Desi Otso: Pakikipag-ayos

1.2K 52 0
                                    

**Alex POV**

Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko sa sala sina mommy at Yana. Tuwang-tuwa ang mga itong sumalubong sa akin.

Niyakap ako ng mahigpit ni mommy. "How I missed you anak. Kumusta ang bakasyon?"

"I missed you too mom. Ok lang po yung bakasyon namin.. Kayo po? Saan niyo dinala si Yana?"

"Your Dad brought us to Palawan. Napakaganda doon for vacation. Next time ay doon tayo pupunta kina Alejandro."

"Sige po. And speaking of, nasaan po si Kuya Andro?"

"Lumabas ang iyong kapatid. Hindi pa siya bumabalik."

"Kailan pala kayo nakabalik?"

"Kararating lang naming umaga hijo."

"Ganun po ba? Sige ho, aakyat po muna ako."

"Sige, anak. Magpiprepare lang ako ng dinner natin. Hindi ako makakapayag na hindi ang luto ko ang una mong matitikman sa iyong pagbabalik."

Ngumiti na lang ako at umakyat na sa aking kuwarto. Ibinaba ko ang mga bitbit ko. Tinanggal ko ang aking mga sout at ihnagis sa kung saan. I dived to my bed and hugged my pillows. I really missed my bed.

*****

"Kuya! Kuya! Gising na daw. Kakain na tayo!"

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ang paggising sa akin ng aking kapatid. Kakain na daw eh hindi pa naman ako nakakaligo.

"Ok. Be there in a minute. Magbibihis lang ako."

Dumiretso ako sa aking closet kumuha ng damit, basta na lang isinout at dumiretso sa baba.

Nadatnan ko sina Mom, Dad, Andro, at Yana sa hapag-kainan. "Hello po."

"Kumusta ang bakasyon, Hijo." si Dad.

"Ok lang po Dad. Marami po kaming experience doon."

"That's good. I bet your brother has many experience too."

"Dad?" matigas na singit ni Andro.

"Oops!" natatawang wika ni Daddy. "I did not mean that.Sige na, magpray ka na Yana at nang makakain na tayo."

Sa boung kainan ay tahimik na tahimik ang aking kakambal. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. At hindi ko alam ang dahilan.

"Mom, Dad." tawag nito sa aming mga magulang pagkatapos kumain. "Mauna na po ako sa taas."

"Pero, may reunion pa tayo. Kababalik lang ng kapatid mo Alejandro."

"I'm sorry mom. Pagod na po kasi ako eh. Bukas na lang ho."

Tahimik na umalis ang aking kapatid. Nagkibit-balikat lang sina Mom at Dad at ipinagpatuloy lang ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay kinausap ako ng aming mga magulang.

"Suyuin mo ang kapatid mo." sabi sa akin ni Mom.

"Mom?" reklamo ko. "Suyuin? Ano siya? Chix?"

"John Alexander!" gimbal nitong bulalas. "You should be the first one to take a move to make amends with him. Kaya ka namin pinayagan sa bakasyon mo ay para sa pagbalik mo ay ikaw ang mag-aayos sa relasyon niyong magkapatid."

"Mom!"

"Bakit kasi hindi kayo magpalit ng mga girlfriends para wala na kayong pinag-aawayan." singit ni Dad sa usapan.

"Seriously Bryner? Hindi ka nakakatulong. Idinadamay mo pa sina Evelyn at Xeira."

"I'm sorry hon, alam mo namang nagbibiro lang ako eh."

Hay! Here we go again. Wait! What? Magpalit ng girlfriend? Hindi maganda iyon. Hindi kasi ako sure kung sino ang mas gusto ni Xeira sa amin ng kapatid ko. At wala ring score kina Andro at Evelyn.

"Oo na mom. Ako na ang makikipag-ayos kay Alejandro."

NapaYes ng sabay ang aming mga magulang na parang mga bata. Tinawag ko naman si Yana para masamahan niya ako.

"Jan Alyana! Samahan mo ako. Bubulabugin natin si Mr. Grumpy!"

Tumatakbong lumapit sa akin si Yana at sumunod sa taas. Tulad ng dati, basta lang namin itinulak ang pintuan ng kuwarto ni KUYA at pumasok kami.

Nadatnan namin siyang may kausap sa kanyang cellphone.

"Wait." sabi nito sa kausap. "My brother is here. Ok bye."

Bago pa siya makahuma ay sinugod na namin siya ni Yana at ibinagsak sa kanyang kama. We wrestled with him. Nang mapagod kami ay sabay-sabay kaming napahiga sa kanyang kama na natatawa.

"I'm sorry!" sabay pa naming usal. Alam na naming dalawa na ayos na kami. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. "Thank you Kuya."

"Get your hands off me!" sigaw niya pero hindi ko siya pinakawalan. Gumanti na rin siya ng yakap at natatawang napabangon.

Si Alyana naman ay biglang lumabas ng silid na nagsisisigaw. "Mommy! Daddy! My brothers are ok now!"

Tinulungan ako ni Andro na makabangon sa kanyang kama. "I guess, itutuloy natin yung reunion na sinasabi ni Mommy kanina." sabi niya. "Tawagin mo sila. May mga bago akong DVD. Sa entertainment room tayo."

Lumabas ako ng aking silid na tuwang-tuwa. Nabunutan na rin ako ng isang tinik sa dibdib.

That night, we really had our family reunion.

*****

"Mom, I will be going out." Mula sa baba ay narinig kong paalam ni Andro kay mommy. "Tell Alex also if he wakes up baka hanapin niya ako."

Alas diyes na ng umaga. Nalate akong nagising. Pababa na sana ako ng hagdan nang marinig ang paalam ni Alejandro. May unusual talagang nangyayari sa kakambal ko. Hindi naman iyan palalabas dati. Tanging ang kanyang studio ang kanyang tambayan pag nasa bahay.

Nagkibit-balikat na lang ako at bumaba na ng hagdanan. Nadatnan ko si mommy sa sala na nanonood ng TV. "Good morning mom."

"Good morning too Alex.Kaalis lang ng kapatid mo. Pumunta ka na sa kusina at kumain."

"Sige mom, nasaan po si Yana. Gusto ko siyang kasabay."

"Nasa hardin si Yana. Kumain na iyon. Si Alejandro ang sinabayan. Pareho kayong late na nagising kaya walang sumabay ng almusal sa amin ng Daddy niyo."

Pagkatapos magpaalam ay dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng pagkain at lumabas papunta sa hardin. Umupo ako sa isang upuan doon at pinanood ang aking kapatid habang sinasabayan ko ng pagsubo ng pagkain. Hinahabol nito ang mga butterflies na dumadapo sa mga bulaklak na tanim ni mommy.

Pagkatapos kong kumain ay tinawag ko ang aking kapatid. "Yana, gusto mo bang sumama sa akin? Lalabas tayo."

Iniwan niya ang mga butterflies at patakbong lumapit papunta sa aking kinauupuan. "Where are we going?"

"Mamasyal. Tapos, kakain tayo sa McDonald's."

"Ayoko. Ikaw na lang kuya. Alam ko namang maka-Jollibee ka. Kay kuya Alejandro na lang ako magpapasama kung invite niya ako. Pareho kasi kaming mahilig sa McDo."

Hindi ako nakapagsalita pa. Patakbo kasi siyang bumalik sa mga paru-parong kanyang kalaro. Bumalik na lang ako sa loob.

Maya-maya ay tumawag sa akin si Xeira. She is inviting me to go out.

John Alexander: PLAYFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon