VIII Pageant

176 13 0
                                    

Pageant

Maaga akong nagising. Halos wala akong tulog. Pinagdasal ko na nga lang na magkasakit ako para hindi ako pumasok pero wala. Matamlay ang pagbaba ko sa kama, kamuntikan pa ako mahulog sa hagdan na lalong nagpakaba sa akin. Natatakot talaga ako.

"Umayos ka nga, Aleah." Napatingin ako kay Scion na nakahiga pa. "Para kang walang buhay na gulay. Pwede ba kami mamaya pumasok sa school?" tanong niya.

Tumango ako. Aside sa mga istudayante ay pwede rin makapasok ang kamag-anak ng mga istudayante sa loob. Kailangan ng ID para makita na totoo. Kapag bata naman okay lang basta ID talaga ang kailangan at mismong ang istudayante ang magsusundo sa may gate.

"Pupunta kami," sabi ni kuya.

Si Sic ang nag-ayos ng mesa. Kakatapos lang ni mama magluto. Si Sean ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Pinagtimpla niya rin ako ng gatas na ipinagtataka ko.

"Anong meron?" tanong ko pero nagkibit-balikat lang silang lahat. 

"Tawagin mo si papa mo at ang kuya mo."

Naglakad ako papunta sa k'warto namin. Nakita ko na yakap-yakap pa rin ni Scion ang unan. "Scion, kakain na raw." Dumiretso ako sa labas at nakita ko si papa na nagwawalis. "Pa, kakain na raw." 

Si papa ang naghatid sa akin sa school. Tinulungan din ako ni Rocky na dalhin ang mga dala kong pagkain kasi sharing sa amin. Nagdala ako ng kakanin at pareho kami ni Rocky ng dala kasi si mama ang gumawa. Hinatid niya ako hanggang sa room. 

Nang mabilisan lang ang opening program dahil diretso kaagad sa iilang mga program. Wala naman akong ibang sinalihan pa kasi ayoko rin naman. Naghintay lang ako sa room at pasimpleng menimemorize ko ang mga lines na bibitawan ko na kahit ang simple lang. Natatakot kasi ako na baka pati pangalan ko makalimutan ko na sabihin dahil sa kaba.

Wala si Jack dahil nagfafacilitate siya sa ibang mga patimpalak tulad ng spoken Poetry, sabayang pagbigkas, balagtasan at kung anu-ano pa. May mga nagjudge na rin sa bawat classroom para sa kung sino ang may pinakamagandang design at Pilipinong-Pilipino ang tema. Nang maglunch ay dinalhan ako ni Rocky ng pagkain galing sa room nila kahit mayroon naman sa amin. 

Sakto namang pagpasok ni Jackson ang pagsubo ko sa dala ni Rocky na lumpia. Nakakaisang kagat pa lang ako ng maupo si Jack sa tabi ko saka biglang kumagat sa kinakain ko kaya nagulat ako. Ginulo niya ang buhok ko saka inihilig ang ulo niya sa balikat ko.

"Ang langgam, guys."

"Masakit sa mata, p're."

"Kailangan ko na ata magpatingin sa doctor nasusuka ako sa nakikita ko."

Rinig kong mga hinagpis ng mga kaklase ko. Narinig ko na natawa si Jack pero hindi niya pa rin inaalis sa balikat ko ang ulo niya. "Pagod ka?" tanong ko.

"Oo. Ayos lang ba pahinga ako?" Bumuntonghininga lang ako. "Ayos ka lang? Kinakabahan ka ba para mamaya?" Tumungo ako kahit hindi ko alam kong kita niya. "Don't be. Nasa tabi mo lang ako, hindi naman tayo maglalayo sa stage. Nandoon lang naman tayo para irepresent ang damit na gawa ng mga classmate natin, wala rin naman question and answer. You'll be fine."

"Kinakabahan ako."

"Just hold my hands, babe."

"Pres. tama na muna yan. Kailangan na namin ayusan, bebe mo. Need na para hindi magmadali mamaya," sabi ni Shenna.

Inalis na ni Jackson ang pagkakahilig niya sa balikat ko. Inalis niya pa ang takas na buhok sa mukha ko. Ngumiti siya bago tumayo at hinalikan ako sa ibabaw ng ulo ko bago nagpaalam.

Literal na nakalimot ako sa paligid. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Halos hindi na magkandaugaga ang mga daga sa dibdib ko. Parang nabingi na ata ako sa lakas. Paglingon ko sa mga kaklase ko ay tulala rin sila. Naglakad ako papalapit kay Shenna na lutang.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon