**Alex POV**
Matagal na kaming nakaupo sa isang bleacher doon sa baseball diamond pero walang nagsasalita sa amin.
"So, what are we going to talk about?"
"Di ba sinabi mong may sasabihin ka. Can you say it first bago ko sasabihin ang akin?"
"Alex." sabi niya sa mahinang boses. Bumaha ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nakatingin siya sa akin at nag-inhale-exhale ng ilang beses. "Sana huwag kang masasaktan sa mga sasabihin ko."
"Promise."saad ko at itinaas pa ang isa kong kamay.
"Alex, kasi.. . . ano kasi. . ."
"What?"
"Kasi. Iniisip ko lang na hindi yata love ang nararamdaman natin sa isa't-isa. Hindi mo ba napapansin na kapag magkasama tayo ay para lang tayong magbestfriend? I mean, affection lang yata ang feelings mayroon ako para sa iyo. And I'm sorry. Ayoko kasing maging unfair sa iyo at sa sarili ko. I am ending our relationship Alex. Sorry. But please understand."
Mas lalo akong natahimik sa kanyang pagtatapat. Nagsasaya ang aking kaloob-looban. Ilang beses akong nagbilang sa aking isip pero hindi pa rin umaalis doon ang kanyang mga sinabi. "Evelyn."
Isang ngiti ang unti-unting gumuhit sa aking mga labi. "You made it easier to me Evelyn."
"What do you mean?"
"Ang sasabihin ko rin sana sa iyo ngayon ay ang pagtatapat ko rin sa totoo kong nararamdaman. And I'm sorry too."
Umaliwalas ang kanyang mukha na parang tuwang-tuwa siya sa narinig. "Are you sure?"
"Yes. And I'm sorry again. I think I'm falling in love with somebody else."
"Oh Alex."Tuwang-tuwa siya sa narinig at niyakap ako ng buong higpit. "I'm happy for you."
"Thanks."
"Teka, mas maganda ba siya sa akin?"
"Evelyn naman?Siyempre mas maganda siya."
"Hmp! Sabi ko nga kasi. Nakakita ka lang ng mas maganda sa akin ipinagpalit mo na ako?"
"Siyempre, joke lang yun. Of course, you always know, that you will always be beautiful in my eyes."
"Sigurado ka?"
"Hmmm!"
"And of course, alam mo rin Alex na kahit mas maganda pa iyang mahal mo sa akin, hindi ako aangal basta hindi ka niya sasaktan."
"Yes, of course!" Niyakap ko siya ng boung higpit. "I'm very happy to have met you in my life Evelyn Salvosa. So bestfriend na tayo ngayon?"
"Sounds good to me. Can I know that girl's name?"
"Sorry missy.Saka mo lang malalaman pag kami na."
Napatawa siya muli. "Alam mo, ang unfair mo. Pero pag nangangailangan ka ng tulong, you know the numbers to call."
"Yeah. Thanks."
Tumayo na si Evelyn at hinila ako. "Tara, tayo na diyan. Marami ka pang araw na gugugulin sa pagsusuyo sa special someone mo na iyan. Umpisahan mo na ngayon."
*****
"I need volunteers to represent our class in the Search for Mr. and Ms. Stevenson next month." narinig kong sabi ng adviser namin. Kanina pa ito dumadaldal pero hindi ko pinapansin. Nakatuon kasi ang aking atensiyon kay Xeira. Kahit kailan ay hinding-hindi ko pagsasawaan ang panonood sa kanya. Her unconcious wetting of her lips using her tongue. Ang paghawak-hawak niya ng kanyang buhok. Ang pangangagat niya ng kanyang labi. Ang pangangagat niya ng kanyang kuko. Ang paglalaro niya ng ballpen. Ang-.
"Mr. Veneracion!"
Napatutok ang aking atensiyon sa adviser namin. Nahuli pa niya ako.
"Stop studying Ms. Navarro!"
Napatingin ang lahat ng aking mga kaklase sa akin. Maging si Xeira ay napatingin din. Nakakahiya!
"I'm not."tanggi ko pa.
"If you're not, bakit hindi ka nakikinig sa akin?"
"But I am, in fact you are looking for volunteers for the Mr. And Ms. Stevenson this month."
"Ok. Itiuon mo sa aking mga sinasabi ang iyong atensiyon at ng hindi na kita mapagkakamalan pa muli."
"Yes maam."
"Ok, any volunteers now?"
"Maam, hindi na po kailangan ng volunteers. Meron na po kaming napili." wika ni Monde na biglang napatayo. "Xeira and Alex will be the perfect pair."
Marahas akong napatingin kay Monde. Ngiting-ngiti pa ito na parang napakaimportante ang sinabi. Pati si Xeira ay umaangal.
"Naisip ko rin iyan noon. Ok, Alex and Xeira will be our representatives." deklara ng aming adviser. "Class dismissed."
Hindi na kami nakatanggi pa dahil tumalikod na ang teacher namin at lumabas. Pinagkaguluhan pa kami ng aming mga kaklase.
*****
"One, two, three. Strut, pose, strut, strut, strut, then pose. And smile. Perfect!" sigaw ni Monde habang pumapalakpak. Tuwang-tuwa ito nang makuha ni Xeira ang pagrampa.
Nagsimula na ang aming practice at seriously, sa practice na ito ginugugol namin ang lahat ngaming free time. Ayaw ko rin namang magreklamo dahil madalas kaming magkasama ni Xeira.
"Ok, Alex. It's your turn."
Pumunta na ako sa kanilang harap at sinunod ang instructions ni Monde sa pagrampa. Tuwang-tuwa ito ng matapos ako.
"Ok. Ang next na ipapractice natin ay ang inyong pang sports wear."
Nagpatuloy pa kami sa pagpractice. Sinisigurado nina Monde na maganda ang kalalabasan ng lahat. Lalo pa at nalaman naming sina Andro at Evelyn ang isasabak ng Section A. Gusto ko ngang matawa, ni hindi nga alam ni Andro kung paano ngumiti sa harap ng maraming tao.
Pagkatapos ng practice ay lumapit kami ni Xeira kina Erika at Yael. Kanina pa nanonood ng practice ang mga ito.
"You two did great there." wika ni Yael at tinapik kami ni Xeira sa balikat.
"Oo nga. Congratulations." sang-ayon naman ni Erika."Tara na sa canteen. Naghihintay sina Chantal. Pag-uusapan yata natin ang tungkol sa birthday party niya bukas ng gabi."
Oo nga. Bukas na pala ang birthday ng pinsan naming iyon.
Nauna na si Erika sa paglalakad. Nakasunod lang kaming tatlo nina Yael at Xeira. Nadatnan namin sina Andro, Evelyn, at Chantal sa canteen. Nandoon din pala sina Cassandra at Sharmaine. Pati rin sina Monde at Jennah ay sumunod.
BINABASA MO ANG
John Alexander: PLAYFUL
Teen FictionJohn Alexander is PLAYFUL- adventurous, jolly, hyper and loves fun all the time. "Mahirap talagang turuan ang puso. Mahirap talagang piliin ang taong mamahalin. Kung sino pa ang taong hindi puwede ay siya ang tinitibok ng puso mo. Mas lalo na pag a...