After a week, natapos din ni Alexander ang kanyang obligasyon. Agad niyang ipinasa ang kanyang pamangkin sa kanyang kakambal.
Pumunta siya sa Davao para pangasiwaan ang expansion ng kanilang business doon. That would be his biggest project at kailangan niyang magawa iyon ng maigi para mas lalong maging proud ang kanyang pamilya sa kanya.
Nagcheck in siya sa isang hotel doon. Bumaba siya saglit sa baba para makapag-agahan bago siya pupunta sa site to supervise his team.
Habang kumakain siya sa isang restaurant doon ay hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Xeira is in the counter of the restaurant at kausap ang nandoong empleyado. Pinigil niya ang sariling lapitan ito. Ano kayang ginagawa nito sa Davao? Pagkakataon nga naman.
Ipinagpatuloy niya ang pagmamasid dito. Napansin niyang limingon ito at naghanap ng bakanteng mesa. Then he saw her walked elegantly towards the table in the side corner of the restaurant.
Maraming kataungan ang biglang lumabas sa kanyang isip. Anong ginagawa nito sa Davao? Saan ito nagcheck in? At kung anu-ano pang mga bagay-bagay tungkol sa babae na kailangan niyang malaman ang sagot.
Gusto niyanglapitan ang dalaga pero alam niyang they are not in good terms at the moment.
Inubos niya na lang ang kanyang pagkain at tinawag ang waiter para sa kanyang bill.
"Ah, miss, nakikita niyo ba ang babaeng iyon?"tanong niya habang nakaturo kay Xeira.
"Saan Sir? Yung nakalugay ang buhok?"
"Oo."
"Bakit po sir pala?"
"Ngayon lang ba yan nagawi rito?"
"Ay hindi po sir. Tatlong araw na yata yan dito. Narinig ko noong isang araw na sinabi niya sa kanyang kausap na padala daw iyan ng DENR dito."
"Ibig bang sabihin ay dito sa hotel na ito nakacheck in yan?"
"Ay oo sir."
"Sige, salamat." Dumukot siya ng pera mula a kanyang bulsa at iniabot dito. "Keep the change."
"Maraming salamat sir."
Kinawayan niya ito bago muling pumanhik sa kanyang hotel room. Dibale, alam niyang dito rinnakacheck si Xeira Navarro.
*****
Nagulat si Alexander nang mapansing biglang nagkakagulo ang kanyang mga kasamahan. Lahat ay naparigil sa ginagawa at may tinitingnan. Lumapit siya at tinanong ang isa niyang kasama.
"Bernie, anong kaguluhan ito?"
"Ay boss, kayo pala. May nakita kasi silang dilag na napadaan." nakatawang sagot ni Bernie.
"Dilag na napadaan?"
"Ayun sir."Itinuro ni Bernie ang sinasabi nito. Nagulat siya nang mamukhaan kung sino ang sinasabi nitong dilag.
Si Xeira iyon. Nakasuot ito ng short-shorts. Nakaslippers at may suot na doctor's blazer.
"Type niyo po ba Sir?" nasisiyang puna ni Bernie. "Ang ganda di ba?"
"Puwede na rin." he answered. "Ano bang gingawa niya diyan?"
"Empleyado daw iyan ng gobyerno, DENR. At nandito daw iyan ngayon sa Davao para mag-alaga ng mga asong-kalye na inabandona ng mga tao."
Naalala niya ang sinabi ng waitress noon sa hotel. So, tama nga ito ng dinig. Andoon si Xeira sa Davao para sa trabaho nito. Hindi pa niya nakakalimutan na isa itong Vetirinary Doctor.
"Type niyo Sir?"
"Kilala ko yan Bernie. Girlfriend yan ng kakambal ko."
Nanlaki ang mga mata ni Bernie. "Si Sir Alejandro po?"
"Yup."he replied.
Biglang lumayo sa kanya si Bernie at lumapit sa kanilang mga kasamahan. "Oy tama na yan mga pards. Kasintahan pala iyan ni Sir Alejandro?"
"Sinong nagsabi? Hindi ko naman nakita na dinala iyan ni Sir Alejandro sa office niya?"
"Tumahimik ka diyan Alfred. Si Sir Alexander mismo ang nagsabi."
Awtomatikong napalingon sa kanya lahat ng mga ito. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ni Bernie. Napahiya ang mga ito at ipinagpatuloy ang mga ginagawa.
Napailing na lang siya habang napapangiti. Pero muli niyang sinulyapan ang kinaroroonan ni Xeira. Kahit malayo ito ay napansin niyang nakatingin din sa kanya ang babae. Hindi niya alam kung iiwas siya ng tingin o kakawaya. Pinili niya ang huli. Kinawayan niya si Xeira. Napansin niya ang pag-snob nito sa kanya na siyang ikinatawa ng kanyang mga tauhan.
"Hayaan niyo na yan. May hindi lang kami pagkakaintindihan ni Xeira kaya siya ganyan." he said. Pero hindi naman niya kailangang magpaliwanag sa kanyang mga empleyado. Napatawa lamang ang mga ito.
"Boss, bakit parang kayo ang may relasyon sa tinginan niyong dalawa?" sita sa kanya ng isa niyang tauhan.
Hindi niya ito sinagot. Nagpakawala lang siya ng isang malutong na tawa.
*****
Gustong mainis si Xeira sa mga kalalakihang nasa malapitan. Kanina pa siya tinitingnan ng mga ito. At kanina pa siya pinag-uusapan. Ok lang naman sana sa kanya iyon kung hindi lang pinaparinig ng mga ito ang mga sinasabi. Eh, ginawa pa siyang bingi ng mga ito.
Hinayaan niya lamang ang mga ito at ipinagpatuloy ang ginagawang pag-iinspect sa isang stray dog na kahapon lang dinala doon sa kanilang clinic.
Habang binabakunahan niya ang aso ay napansin niyang tumigil ang mga kalalakihan sa pagtsitsismisan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapalingon doon. At laking gulat niya nang mapansin ang pamilyar na pigura na kasama ng mga lalaki. May isa itong kausap at hindi niya alam kung ani ang pinag-uusapan ng mga ito. Basta, abot-tainga ang ngiti ng kumag.
Inalis niya ang kanyang atensiyon sa mga ito at ibinalik sa asong binabakunahan. Sobra siyang naawa sa mga ganitong mga hayop na napapabayan. Tulad ng tao, ay may mga emosyon din ang mga ito.
Pero ang konsentrasyon niya ay muling napawi dahil naramdaman niyang tinititigan siya ni Alexander. Nang mag-angat siya ng tingin ay hindi nga siya nagkamali. Alex is staring at her.
Napansin niyang itinaas nito ang isa nitong kamay at kumaway sa kanya. Imbes na kawayan niya rin ito ay minabuti niyang huwag pansininang binata. Sa kanyang ginawa ay muling natawa ang mga kasama ni Alex. Feeling niya ay ang binata ang pasimuno na pag-usapan siya. Nadagdagan lalo ang inis niya sa lalaki.
Of all place ay bakit doon pa sa Davao niya makikita itong muli. She sighed. Wala naman siyang kontrol sa mga nangyayari. Wala yatang nabanggit ang kanyang kasintahan na nandito ang kakambal nito.
0
BINABASA MO ANG
John Alexander: PLAYFUL
Teen FictionJohn Alexander is PLAYFUL- adventurous, jolly, hyper and loves fun all the time. "Mahirap talagang turuan ang puso. Mahirap talagang piliin ang taong mamahalin. Kung sino pa ang taong hindi puwede ay siya ang tinitibok ng puso mo. Mas lalo na pag a...