Katorse: "-" :)

1.3K 54 0
                                    

**Xeira POV**


Pangatlong araw na namin dito sa Mt. Sanctuario. Hindi pa rin kami pinanpansin ni Alex. Kung magkakasalubong kami ng landas ay umiiwas siya. He has been given me and Yael cold treatment. At wala akong pakialam doon.


Oo nga pala, we are already group into four teams. Marami na rin kaming natapos na mga laro. Ang mas lalo yatang ikinagalit ni Alex ay ang pagiging magkateam namin ni Yael. Eh, ano bang magagawa namin? Random naman ang ginawang pagpili sa mga members ng apat na teams.


Kasalukuyan ay bi-ni-brief kami sa bagong laro. Ito ay flag hunting. Pakakawalan kami sa kagubatan para maghanap ng mga flagna ikinalat sa mga paligid. Pang isang araw ang laro kaya ibinigay nila lahat ng aming mga kakailanganin. Pagkain, first aid kit, at isang communicator na gagamitin pag kami ay naligaw o nadisgrasya. Bawat manlalaro ay may mga ganito. Ang iginanda pa ng laro ay naglagay sila ng mga boundaries na hindi namin dapat lagpasan.


Nang marinig ang 'Go signal' ay kanya-kanyang pasok sa kagubatan ang mga kaklase ko. Pumasok na rin ako. Hindi kami nag-usap-usap ng mga kateam ko kaya lahat kami ay nagkawatak-watak.


May nakuha na akong dalawang flags. Nang magpatuloy ako sa aking paglalakad ay saka ko narealize na mag-isa na ako. Hindi ko iyon pinansin. Pagpatak ng ala-una ay umupo muna ako at kumain. Saka ko itinuloy ang paghahanap.


Pagsapit ng alas tres ay bigla akong kinabahan. Nawawala ang aking communicator! Hindi ko pa man din alam kung nasaan na ako ngayon. May nakuha pa akong isang flag bago ko naisipang bumalik.


Pero hindi ko na matandaan kung saan ako nanggaling. Oh no, naliligaw yata ako. Binilisan ko ang paglakad. Mas lalo akong kinabahan dahil hindi ko talaga matrace ang aking dinaanan kanina. Ang isa pa, narating ko ang boundary.


I checked my watch. Mag-aalas singko na. Isang oras na lang at isasara na ang laro. Inilabas ko ang aking phone at pilit na kinokontak si Yael. Pero, sino ang niloloko ko? Wala namang signal dito.


I drew a heavy sigh at hindi tumigil sa paglakad. Nakaramdam na ako ng takot. Bakit pa kasi ako humiwalay sa aking mga kasamahan kanina?


Dahil sa pagmamadali ay hindi ko nakita ang aking dinaraanan. Nadulas ako at nalaglag sa baba. Hindi ko mapigilan ang mapasigaw.


Napatingin ako sa taas at napansing napakataas ang aking pinanggalingan. Masyado akong dumausdos pababa. Lumagpas pa ako sa isang boundary. Hala, what am i going to do right now? Sa tingin ko ay hindi ko maaakyat ang aking pinagkahulugan.


Mamaya ay nakarinig ako ng boses. "Hello!" Napatingala ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Alex na nakatunghay sa akin. Bumaha ang pag-alala sa kanyang mukha nang makita ang aking kalagayan. Or is it my imagination?


"Xeira." he said in a worried tone. Nag-slide siya pababa at dinaluhan ako. "Are you ok?"


"Don't touch me!" galit kong sigaw sa kanya. Baka nakakalimutan niyang may kasalanan pa siya sa amin ni Yael. "Ang alam ko, hindi tayo bati."

*****

John Alexander: PLAYFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon