Kuwatro

2K 76 7
                                    

**Alex POV**

Makalipas ang isang linggo ay marami ng nangyari.. Nalaman kong classmates sina Evelyn at Andro.. Si Yael din, ang isa sa aming kaibigan na boyfriend ni Erika, kaibigan din namin, ay pumasok na rin at nasa iisang section kami.. Sa section A si Andro at si Evelyn, ako, si Xeira, at Yael ay sa section B, si Chantal naman, pinsan namin, kasama si Erika ay napunta sa section E.. Kadalasan ay nagsasabay kaming naglu-lunch sa cafeteria..

Tungkol naman dun sa pagiging secretary ko, talagang pinanindigan ko yun.. Hindi ko rin tinatantanan si Xeira sa pang-aasar sa kanya.. Mukha na nga kasi siyang immuned na kaya kadalasan binabalewala niya ako..

To make it clear, wala akong gusto sa kanya.. Natutuwa lang ako kasi magkaparehong-magkapareho sila ni Andro.. Palaging seryoso at kung ngumiti ay napakaseasonal..

Tulad ngayon, may practice kami ng basketball at nakita ko si Xeira na nakaupo sa may bleachers na nakangiti.. Kasama niya ang mga kaibigan niya.. Yun ang unfair sa kanya, ngumingiti lang siya kapag si Andro at mga kaibigan niya ang kanyang kasama o kausap..

But, never once that she offered that sweet smile to me.. Hindi ko nga alam kung anong meron sa kakambal ko na wala sa akin..

Mamaya ay napansin kong umalis na ang mga kasama ni Xeira.. Nakita kong natoun ang atensiyon niya sa amin.. Nawala na rin ang ngiti niya kanina.. Kinindatan ko siya nang mapatingin siya sa akin.. I dribbled the ball and did a very clean lay up..

Our coach declared a break.. Agad akong dumiretso sa kinaroroonan ni Xeira..

"So, you came here to watch me.."

Iningusan niya ako.. "Sorry, do I know you?"

"If I know, kilig na kilig ka sa akin habang naglalaro ako.. Narinig ko pa ngang tinawag mo ang pangalan ko.." Umupo ako sa tabi niya kahit basang-basa ako ng pawis..

"Excuse me.." naiinis na sabi niya.. Lalayo sana siya pero hinila ko siya palapit.. "Yeah, I called your name a while ago while shouting how much I hate you.. Sweet ko di ba?"

"Magdate kaya tayo.." Pambabalewala ko sa sinabi niya.. "Para mawala ang inis mo.. Yun yata ang hindi mo masabi-sabi sa akin.."

"You're crazy.. Sige ka, Isusumbong kita sa kapatid mo sa ginagawa mong iyan.."

"Do it if you can.." matapang kong sagot.. Yung na nga lang kasi ang palagi niyang panangga..

"Kaya ako pumunta dito ay para sabihin sa iyo ang lakad natin mamaya.."

Ngumiti ako ng nakakaloko.. "At last, nakapag-isip-isip ka na.. You're actually asking me out for date.. Dapat ako ang gumagawa ng ganoong hakbang.. But since naunahan mo ako, who am I to refuse?"

"Kainin mo ang date mo.." sabi niya na nakatingin sa akin ng seryoso.. "Kailanman ay hindi ako makikipagdate sa iyo.. Isaksak mo yan sa baga mo!"

"That's a little bit rude now.. Kung ganun, bakit ka nandito?"

"Duh?" She rolled her eyeballs.. "Pupunta tayo kina Sir Kester.."

Damn! How can I forget about that? Muntik na tuloy akong mapahiya.."Sige.. I'll just take a bath.." Bigla kong napansin ang kakaibang kislap sa mga mata niya nang marinig ang aking sinabi.. "You can join me in the locker room if you want.."

Tuluyan ng pumula ang kanyang mukha.. Sweet! "In your dreams! I'd rather wait for you here.."

Tumalikod na ako habang tumatawa..

*****

**Xeira POV**

Hanggang sa makasakay kami ng taxi ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko na naman ang Alexander na 'to..

"I can't believe I'm stuck with an annoying person.." reklamo ko sa hangin..

"You mean annoyingly handsome person?" sagot ng katabi ko..

"Shut up!" I snapped.. "I'm not talking to you.. At wala na bang pumupuri sa iyo at ikaw lang pumupuri sa sarili mo?"

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo.. At isa pa, nasanay na akong tinatawag na guwapo.. I might as well admit it.."

"Sigurado ka bang wala kang saltik sa utak?"

"Wala akong saltik sa utak.. Pero meron akong guwapong mukha.."

"Oh! Shut up! Those two are clearly unrelated."

"Aminin mo na kasi na guwapo ako.."

"Hmp! Ewan ko sa iyo.." pagtatapos ko sa aming argumento nang napansin kong ngumungiti na ang taxi driver sa amin..

"Hmm.. Huwag ka ng mag-iingay at maiidlip ako.. Pakigising na lang ako pag nakarating na tayo.."

He leaned his head on my shoulder and closed his eyes.. Tong Alex na 'to, at ginawa pa akong unan!

*****

"Sigurado ka bang tama ang napuntahan natin?"

"Oo.. Ito 'yun.."

Nasa harapan kami ng isang malaking bahay na may mababang fences na umaabot lang sa aming dibdib.. Lumapit kami sa mababang gate at tiningnan kung anong meron sa loob..

Biglang tumahol ang isang German shepherd na nakaupo sa tabi ng pintuan papasok sa loob ng bahay..

Mula sa likod bahay ay lumitaw ang isang napakacute na bata at lumapit sa aso..

Bigla itong napatingin sa amin nang muli kaming tahulan ng aso.. His green eyes gaze at us lazily.. Bigla kong naala si Sir Kester nang masilayan ang berdeng mga mata ng bata.. Hindi ko tuloy napapigilang mapangiti..

"Hey kiddo.." tawag dito ni Alex sa naaaliw na tinig.. "Dito ba ang bahay ni Sir Kester.."

Imbes na sumagot ay lumingon ang bata sa direksiyong pinanggalingan nito kanina.. "Ma, Dad has visitors.."

Lumitaw ang isang napakagandang ginang na nakasout ng garden gloves.. Halatang galing ito sa hardin..

"Good afternoon po maam.." halos sabay naming bati Alex..

"Good afternoon.." Lumapit ito at pinagbuksan kami ng gate.. "You must be the students that my husband is telling me about.."

Pumasok kami at sumunod sa kanya hanggang sa loob ng bahay.. Inutusan nito ang isang kasambahay na maghanda ng meryenda bago kami muling kinausap..

"Ako nga pala si Liyah and this cutie here is Calvin, my son.."

"Ako po si Xeira and this is Alex.. Sir Kester asked us if we could come to get the requirement he is talking about.."

"Sinabi rin niya sa akin.. Pasensiya na kung hindi niyo siya naabutan.. Gagabihin kasi siya sa pag-uwi.."

"Ok lang po.."

"Ok.. Please have a seat and feel at home.. Kukunin ko lang saglit sa taas.."

Iniwan kami ni Maam Liyah kasama ang anak nito.. Napatingin kaming dalawa ni Alex sa bata at napansing nakatitig din siya sa amin.. He is looking at us intently, with his very dashing green eyes..

"Kiddo.." pagpapansin dito ni Alex.. "Sa tingin mo, bagay ba kami ni Xeira?"

Gusto ko siyang sapakin sa kapreskuhan niya..

Alanganing tumingin sa kanya ang bata saka muling tumingin sa akin..

"I guess so.." sagot ni Calvin sa nahihiyang tinig..

Napahalakhak si Alex.. Tsss abnormal!

Sakto namang bumalik si Maam Liyah na may hawak-hawak na folder.. Inilapag nito sa center table at sinimulang makipagkuwentuhan at makipagkulitan sa amin..

Nakipaglaro rin si Alex kay Calvin.. Hindi ko nga alam kung paano nito na nakuha kaagad ang loob ng bata..

Umuwi kami ni Alex na masaya at tuwang-tuwa sa pakikipagkulitan sa pamilya ni Sir Kester.. Well Tita Liyah (kaclose na..hihi) is an adorable and very easy going lady...

John Alexander: PLAYFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon