Bente Nuwebe: Alexander's Point-of-View

1.3K 19 7
                                    


Napapailing na lamang si Alex habang tinitingnan ang mga galos sa kanyang katawan. His back is so full of scratches at nahahapdian siya ngayon. Last night was very wild. And Olivia is wilder. Ngayon lang siya nakaencounter ng ganoong babae. Women come and go at iba't-ibang babae na ang kanyang natikman but Olivia is different. Napapangiti na lang niyang pinagmamasdan sa salamin ang katawan niyang tila inatake ng sampung puso ng mga kalmot.


Olivia is a Manila girl. Nagbakasyon daw ang dalaga sa Davao at suwerte niya naman na natiyempuhan niya ito sa restaurant kagabi. And they had thenight of their lives. Mag-uumaga na nang lumipat ang dalaga sa kuwarto nito with the promise of seeing him again.


Biglang pumasok sa kanyang isip si Xeira. Tuluyan ng nawala sa kanyang isip ang kung anumang namagitan sa kanila ni Olivia nang maalala niya si Xeira. Umahon ang galit sa buo niyang pagkatao nang maalala kung paano ito nakipag-usap sa kung sinumang David na iyon.


Nagtataksil ba ito sa kanyang kapatid? Malamang ay oo, napakasweet kaya nito habang kausap sa telepono ang David na iyon. At kailangan niyang gumawa ng paraan to stop Xeira at para masagip niya ang kanyang kakambal.


Bago pa siya magwala ay binuksan niya ang shower at itinapat ang sarili sa dutsa umaasang matanggal ang anumang inis at galit na kanyang nararamdaman.


Palabas na si Alexander sa kanyang hotel room nang biglang bumukas ang katabi niyang pinto. Napansin niyang lumabas doon si Xeira. Saglit lang ang pagkagulat ng dalaga pagkakita sa kanya. Inirapan siya nito at ang paglock sa pinto nito ang inasikaso.


Nang matapos na ito ay dumiretso ito sa tapat ng elevator at pinindot ang button. Hindi mab lang siya tinapunan ng dalaga ng kahit irap man lang nito. Bigla siyang nainis kaya lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nito.


"What do you think are you doing?" galit na singhal sa kanya ni Xeira na agad na binawi ang kamay sa kanya.


"Ano bang problema mo ha?"pasigaw niyang wika sa dalaga. "Kung iwasan mo ako ay tila mayroon akong sakit nasobrang nakakahawa."


"Bakit wala ba?" pasigaw rin nitong sagot. "Paano tayo nakakasiguro? Baka meron ka ng AIDS o HIV o anupaman iyan."


Naningkit ang kanyang mga mata sa narinig. Anong akala nito sa kanya? Na isa siyang maruming lalaki. Nakaramdam siya ng konting sakit sa mga sinabi nito. Hindi na niya ito nahabol nang bumukas ang elevator at pumasok doon si Xeira.


Hanggang sa makarating siya sa kanilang location site ay mainit pa rin ang ulo niya. Ang mga tauhan niya ay hindi na siya ginambala dahil matatakot ang mga itong masinghalan.


At saka niya narealize na walang mangyayari kung palagi silang nagbabangayan ni Xeira. Mas mabuti kung makipag-ayos na lang siya dito. Mamaya ay sasadyain niya ang dalaga sa klinika ng mga ito. Hindi naman masama ang makipag-ayos.


At yun na nga, nang mabawasan ang kanilang mga gagawin ay pinuntahan ni Alexander ang klinika nina Xeira sa kabila ng panunukso ng kanyang mga kasamahan. Sa labas ay napansin niya ang mga asong kalye na nakalagay sa malalaking basket na inaalagaan. Sa loob naman ay mas marami pang mga hayop ang nandoon. Hindi na lang aso ang nakalagay sa mga hawla at mga basket. Mero ding mga ibon, mga puso, at kung anu-ano pa.


Sa isang sulok ay napansin niya ang tila counter. May nakatao roon at kunot-noong nakatingin sa kanya. Nakasuot ito ng nurse uniform. "Good afternoon sir. Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?"


Lumapit siya ng tuluyan sa counter para makausap ito ng maayos. "Dito po ba nagtatrabaho si Xeira. Xeira Navarro."


"Si Doctor Xeira. Dito po Sir. Nasa loob po." Ininguso nito ang nakasarang pintuan na kung hindi siya nagkakamali ay isang opisina.


Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas iyon at lumbas si Xeira na tumatawa. Sa likod nito ay may lalaking matangkad at guwapo na nakahawak sa balikat ng dalaga. Katulad nito ay tumatawa rin. Biglang dumilim ang kanyang paningin. Mas lalonh sumiklab ang galit niya para sa babae.


Natigilan ang dalawa nang makita siyang nakatayo sa hindi kalayuan. Ang tuwa sa mukha ni Xeira ay agad na napalitan ng inis pagkakita sa kanya.


"Anong ginagawa mo dito?"


"Hello Xeira." yun ang naging sagot niya sa tanong nito. Tuluyan ng nakalapit ang mga ito sa kanya at mas lalo siyang nainsecure nang malamang mas matangkad kaysa sa kanya ang lalaki. Akala niya ay matangkad na siya sa hight na six feet. Mas matangkad pa pala sa kanya ang lalaking kasama ni Xeira at hindi lang ito basta matangkad, guwapo rin ang mokong.


"Sino siya Xeira?" tanong ng lalaki. Gusto niyang sungalngalin ang bunganga nito.


"David, siya si John Alexander Veneracion." wika ni Xeira. Nairita siya sa malamig nitong pagkakasabi ng kanyang pangalan. "Alexander, siya naman si David Cortez, resident vet doctor dito. Siya ang kasama ko sa proyektong ibinigay sa akin ng gobyerno."


Naunahan pa siya ni David na maglahad ng kamay. "Nice meeting you Alex, I hope that would be your nickname ang haba kasi ng pangalan mo." Nakangiti ito nang sabihin iyon.


Tinanggap niya ang pakikipagkamay sa kanya ng lalaki. "The pleasure is mine David. And you're right, Alex nga ang palayaw ko."


Gusto niyang umbagan ito ng suntok. Tingnan mo at may dimples pa ang lalaki. He was never insecured like this in his entire existence. Nakakababa ng pagkalalaki ang matapat sa David Cortez na ito.


"I suppose you're Xeira's friend."


Iyon ang isa pa niyang ikinagagalit. Hindi man lang dinagdagan ni Xeira ang pagpapakilala nito sa kanya kay David. Samantalang binuo pa nito ang propesyon ng David na ito nang ipakilala sa kanya.


"He's my boyfriends twin brother."

At ngayon, ganoon lang ang sinabi nito. Nakakasakit na talaga itong si Xeira sa kanyang ego. Ano na lang gagawin niya sa babaeng ito?


"Xeira. Can we talk?" aniya bago pa tumakas ang lahat ng respeto na natitira sa kanyang katawan. "Do you mind if I'll talk to my brother's girlfriend first." Of course, diniinan niya ang pagsabi nun.


"Sure Pare." sagot ni David at muling hinawakan si Xeira sa balikat. "Nasa office lang ako Xeira."


Bago pa makasagot si Xeira ay hinila na niya ito palabas. Wala siyang pakialam kahit masama ang tingin sa kanyang nurse na nasa counter.

John Alexander: PLAYFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon