya. Nagsisimula na akong kabahan. Alam mo namang hindi palalabas si Alejandro. At ngayon ay gagabihin na naman siya sa pag-uwi." nag-aalalang wika nito.

"Mom? Seriously?" tanong ko dahil hindi ako makapaniwalang natatakot ito sa ginagawa ni Andro. "Matanda na iyon. Mas matanda nga sa akin ng limang minuto. Ayaw niyo bang magbago naman siya ng personalidad? Saka na lang kayo kabahan mommy kung mas lumalala ang pagiging introvert niya."

"Alex! Hindi introvert ang kapatid mo! Kayo talagang magkapatid, kung anu-ano ang tinatawag niyo sa isa't-isa."

Napailing na lang ako sa kanyang sinabi.

"Teka, ikaw ba Alexander ay may alam sa pinaggagagawa ng kapatid mo?"Nakapamaywang na si mommy at hinihintay ang aking sagot.

"Wala po. Pero nakita ko siya kaninang tanghali. Nagmall po ang dakilang si Alejandro."

"Really!"bulalas ni mommy. Tuwang-tuwa itong malamang nagmall nga ang panganay nito. "Now, tell me, anong ginagawa niya sa mall."

"Nakatayo sa labas ng Watson. Nang makita ko muli ay nakatayo sa harapan ng mga shelves sa National Bookstore. Hindi pa nga siya makausap ng maayos."

"Alex hah, ayaw kong sinisiraan mo ang iyong kapatid."sermon nito sa akin.

"Aba'y hindi ko alam mommmy. Basta ang alam ko, nagsasabi ako ng totoo."

"We're home."

Napalingon kami ni mommy sa pinagmulan ng boses. Nakita namin si Dad na nakatayo sa likod ng pintuan. Kasunod nito si Alejandro.

"Buti naman at magkasama kayong umuwi." sabi ni mommy sa mga ito.

"Hindi kami magkasabay. Nadatnan ko iyan sa gate na lumalabas ng taxi." Napatingin sa akin si Dad. "You're hair cut is good. Bagay sa iyo."

Napansin kong napatingin sa akin si Andro. Hindi siguro nito napansin kanina.

Lumapit si Dad kay Mom. As usual, naghalikan na naman sila. And as usual, umiwas na naman kami ng tingin ni Andro.

"Sige na boys, umakyat na kayo at magbihis. Ihahanda lang namin ang hapag-kainan."

*****

Nagkatinginan kami nina mommy at daddy habang kumakain. Pareho kaming nagtataka sa nangyayari kay Alejandro. Nagkakamay lang naman siyang kumakain!

Nakakapagtaka talaga. Siya nga noon ang laging sumisita kay Yana pag nakakamay ito. At hindi lang iyon ang nakakapanibago. He is smiling while taking in his food. Weird talaga. Napatigil siya sa pagsubo. Naramdaman niya marahil ang pagkatingin namin sa kanya.

"Why? Masarap ang magkamay." wika niya at ipinagpatuloy ang pagsubo.

"Mom, si kuya oh?" sumbong ni Yana kay mommy. "Nagkakamay, di po ba pinagbabawalan niya ako dati?"

"Hayaan mo na siya Yana. Kung gusto mo magkamay ka rin."

"Talaga mommy."

"Oo anak."

Binitiwan na rin ni Yana ang kutsara't tinidor nito at nagkamay na rin.

"Ikaw Alex?"tanong sa akin ni Dad. "Hindi ka rin ba magkakamay?"

"Nah, I'm good."

*****

Pagakalipas ng mga araw ay mas marami pang nadadagdag na kakaiba at pagbabago sa aking kapatid. Pasukan na naman namin. Nang lumabas kami ni Andro para sumakay ay nanggilalas ako nang hilahin niya ako at pinasakay sa isang jeepney.

Tawang-tawa siya sa aking reaksyon. Feeling ko tuloy nagkapalit kami ng pagkatao. Siya na kasi ang tila nang-aasar sa akin. Para bang ako na ang pinaglalaruan sa aming dalawa.

"Kailan ka pa natutong sumakay ng ganito?" nagdududa kong tanong sa kanya.

"Matagal na."

Matagal na siyang sumasakay ng ganito? First time ko pa ngayon. Hindi ko kasi pinapayagan si Evelyn nung pinipilit niyang sa jeep kami sasakay noon.

Hindi ako komportable lalo pa at pinagtitinginan kami ng mga tao. Samantalang itong katabi ko ay tila sanay na sanay na. There's really something that is happening to him. And I want to find that out.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makababa kami sa tapat ng aming school. Naghiwalay na rin kaming magkapatid para pumunta sa kanya-kanyang classrooms.

Nagkaroon na rin kami ng reunions na magkakaibigan. Meron ding nadagdag na isa sa amin. His name is Tristan Lagman. Classmate nina Andro at Evelyn. Doon namin napansin ang pagtingin ni Chantal sa lalaki.

Lumipas pa ang ilang mga araw na kami ni Xeira ang palaging magkasama. Hindi na rin sila madalas na magkasama ni Andro. Kami rin ni Evelyn ay hindi na masyadong nagsasama.

"Alex, I just want to ask something." Si Yael ang nagsasalita. Kasama ko siya ngayon na kumakain sa canteen.

"Ano 'yon?"

"Ano ba talagang meron sa inyo ni Xeira? Kayo naman ni Evelyn ang magkasintahan at sila naman ni Andro. Bakit napapansin kong parang nababaliktad yata? Parang kayo na ni Xeira ang magkasintahan."

Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya.Sumusubo pa rin siya ng kinakain niyang spaghetti habang hinihintay ang aking sagot.

Nang hindi ako sumagot at nakatitig lang sa kanya ay muli siyang nagpatuloy. "Kung ako sa iyo, kausapin niyo kaya muna sina Evelyn at Andro. Mas mabuti pang malaman nila ang nangyayari kaysa naglilihim pa kayo ni Xeira."

Tahimik lang akong nag-iisip. Ito na nga ang aking kinakatakutan, ang may magpapamukha sa akin na mali ang aking ginagawa.

"I'm sorry Alex. I don't want to interfere. Pero ang kapakanan niyo rin ang iniisip ko."

"Ok."maikli kong sambit.

Napatingin sa akin si Yael. Sa isang tingin niyang iyon ay alam kong naiintidihan niya ako.

Pagkatapos ng usapan namin ni Yael ay biglang hindi ako mapakali. Paulit-ulit na nagrereplay sa aking utak ang kanyang mga sinabi. Kaya bago pa matapos ang araw na iyon ay nagdesisyon akong kausapin si Evelyn.

Pagkatapos na pagkatapos ngaming klase ay dumiretso ako sa classroom nina Evelyn para hintayin siyang lumabas.Natapos na rin ang kanilang klase pero hindi pa rin siya lumalabas. Nakatayo lang sila sa tabi ng upuan nila. Kasama niya sina Andro at Tristan at mayroon silang pinag-uusapan.

Napangiti si Evelyn at kumaway nang makita niya ako. Tuluyan na ring napatingin sa akin ang dalawa niyang kasama. Gumanti na rin ako ng ngiti.

Nagpaalamsi Evelyn kina Andro at Tristan saka lumabas at sinamahan ako. "Hi. Ako ba ang hinihintay mo o si Alejandro?"

"Ikaw. Can we talk?"

"Sure. Kakausapin din sana kita eh."

We held each other's hand at tahimik lang kaming naglalakad. "Saan tayo mag-uusap?"

"Sa baseball diamond na lang. Konti lang ang tao dun."

"Ok. Let's go."

John Alexander: PLAYFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon