Ignore
Hindi ko na nakausap pa si, Jack. He's busy preparing the events for intramurals. Halos wala na rin kaming pasok para sa preparation. Ngayon ang araw na magbubunotan kami para sa team namin. Nakaupo lang ako mag-isa bago lumapit ang Secretary ng room namin at pinabunok ako.
Nang buksan ko ang papel ay tumambad sa akin ang color ng unit ko. "Unit 4," I said. Ibig sabihin blue team ako.
Inilista nila ang mga name namin sa board kung saan kami. Nang makita ko ang mga makakasama ko ay parang gusto ko na lumipat ng unit. Wala man lang akong kaclose at halos lahat sila ay lalaki. Napabuntonghininga na lang ako ng makita ko na tatlo lang kaming babae at hindi ko talaga sila kaclose.
Ito na naman, parang gusto ko na lang makipagpalit pero hindi ko alam kung kanino. Ayoko naman mapag-isa.
"Tara na. 4th year daw bahala na mag-assist sa mga units," sabi ni Hiro na kaklase namin. "Scarlet, tara. Sama ka na sa amin. Hanap tayo ng ka-unit natin sa kabila." Kinuha ko ang bag ko saka ako sumunod sa kanila.
Sana hindi ako magmukhang tanga.
"Oy, sino mga unit 4 diyan? Arat na, guys!" sigaw ni Hiro. "Hala! Sa atin si Sam oh." Turo niya kay Sam.
Mas lalo akong nawalan ng gana ng hindi ko kasama si Raquel. Nasa ibang unit sila. Si Dylan at Sam ang kasama ko kaya naman no choice. Mukha akong loner, actually matagal na rin naman pala akong loner. Napapagitnaan ako nina Dylan at Sam sa paglalakad, dinaig ko pa may katabing dalawang poste ng kuryente.
Nang makarating kami sa room na need namin ay mauupo na sana ako ng hilahin ako no Hiro papunta sa harap kaya kinabahan ako. Kahit simpleng paghila sa akin papunta sa harap ay hindi na magkandaugaga ang daga sa dibdib ko, walang paru-paru sa tiyan ko pero marami daga sa dibdib ko.
"Magsusulat ka lang naman, Scarlet. Mag-eelect tayo ng officer." Iniabot niya sa akin ang chalk kaya wala na akong nagawa. Pati pagsusulat sa harapan ay kinakabahan ako.
Si Hiro ang nanalo sa pagiging President. 3rd year naman ang sa Vice President. Sa Secretary ay ako. Sa muse at escort ay halos lahat nagkagulo.
"Si ate Scarlet po for muse," sigaw ng mga babaeng juniors. "Maganda siya kaya siya na lang po." Gusto ko na ata lumubog sa naririnig ko.
Halos lahat sila nag-agree. Maging sa escort ay nagkagulo kaya naman si Sam ang nanalo. Pinalitan nila ako sa pagiging Secretary kaya naupo na ako. Binura nila ang name namin at wala silang nilagay na muse at escort para raw surprise. Lahat din ay sinabihan na huwag daw ilabas para raw pasabog.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Kailangan ko lang naman daw irepresent ang unit namin. Gumawa na rin sila ng yell, at nagplano ng mga kung anu-ano kaya naka-earphone lang ako. Bumalik na naman ang pagiging nega ko. Bakit ba kahit hindi ko kaya hindi ako totally makahindi?
***
Dahil 2 days lang ang need namin para sa preparation ay super busy ng mga tao. Sina Sam at Dylan ang nakasama ko sa paglabas sa room na yun. Dahil kaunting preparation lang ang mayroon kami pinapabili kami ni Hiro ng mga kakailanganin. Open ang school ngayon pero kailangan namin magpirma kapag lalabas at papasok kami sa school ng may kalapat na oras.
Dumiretso kami sa mall para bumili ng mga blue materials like cartolina, tela, at mga kung anu-ano pang nasa listahan. Yung mga naiwan doon ay nagpapapractice ng yell. Bumili na rin daw kami ng susuotin namin. Buti na lang at binigyan ako nina mama ng pera.
Bumili ako ng below the knees black boots maging si Sam. Black leather shorts at black crop top shirts. Kay Sam naman ay black sando at black leather pants. Bumili kami ng royal couple coat with hoodie. Above the knees ang haba ng coat ko sa akin samantalang sa kaniya naman ay hanggang sa lampas ng tuhod niya. Bumili rin kami ng black gloves. Nagtext din ako kay Sean na puntahan ako sa mall para kunin niya ang damit ko, hindi ko pwede dalhin sa school.
"You look like a couple," Dylan said. "May pinagseselosan ba kayo? Gusto mo bang mapatay kita, Sam?" tanong ni Dylan kay Sam.
"I like, Scarlet." Napahinto kami ng lakad ni Dylan dahil sa sagot no Sam. "I like her as a sister. Wala rin ako atraso sayo para pagbantaan mo ako."
Nang dumating si kuya ay inaya niya kami kumain. Dahil sa gutom na rin ang dalawa kaya pumayag. Matapos namin mabili lahat ng nasa listahan ay bumalik na kami sa school.
Tumulong na lang ako sa pag-aayos ng mga kakailanganin tomorrow. Rinding-rindi na rin ako sa kakaulit-ulit na pagpapractice ng yell. Lalo pa tuloy ako natutulala sa mga nangyayari.
Nang utusan ako ni Hiro na samahan ko raw siya sa faculty room para ibigay ang listahan ng maglalaro ay nakaakbay siya sa akin. Para akong walang buhay habang naglalakad. Lumilipad na talaga ang isip ko.
"Ang tahimik mo naman, Scarlet. No awkward ah, hindi kita gusto. Ang cute mo lang kasi talaga. Himala ata at hindi nakasunod sa'yo si Jack."
"He's busy. Ilibre mo naman ako gutom na ako," sabi ko sa kaniya para maiba ang usapan. "Kanina pa ako pagod eh."
Nang makasalubong namin si Jack ay napatingin siya sa kamay ni Hiro na nasa balikat ko. "Hi, Pres. busy ka. Don't worry inaalagaan namin ang bebe mo. Huwag kang tumingin sa akin. Feeling ko mamamatay na ako. Don't worry isa lamang akong bodyguard ng bebe mo."
Nang iniabot ni Hiro sa kaniya ang papel ay kinuha niya kaagad ito saka kami nilampasan. Kumakamot-kamot pa ng ulo si Hiro sa iniasta ni Jack sa kaniya.
"Nag-away kayo?" tanong niya sa akin. "Why he's acting like a cold ice. May hot ice ba?" Sumimangot ako sa kaniya at hinila ko na lang siya papuntang canteen.
Nalaman ko na crush pala ni Hiro si Gillian. Ginagamit niya lang ako para kahit papano ay mapalapit daw siya kay Gillian. Mali naman ang nilapitan niya. Nagkakasama man kami ni Gillian pero hindi kami super close, si Raquel talaga ang close niya.
Nang matapos namin ang mga kakailangan naming props for tomorrow ay itinext ko si Rocky. Nalaman ko na escort na naman pala siya. Sina kuya lang ang nakakakaalam na ako ang muse ng unit namin. Maging si Rocky ay alam niya pero wala siyang pinagsasabihan. I trust him.
"Bakit parang hindi ko nakikita na nakasunod sayo si Jack?" tanong niya. "Anong meron?"
I sighed. "I don't know. Simula noong isang araw na hinila mo ako ay hindi na niya ako kinausap. Malay ko sa kaniya. Natauhan na siguro. Nachallenge lang sa akin. Sabi nga nila sino ba naman ako?" Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Napahinto ako ng makita ko si Jack na may kausap na babae at nagtatawanan sila. Siguro ay bago niya. Wala akong pakialam sa kaniya.
"Scarlet!" sigaw ni Rocky. Alam ko na sinasadya niya kasi napalingon naman sa gawi namin si Jackson. "Hintay kasi," dagdag niya pa.
Nang makita ko si Hiro ay ako naman ang naglakas loob. "Hiro! Wait!" sigaw ko bago ako tumakbo papalapit sa kaniya. "Ilayo mo ko rito," sabi ko.
Buti na lang at nakuha niya ang gusto ko iparating. "Suntokin ko na ba? Gago ba? Aba!" Kinurot ko ang tagiliran niya dahilan para mapahiyaw siya. "Oo na. Halika na."
Akala niya sobrang g'wapo niya. Maitim siya! Hindi siya moreno! Palibhasa campus crush siya ay ginagago niya ako. Bahala siya sa buhay niya! Hindi siya brown! Black siya! Black!
BINABASA MO ANG
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Roman pour Adolescents[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
