**Xeira POV**
"Congratulations!" bati ko kay Alex. Sila kasi ang nanalo sa game kanina. Magkatabi na kaming tatlo nina Yael habang kumakain ng dinner. Nag-usap din sila kanina at tulad ng pangako ni Alex, nagsorry siya kay Yael and boom! Ok na rin sila.
After the dinner, we are all gathered againaround the camp fire. Ito na ang second to the last night namin dito. My classmates started sharing their experiences. Pagsapit ng alas diyes ay pinapasok na rin kami sa aming mga tents.
Mag-aalas onse na pero hindi pa rin ako makatulog. Ang mga kasama ko ay naghihilik na.
Maya-maya ay nakarinig ako ng sutsot mula sa labas. Tinatawag ang pangalan ko. Maingat akong bumangon at lumabas ng tent.
Nadatnan ko si Alex sa labas. "Anong ginagawa mo dito?"
"Shhhh! Come with me, may ipapakita ako sa iyo." Hinawakan niya ang aking kamay at nagsimulang maglakad.
"Paano sila?"tanong ko at itinuro ang tent ng aming mga guides.
"They're already sleeping."
Nagpatianod na lang ako sa kanya. Dinala niya ako sa isang malaking puno. Medyo napalayo na kami sa camp site.
"Aakyat tayo." sabi niya sa akin.
"What?"
Pero pinilit niya akong paakyatin. Tumigil kami sa dalawang malalaking sanga kung saan puwede kang mahiga at hindi ka basta-basta malalaglag.
"Look down."
Sinunod ko naman siya at tumingin sa baba. Wala namang unusual na pangyayari.
"I mean, there." wika niya at itinuro ang baba ng bundok.
"Wow!"I uttered in amazement. Mula sa aming kinaroroonan ay tanaw na tanaw ang ibaba ng bundok. Kitang-kita ang maliit na ilaw mula sa mga kabahayan sa paanan ng Bundok Sanctuario. The city below is a beautiful attraction.
"Paano mo ito nadiskubre?"tanong ko kay Alex na punong puno pa rin ng amazement.
"I came here during our first night. Hindi kasi ako makatulog noon. Nang akyatin ko ang puno ay nakita ko ang boung lungsod."
"It's breathtaking."
Nanatili kami doon sa puno at pinagmamasdan ang kagandahan ng lugar.
"Baba na tayo." yaya sa akin ni Alex. "May ipapakita pa ako sa iyo."
Inalalayan niya ako sa pagbaba ng puno. He again held my hand when we began walking. Palayo kami ng palayo sa camp site.
BINABASA MO ANG
John Alexander: PLAYFUL
Teen FictionJohn Alexander is PLAYFUL- adventurous, jolly, hyper and loves fun all the time. "Mahirap talagang turuan ang puso. Mahirap talagang piliin ang taong mamahalin. Kung sino pa ang taong hindi puwede ay siya ang tinitibok ng puso mo. Mas lalo na pag a...