Family
Mag-isa lang ako sa kuwarto ko. Nasa iisang k'warto ang mga kapatid ko at syempre may sariling kuwarto ang parents ko. Hindi kami mayaman pero carry lang. May sasakyan si papa, may motor na sina kuya Sean at Sic. Si kuya Scion na lang ang wala pang sasasakyan at syempre ako. May sarili rin kami bakery kaya yun ang pinagkakaabalahan ng mama ko.
"Aleah, maglinis ka nga. Mamaya na cellphone," sabi ni Sean. "Ano?" tanong niya na parang kasalanan ko na naman na samaan ko siya ng tingin.
Tinalikuran ko siya saka ko kinuha ang walis tambo at dustpan. Inuna ko ang k'warto ko, bahala sila sa buhay nila. Ito ang problema ng nag-iisang babae, hindi ka prinsesa kasi mukha kang alila. Masyado pa nilang idinadahilan na sila ang matanda, gawain yan ng babae, matuto ka sumunod kasi mas matanda ako sayo. It's unfair, kung may nagagawa ng babae ang ibang kayang gawin ng lalaki dapat ganoon din sila. Kung magkalat wagas, kung makapag-utos akala mo batas, try kaya nilang sila umayos ng kalat nila.
Ibang-iba ako sa loob ng bahay at sa labas. Kung dito maingay ako sa labas halos hindi na ako makapagsalita ng diretso. Dito nakikipag-away kina kuya pero hindi ko kaya sa iba. Ganito umiikot ang mundo ko.
Halos isa't kalahating oras ako naglinis sa k'warto ko. Paglabas ko ay dumiretso ako sa k'warto nila, naglalaro lang naman sila kaya masyado ako nauurat.
"Akala mo mga batas! Makapagkalat ang kaya lang naman mag-utos. Total bida-bida kayo, pumunta kayo sa sala at doon kayo maglaro!" sigaw ko sa kanila. Naglakad naman sila palabas ng kuwarto niya pero nasa cellphone ang paningin nila. Madapa sana sila. "Ang kalat ng k'warto niyo! Pag nag-asawa kayo susukuan kaagad kayo!"
Padabog ako naglinis sa k'warto nila. Pagkatapos ay sa sala na ako naglinis kaya pinagpapalo ko sila ng walis tambo kasi nananadya silang magkalat.
"Ma, sina kuya! Naglalaro ng online games! Ipalunok mo na cellphone nila! Nahihiya naman kasi ako!"
"Masakit nga kasi ulo ko," sabi ni Scion. "After this magrerest talaga ako."
"Ipukpok mo yung bato sa ulo mo para malaman mo kung ano yung totoong masakit kasi may isasakit pa 'yan kasi hindi ka mahal ng taong mahal mo."
"Sunog!" sigaw ni Sean.
"Sunog na sunog!" sigaw naman ni Sic.
"Mga tang*na niyo!" sigaw ni Scion at pinagpapalo kami ng unan. Syempre kumuha rin ako ng akin. Hindi ako magpapatalo. "Ma!" Tawang-tawa kami kay Scion na nagpapaback-up kay mama.
Parang nag-slow motion ang paligid ng makita namin na matutumba si Sic ang malala pa ay nasagi niya yung isang jar dahilan para takbuhin nina kuya pero huli na. Kasabay ng pagbagsak ni kuya ay ang pagbagsak ng jar.
Napasinghap kaming tatlong habang mura ng mura si Sic. Hahawakan na sana ni Sean ang bubog ng biglang sumigaw si mama kaya tumabi ako kina Sean at Scion at napakapit sa damit nila.
"Ano 'yan! Kayong mga bata kayo gurang na kayo tandaan niyo 'yan! Hindi niyo ba alam kung magkano 'yan?" Nag-angat ako ng tingin kay Scion na nagpipigil ng tawa. "Sino nakabasag?!" nanggagalaiting sigaw ni mama.
Sabay-sabay namin tinuro si Sic. "Siya yung nakasagi, Ma." Inakbayan ako ni Sean kasi mukhang alam na niya ang sunod na mangyayari ng makita ni mama ang unan na nagkalat.
Nauna tumakbo papalabas si Scion, sumunod si Sean kaya sumunod ako at nakasunod sa akin si Sic. "Bumalik kayo dito! Mga walanghiya kayo! Hoy!" Hindi namin pinansin si mama.
Nang nasa may kalsada na kami ay nakita namin na nasa labas ng bahay nila si Rocky at kuya Kit kaya doon kami dumiretso.
"Kailangan namin lumikas," sabi ni Rocky. "Ba't nasa labas kayong lahat? Don't tell me—"
"Kailangan din naming lumikas," natatawang sabi ko kaya pati mga kuya ko ay natawa. "Hala palabas na si mama."
"Shit si mama ayon na rin," sabi ni kuya Kit kaya nagsitakbuhan kami papalayo sa bahay namin.
Nang makalayo sa bahay ay sabay-sabay kami naglakad. Dahil 9 am na lang ay mainit. Dumiretso kami sa isang basketball court dahil ilalaro na lang daw nila ang mga nangyari. Tanga rin eh. Tatakas-takas kami wala naman kami mauuwian. Umuusok na ilong at tainga no'n ni mama for sure
Naupo lang ako sa bench, buti na lang at hindi mainit. Pasalamat na lang ako at nadala ko ang phone ko.
"Aleah, kuhanan mo kami ng picture." I rolled my eyes at them. "Dali na," dagdag pa ni Sic.
Lahat sila nakahalf-naked. Tumayo ako saka lumapit ng bahagya sa kanila. Akala mo naman napakamamacho. May abs nga mukha na rin naman liliparin ng hangin si Rocky.
Nang mapagod na sila ay nagbihis na sila saka nag-aya na kakain daw kami. Dumiretso kami sa isang mamihan. Si kuya Sean nagbayad ng akin, wala naman akong pera. After namin kumain ay bumili sila ng lolipop sa katabi pang tindihan, binigyan naman nila ako.
Nang papaalis na kami ay nakita ko si Jackson. Kumaway ito sa akin kaya ngumiti lang ako. Iniabot sa akin ni Sean ang lolipop, wala na itong balak kaya kaagad ko na isinubo pero ng makita ko na hindi naman sa akin siya nakatingin ay sinundan ko kung saan siya nakatingin maging si Sic at Scion. Pagbaling ko kina Rocky at kuya Kit ay tatawa-tawa lang ito.
"Sino yun, Aleah?"
"SSG President yun ng school. Parati rin yun umaaligid kay Aleah," sabi ni Rocky kaya lumingon ang tatlo sa kanya kaya nagtago siya sa likod ko. "Mangangain ng buhay ang mga kuya mo," bulong niya sa akin.
"Scarlet Aleah ka, boy?" tanong ni Sic kay Rocky.
Sinamaan ko ng tingin sina kuya. "Huwag nga kayong feeling protective. Kunwari-kunwarian ba yan?" tanong ko kaya inakbayan na sila ni kuya Kit.
"Nagdadalaga na ang baby natin. Hindi niyo na yan mapipigilan," natatawang sabi ni kuya Kit.
Sa nakalipas na isang linggo ay si Kim ang lagi kong nakakasama. Paali-aligid din sa akin si Jackson. Panay papansin ganoon, buti na lang at SSG President siya kaya lagi siyang napapatawag kaya minsan kadalasan mag-isa ako pero may mga kumakausap naman sa akin sadyang mas gusto ko mag-isa.
Minsan nakikita ko si Raquel. Siya yung girl na nakausap ko noong first day of School. Nagkausap ulit kami kaya nalaman ko na ang pangalan niya. Nakilala ko rin ang SSG Vice President, classmate siya ni Raquel si William.
"Arat. Uwi na tayo, may gagawin pa pala ako. May papers ako, shit." Siya naman may kasalanan kung bakit kami umalis kaya magdusa siya.
Pagpasok namin sa bahay ay tulog si mama sa sofa. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob at dumiretso ako sa kuwarto ko. Ilang minuto ay may kumatok pero natatakot ako buksan ng tumutog ang phone ko at nagtext si Sean na buksan ko raw ang pinto.
Nakalock ang pinto ko habang nakahiga ako at nanonood ng Kdrama habang si kuya ay nakikigamit ng Ipad ko. Gamit raw kasi ni kuya Sic at Scion ang mga gadgets sa kuwarto nila.
"Nga pala." Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Alam ko na lumalaki ka na. I mean, nagdadalaga ka na pero huwag magpadalus-dalos ng desisyon. You're my baby and I don't want you to be hurt."
"Pero lahat ng tao nasasaktan, sa iba-iba nga lang na paraan."
"I know." He sighed deeply and I know that he cares about me, sila nila kuya. "That's why I want you to be strong. Kuya will always here for you." Tumayo siya saka lumapit sa akin. "Don't let your fears eat you. Explore things." He tapped my hands that's why I smiled.
"Thank you, kuya." I whispered.
He chuckled.
"I love the way you calls me kuya. Sana araw-araw."
"Ayoko. Alis nga diyan, nanonood ako eh. Ayusin mo na ginagawa mo, istubro ka."
Natawa na lang ako sa kan'ya at ipinagpatuloy ko ang panonood ko ng Kdrama. This is life. May mga kuya man ako na sobrang nakakainis pero minsan lang sila maging sweet. Pasalamat ako kasi sila ang naging pamilya ko.
My brothers and my cousin are my best friends.
![](https://img.wattpad.com/cover/264020642-288-k503203.jpg)
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...