Uno

4.4K 105 0
                                    

**Alex POV**

First day of school..

 

Stevenson High School..

 

Lahat ng mga estudyante ay excited at nagkakaguluhan sa school campus.. Lahat ay masaya.. Ang mga estudyante ay may kanya-kanyang agenda.. May mga nagtatawanan, may nagsisigawan, may nagtatakbuhan, at kung anu-ano pang ginagawa ng mga ito..

Nakaupo lang ako sa isang bench na medyo malapit sa gate.. May hinihintay kasi akong dumating.. Si Evelyn, ang aking girlfriend.. Transferee siya last year.. Dahil parehong-pareho kami ng mga hilig at gusto ay hindi ko maiwasang magkagusto sa kanya..Niligawan ko siya hanggang sa maging kami..

And well, pareho na kaming fourth year ngayon..

"Alex!" And that’s me.. My friends and classmates call me Alex.. Dad and mom, especially mom, call me Alexander.. Sometimes John Alexander.. And my coach and my teachers call me Veneracion..

Napatayo ako nang makita si girlfriend, patakbo palapit sa akin.. Nagbilang ako..

One..

Two..

Three..

"Aaaay!" Napatili siya nang bigla siyang madapa.. Buti at naalalayan ko kaagad..

Natatawa siyang napayakap sa akin... "I told you not to do it.."sabi ko sa kanya.. Habit kasi niya ang madapa ’pag biglang napapatakbo..

"I missed you.." sabi lang niya at hinalikan ako sa pisngi.. Have I told you already that she is such a sweet girlfriend?..

"I missed you too..".sabi ko and give her a smack on the lips..

"Hindi na tayo a-attend ng flag ceremony.."

"Sounds good to me.." sang-ayon niya kaagad.. Pareho kasi kaming mahilig sa kalokohan.. Pag positive ang gagawin ay walang mapapala sa amin.. Pareho kasi kaming baliktad at mahilig pang mang-asar..

"Really? Nasa Section A ka.." bulalas ko nang makita ang registration form niya.. Ibig sabihin kasi nun ay hindi kami magkaklase.. B kasi ako..

"Kaya nga eh.. Malay mo, bigla akong mainspire at gaganahan akong mag-aral.."

Napatawa lang ako sa kanyang tinuran.. Pareho din kasi kaming hindi nagrereview.. Kaya lang ako pumapasok sa top ay dahil sa pagiging varsity.. Palaging nae-excuse sa mga quizzes at activities kapag may practice..

"Pasok na tayo.." anyaya sa akin ni Evelyn nang mapansing nakapasok na ang mga estudyante.. Naghiwalay na kami at tinungo ang daan papunta sa kanya-kanyang classroom..

Pagtakbo akong pumunta sa aking classroom..

Sa aking pagmamadali ay hindi ko napansin ang makakasalubong kong babae.. Nagkabanggaan kami at tumilapon ang mga hawak-hawak nitong mga papel..

Sa lakas ng impact ay nawalan ako ng panimbang at bumagsak ako sa sahig.. Kasabay ng paglanding ng aking katawan sa tiles ay ang pagdagan ng katawan ng babae sa akin.. Hindi tuloy naiwasan ang pagsubsob ng mga labi nito sa aking mga labi..

Biglang nag-iba ang reaksiyon ng aking katawan.. Para akong gas na biglang nasindian..

I closed my eyes savoring the stranger’s very sweet lips pressed against mine..

Bigla na lang akong natauhan nang maramdaman ang mainit at masakit na palad sa mukha ko..

I opened my eyes and witnessed the blazing eyes of the girl.. Mas lalo pa akong nagulat nang mamukhaan ang babae..

John Alexander: PLAYFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon