Bente Sais: Muling Ibalik

1.3K 27 1
                                    

Malapit nang mag-alas kuwatro pero nasa opisina pa rin si Alex. Marami siyang kailangang tapusin sa araw na iyon pero inaalala niya ang kanyang pamangkin. Troy will be dismissed by four.

Nataranta siya nang biglang marinig niya ang katok mula sa pintuan ng kanyang opisina. It was her secretary.

"Sir, papunta daw dito si Miss Ricardo. Pinipilit po niyang makausap kayo sa kabila ng pagsabi ko na hindi kayo dapat maistorbo."

That was one of her problem. Nicole Ricardo is chasing him like crazy. Sinabi niya naman dito na ayaw niya ng emotional attachment pero sadyang makulit ang babae. He made sure to her that he hates commitmentperohabol ng habol pa rin ito.

Napabuntong-hininga siya at hinarap ang kanyang sekretarya na naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Ikaw muna ang bahala dito Elaine." sabi niya kasabay ng pagtayo.

"Sir!?" gimbal nitong bulalas. "Pero may dinner meeting pa kayo ng alas seis kay Mr. Alonzo."

Alam niyang hindi iyon ang gustong sabihin ng sekretarya niya. Sadyang ayaw lang nitong makaharap si Nicole. Masama kasi ang ugali ni Nicole sa mga babaeng kakilala ni Alex. Hindi ito naniniwala na hindi pa nila ginagawa ng kanyang sekretaryaang ginagawa nila ng babae.

"Cancel all my appointments this day."

"Pero Alex, maaga pa naman."Tinawag na siya nito sa kanyang pangalan. Well, Elaine was her friend too. He found her very efficient in her works at the same time a very dear friend. Noong una akala niya ay may gusto sa kanya si Elaine pero nagkamali siya. She is happily engaged with her long time boyfriend.

Tumawa siya ng pagak. "Please Elaine. I need to fetch my cousin's child at school. By this time ay baka nakalabas na iyon."

Bumuntong-hininga ito bilang pagsuko.

"I need to go. Bahala ka na dito. And Elaine, good luck kay Nicole."

Lumabas na siya ng kanyang opisina at nagmamadaling pumunta sa parking lot.Nagmamadali siyang pumunta sa school ng kanyang pamangkin. Lagpas alas kuwatro na at alam niyang natapos na ang klase ni Troy.

Agad siyang bumaba sa kanyang kotse nang marating ang school. Marami na ring palabas na estudyange. Sa kanyang pagmamadali ay may nabangga siyang babae. Tumilapon ang hawak nitong car keys. Siya na ang umabot sa susi at ibinalik sa may-ari.

"I'm sorry Miss--- Xeira!"

"What are you doing here?!" tila iritadong sita sa kanya ni Xeira. Base sa itsura nito ay parang hindi nito gustong makita siya sa pagkakataong iyon. May konting kirot na dulot iyon sa kanyang puso.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

Hinablot nito ang susi na nasa kamay pa rin niya at nagmamadaling nagpatuloy.

"Xeira, wait!"

Pero hindi siya pinansin ng babae. Nagpatuloy ito sa paglakad. Siya namang pagtawag sa kanya ng kanyang pamangkin na nasa malapitan na pala. Nagulat siya dahil tinawag din ng kasama nitong batang babae si Xeira.

Si Xeira ay naguguluhang napatingin sa kanya. And for a moment, Troy ran towards him. Ganun din ang ginawa ng kasama nitong babae kay Xeira.

Hinawakan siya sa kamay ng bata at iginiya palapit kina Xeira at ang kasama nitong babae.

"Tito, this is my friend Saphie and this beautiful lady with her is her." tumingin si Troy sa kaibigan nito na tila humingi ng saklolo.

"My Tita." magiliw na wika ni Saphie na tiningala siya. "Troy, you're Tito is too big just like my father."

Ngumiti si Alexander. He squatted and faced the very cute little girl. "Hello Saphie."

The little girl blushed. Bagay na ikinatawa ni Alex.

"Hello po." nahihiya nitong sagot sa kanyang pagbati. Tiningala ni Saphie ang Tita nito. "Tita Xeira, Troy's uncle is handsome."

Xeira smiled in an awkward manner. Tumayo na rin si Alex at hinarap ang dalaga. "Pareho pala tayo ng sadya dito. She's your niece? I think, she's Kuya Leo's daughter. Nakita ko na siya sa kasal noon nina Ate Cameron."

"I'm Ate Trish's first cousin.I volunteered to fetch Saphira." sagot nito.

"Tito Alex, magkakilala kayo ng aunt ni Saphie?"

"Yup. She is your Tito Andro's girlfriend."

"Really?" Troy uttered in awe. Tumaas ang mga tingin nito kay Xeira at pinagmasdan ang dalaga with admiration in his eyes. "She's so beautiful."

"Thank you Troy. You are handsome too."

And the magic happens. Troy's pale skin turned red. He's always blushing kung my pumupuri sa kanya.

"Thank you po."

Ginulo ni Xeira ang buhok nito bagay na mas lalong ikinahiya ng bata.

"Anyway, we need to go. Bye Troy."

"Tita, no. We are going to McDonald's today with Troy and his Tito. Troy and I already talked about it a while ago."

Wala silang nagawa kundi sundin ang mga bata. Bagaman separate cars ay magkasabay silang pumunta sa pinakamalapit na McDonald's. Pinaubaya na nila sa mga bata ang pagpili ng makakain. Nakaorder na sila ng mga pagkain pero hindi pa rin sila nagpapansinan ni Xeira.

Pagkatapos kumain ang mga bata ay nagpaalam ang mga ito na pumunta sa playpace ng fast food restuarant. Naiwan sila sa mesa na hindi alam kung ano ang gagawin.

Alex does not know bow to initiate a conversation. "Ah, so how are you?"

"Ok lang ako."

Napansin niya kanina pa ang tila pag-iwas sa kanya ni Xeira.

"Are you avoiding me?"

"Why would I do that?"

"Ewan ko sa iyo. Ikaw lang naman ang makakasagot niyan."

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."

"Isa pa yan. Para bang lagi kang galit sa akin. Para wala naman tayong pinagsamahan Xeira."

Natahimik ito at ang natirang fries ang pinagdiskitahan. Nakayuko ito habang kumakain ng fries. Nang mag-angat ito ng mukha ay napansin ni Alex ang ketchup sa gilid ng bibig nito. Kumuha siya ng tissue at siya na ang nagpunas.

Awtomatikong napatingin sa kanya si Xeira. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatutok sa kanya.

"Why did you do that?!" singhal nito sa kanya.

"Come on Xeira. Maliit na bagay lang iyon." nairita siya sa tono ng pananalita ng dalaga. Para bang nakakamatay ang kanyang ginawa. "Bakit ba matindi ang galit mo sa akin? Alalahanin mo, hindi lang iyon ang pinunasan ko dati. Baka nakakalimutan mo nahalikan na kita noon Xeira. At tinugon mo ang mga halik ko."

Isang malakas na sampal ang binitiwan ni Xeira. Tumayo ito at tinawag ang pamangkin. Naiwan siya sa mesa na nakatulala. Hindi rin nagtagal ay lumapit sa kanga si Troy.


John Alexander: PLAYFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon